Kabanata 20

27.3K 276 27
                                    

1 buwang nakalipas...


Pinauwi ko muna si Gwyn sa kanila para naman makapag-bond siya ulit kasama pamilya niya, at buti nalang pumayag na ito. Ang tagal ko siyang pinilit hangga't sa um-oo na siya.


Sa gitna ng hapon ay tinawagan ako ni Sean, para puntahan si Derrick dahil lasing daw ito.


"Ha? Oh sige sige, pupuntahan ko siya," sagot ko saka binaba ang telepono.


Agad akong nag-ayos ng gamit at saka pinuntahan si Derrick, sa condo unit niya.


Ilang minuto rin ang dinrive ko papunta kela Derrick, medyo matraffic kaya mga bandang gabi na 'ko nakarating sa kanila.


Kumatok ako sa pintuan ni Derrick, at pinagbuksan ako ni Sean. Ang gulo ng condo unit niya at nagwawala pa rin si Derrick.


"Huy! Huy love!" Agad kong nilapitan si Derrick.


"Anong problema mo, love?" Pag-alala kong tanong.


"Eh eto k-kasing kaibigan ko..." Sabay turo niya kay Sean.


"Masyadong pakelamero sabi ko okay lang ako!" Sabi niya at nagdabog nanaman.


Halatang lasing na lasing nga si Derrick.


"Ilang bote nanaman ba ininom mo ha?" Tanong ko.


"Wala ka na don, sweetheart okay?" Sabi ni Derrick.


Nung pagkasabi niya noon, ay tumingin ako kay Sean at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Pero hinayaan ko lang iyon.


"Love! Magpahinga ka muna," sabi ko at inupo si Derrick sa sofa niya.


"OH ANO TINITINGIN TINGIN MO!" Turo ni Derrick kay Sean.


"Love! Chill. Chill ka lang, okay? Andito ako," I humbly said.


"Thank you for coming here, sweetheart," sabi bigla ni Derrick at niyakap ako.


"I love you, love," sabi ko.


"I love you too, Diana," sabi ni Derrick at niyakap ako ng mahigpit.


Kumalas ako sa pagka-yakap ni Derrick, at nagulat.


"A-ano?" Paiyak kong sabi.


"Why, Diana? Is there something wrong?" Derrick asked.


"W-why a-a-are you... c-calling m-me... D-Diana?" I asked.


"Because you're Diana, sweetheart," sabi ni Derrick.


Sinampal ko si Derrick, at naramdaman kong tumulo na ang luha ko sa gilid ng aking mga mata.


Umalis ako at lumabas ng unit niya, at pakiramdam ko ay sinundan ako ni Sean palabas.


"Hey! Are you okay?" Tanong ni Sean.


"Tell me Sean, w-who... i-is Diana!?" I shouted.


Hindi ako sinagot ni Sean at niyakap lamang ako.


"Hatid na kita sa inyo. I'll tell you later," sabi ni Sean.


Bumaba kami at naglakad patungo sa kotse ko, 'di pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.


Pinagbuksan ako ni Sean ng pinto at saka ako pumasok sa loob, umikot naman siya at umupo sa katabi ko.


Seducing Ms. Innocent (Seduction Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon