Chapter 6

48 4 2
                                    


Skye's POV




Kasalukuyan kaming nandito sa isang korean restaurant para kumain ng lunch, or in my case, para mag Brunch since hindi naman ako nakapag breakfast kanina dahil kay Eisen. Gaya ng napag usapan, inilibre ako nung dalawa.

"Hoy Skye, hindi mo sinagot yung tanong ko kanina, sino yung cute na lalaki kanina sa may psychology depart? Aabuughh may pa yakap at pa beso pa" pag sabi ni Eisen. Tumango naman si Quinn sa sinabi ni Eisen

"At ikaw lang talaga ang niyapos at bineso ha! Kilala na kaya niya kami" reklamo ni Quinn

"Nagtataka din ako sa gesture niya, kanina ko lang siya nakilala kase naka standby ako sa labas ng office and he asked me about med department, tapos ayon he accompanied me lang siguro kase napansin niyang wala pa akong kasama, saka nabanggit niyang may inaantay din siya. Baka nahiya na sainyo kaya nilayasan na tayo kanina" pagpapaliwanag ko sa dalawang malisyosa

Napa-ahh nalang yung dalawa hanggang sa may itinanong ulit si quinn

"Balita ko ay magiging step-brother mo na yung lalaking mahal mo romantically" sabi niya

I sighed "Sa kasamaang palad, Oo." Sabi ko sabay yuko

"Aigoo~ ang sakit sa heart niyan ha. Nakaka stress" sabi ni Quinn

"Hay nako sabi ko nga sana nag violent reaction siya since alam naman ni Tita Cecilia yung feelings niya for Hunter eh" pagbibiro ni Eisen

Nag apir naman yung dalawa, abnormal talaga 'tong dalawa na 'to

"Skye?" May tumawag saakin kaya napalingon ako, halos maibuga ko yung nasa Bibig ko nang makita ko si Cloud kasama si Kuya Hunt tekaaa magkaibigan sila?! Magkakilala?!

"C-cloud?" Sabi ko, tinignan ko yung dalawa at nakita kong naka tunganga din sila

"What a coincidence!" Sabi niya "Ah, skye pero bang maki-upo kami? Puro puno na kasi eh, eh dito nalang yung maluwag na seat. Is it okay?" Tanong ni Cloud

Tinignan ko si kuya Hunt and he just stared at me blankly

Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot na si Quinn "Sure, basta wag na kayo magpapa upo pa ha. May kasama rin kasi ako eh." Sabi nito

Pinanlakihan ko siya ng mata and he just mouthed wala-kang-choice-alangan-umalis-sila saakin. I sighed and nodded. Akmang kukunin ni Cloud ang upuan sa tabi ko nang maunang umupo doon si Kuya hunt

"Sa tabi ka nalang ng kaibigan niya" malamig na sabi ni Kuya hunt habang nakaupo sa tabi ko

"Okay lang. dito nalang ako sa kabilang side heheh" sabi ni Cloud

Arrangement:

Kuya Hunt - Ako - Kuya Cloud

[ Table ]

Bestie Eisen - Quinn - (Free seat)

I cleared my throat "Ugh, Quinn sino pala yung darating?" Tanong ko

Yung dalawa naman ay busy kung anong pipilin nilang order when cloud spoke "Excuse me, Let's just split the check then upgrade tayo sa Eat All you can, ayos lang ba?" Sabi nito

"Okay lang naman samin. Mas okay nga yun" sabi ni Eisen

Tumango lang ako na busy pag pri-prito ng pork

Love and BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon