Chapter 1

117 6 1
                                    


Skye's POV




"Best, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa aking best friend nang lumitaw siya sa harap ng bahay namin, ay wait, bahay pala ng asawa ni Mama.

"Wala naman. Naisipan lang kitang dalawin, namiss kita. Hindi kita nayaya last weekend, birthday mopa naman nung sabado" sabi niya

Tumawa naman ako ng bahagya "Alam mo naman ang kalagayan dito sa mansyon eh" saad ko

Tumango naman siya. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Tinitignan niya isa isa ang mga litrato "Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kasama mo na sa iisang bahay ang long time crush mo hahahah" mahinang sambit niya. Kaagad akong nagpa linga-linga sa kaliwa't-kanan.

"Ano kaba wag kang maingay!" Sabi ko "Baka may makarinig sayo." Dugtong ko pa

Tumawa naman siya ng kaunti tapos biglang sumeryoso ang mukha. Napaka bipolar din nitong baklang 'to eh.

"Best, hindi ka naman siguro nila inaapi ano?" Sabi niya

"Ano kaba, hindi noh. Para nga lang akong hangin sa dalawang kuya eh. Buti nalang at Mabait si Cal. Siya ang katuwang ko laban sa dalawang Evil brothers niya" pagbibiro ko

"You mean those smoking hot evil step-brothers of yours ahahahah" sabi niya. Tumawa nalang ako. Dinala ko siya sa sala at sakto namang baba ni Kuya Dexter mula sa taas. Naka boxer at Topless ito. Tinignan ko ang best friend ko and yeppe, gaya ng inaasahan ay nakatulala siya ngayon.

"Best, yung bibig mo" bulong ko sakanya. Agad naman niyang pinahid ang bibig niya to check kung may laway. Hindi ko maiwasan na hindi matawa sakanya. Hay nako.

Lumapit saakin si kuya, marahan naman akong yumuko pero nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at pinatingin ako ng deretso sakanya

"Kuhanan mo ako ng Sandwhich at ng juice. Paki-akyat sa kwarto ko" sabi niya. Binalingan niya ang bestfriend ko na tulala saamin dahil sa ginawa nito. "May bisita ka pala bunso" sabi nito. Hindi ko alam kung sadyang husky ang boses niya o talagang ginagawa niyang ganoon para ma tempt ako o si Eisen eh.

"A-ah oo kuya si-" "I don't care." Sabay talikod saamin. Aba't!!

Nang mawala si Kuya Dex sa harapan namin ay kaagad akong hinampas ni Eisen sa Balikat ko "Bakla ka! Umamin ka nga, may something ba sainyo ni Dexter?!" Sabi niya saakin

Sinimangutan ko siya "Ang kapal ng mukha mo best! No way, he's way out of my league!" Sabi kong ganun. Choosy man pakinggan pero no way, hindi pasado si Kuya Dex sa isa kong Standard. Isa lang naman ang di niya naipasa. He's the school's Casanova Prince kaya ayoko, gusto ko yung loyal, yung stick to one "Ewan ko sa Utak mo Eisan, alam mo naman kung sino ang gusto ko diba. Siya umakyat kana sa kwarto ko. Pangalawang pinto sa Kanan" sabi ko

Tumango naman siya at umakyat. Nag punta naman ako sa kusina para gumawa ng Sandwhich na gusto ni Kuya Dexter at juice. Tig-dalawa na ang ginawa ko para kay Eisan yung isa.

Matapos kong gawin iyon ay saka ako umakyat sa itaas, dinala ko muna kay Kuya Dexter ang pagkain niya

"Kuya?" *Knock* *Knock* "Kuya Dexter dala ko na ang pagkain mo" sabi ko. Hindi siya sumagot kaya pinihit ko ang doorknob. Naririnig kong may kalaskas ng tubig galing sa banyo ni Kuya Dexter

"Kuya dexter?" Sambit kong muli "Oh?!" Dinig kong sabi ni Kuya Dex "Kuya ilalagay ko nalang sa Table yung Miryenda mo!" Sabi ko

Love and BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon