Chapter 23

49 3 1
                                    


Skye's POV




Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng gutom, agad kong kinapa ang cellphone ko sa side table and the moment i got it, tinignan ko yung oras. It's already 12:12 pm.

Ipinatong ko ulit ang cellphone ko sa bed side at marahang bumangon, iniikot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko si Kuya Hunt na nakahiga sa Mini Sofa na nandito. Bumangon ako sa higaan at dahan dahang lumapit sakanya. Lumuhod ako para mapantayan ko siya at tinititgan ang mukha niya

Tinititigan ko lang siya, I've had so many dreams about you and me but sadly, it will remain dreams. Hinaplos ko ang mukha niya. He's still handsome as ever, but regardless of his looks mas minahal ko ang pagkatao niya.

Pasimple ko siyang hinalikan sa Noo saka ako tumayo at nagtungo sa kusina. Mabuti na ang pakiramdam ko, thanks to him i guess. Bumaba ako to check kung may tao na. Sabihin ko sainyo, kahit mayaman sila si Manang lang talaga ang katulong nila dito, sa kadahilanan na sabi ni Tito, hindi matututo ang mga anak niya sa gawain bahay kung may katulong. Makes sense, lahat ng anak niya even si cal marunong mag luto at gumawa sa gawaing bahay. Driver wala din, it's either you learn to drive or you commute.

Dumeretso ako sa kitchen at nagluto na


****


Hunter's POV




Nanaginip akong may humahaplos sa mukha ko, at pakiramdam ko may nakatingin sakin but i shrugged it off at tinulog ko nalang hanggang sa maalimpungatan ako and the moment na tignan ko ang kama ni Skye ay wala na siya doon

Agad akong bumangon para hanapin siya, medyo kinabahan din ako dahil baka umalis siya nang hindi pa maganda ang pakiramdam

I don't know why but i'm panicking but sorry, i can't help it after nung kagabi ay ayaw kong nawawala siya sa paningin ko. Pumunta ako sa banyo to check pero wala kaya dumeretso na ako sa sala pero wala parin siya doon, tapos naramdaman kong may kumikilos sa Kusina, and there i saw him, trying to get something from the cabinet pero hindi naman niya abot kaya lumapit na ako.

****


Skye's POV




Naramdaman kong may tao sa likod ko and gulped, naamoy ko ang familiar scent niya. Naramdaman ko rin ang mainit na hininga niya sa batok ko at ang kamay niya sa bewang ko

"Ako na" sabi niya at kinuha yung tasa na kanina ko pa gusto kunin kaya lang nasa itaas

"T-thank you" sabi ko

"You should've called me kung nagugutom ka." Sabi niya at bahagya akong inisod sa may gilid

"I didn't want to wake you up. Napuyat yata kita k-kagabi" sabi ko

He smiled "coffee?" Tanong niya

I nodded. Maulan naman kanina nung sumilip ako sa bintana kaya okay lang na magkape ako "Anong iluluto mo dapat for lunch? Ako na ang gagawa" sabi niya

"Kuya, kaya ko na. Ako nalang" sabi ko sakanya

Ikaw na nga magtitimpla nung kape ikaw pa magluluto, baka makalimutan kong galit ako sayo #Marufok

"I insist. Magpahinga ka nalang diyan and let me do the work. Pumunta sa sala and enjoy yourself there. I'll call once i'm done" sabi niya "So what do you want for lunch?" Tanong niya muli

Love and BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon