Chapter 47

32 1 0
                                    


Skye's POV




Pagkatapos ng yakapan namin ni Hunt ay hindi na niya binitawan pa ang kamay ko. Kahit ngayong nakaupo na kami ay hindi niya parin ito binibitawan, nasa gitna ako ni Kuya Leon at ni hunt samantalang si Kuya Dex at si Cal ay nasa magkabilang dulo at si Mama at Dad naman ay nasa Harapan namin. Tahimik lang kaming lahat tila nagaantayan kung sino ang unang magsasalita. Tinignan ko si Kuya Leon and he smiled at me gesturing me to speak up.

"Uhm... a-alam ko pong n-naguguluhan k-kayo, m-maari na ho kayong magtanong saakin" ani ko sakanila

"Bakit hindi ka kumontak saamin? All this time ba ay kasama mo si Leon?" Si Hunt na ang nagsalita. Tinanguhan naman ito ng mga kasama namin

"It's now or never skye!" Bulong ng aking isipan. Huminga ako ng malalim "Yes, i was with Kuya Leon the whole time. I'm sorry kung hindi ko naisipan na tumawag kaagad but, i needed to fix myself first bago ako magpakita sainyo. Isa pa natakot din ako na baka galit pa si Tito Luis saakin, i'm afraid na na disappoint ko kayo lalo na si Mama, takot din ako na baka pag balik ko malayo na ang loob saakin ni Cal." Sabi ko sakanila. Naka tingin lang sila saakin

"Ano ba iyong 'fix' yourself na iyan, ano yung sinabi mo doon sa message mo?" Sabi ni Kuya Dex

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay ni mama, bumitaw ako kay Hunt at hinawakan ang dalawang kamay ni Mama. Tinignan ko ito mabuti sa mata and smiled at her, kita kong naguguluhan siya maging ang mga kasama namin.

"Ma... alam ko na ma, i know i'm adopted." Sabi ko, napasinghap ang mga kasama namin. "P-paano?" Sabi ni mama. Ngumiti akong muli at inakbayan si Kuya Leon, naramdaman kong tinitignan ako ni Hunt at alam kong nagseselos siya pero mamaya na niya isipin ang selos niya.

"Nalaman kong si Kuya Leon, siya ang Biological Brother ko ma, matagal na niya akong sinusubaybayan, ako, ako ang anak nila Agatha Cervantes at Christopher Cervantes. Ako si Skyler Angelo Cervantes" paglalahad ko ng katotohanan. Napatakip siya sa bibig at tinignan si Kuya Leon, ang iba naman ay nanlalaki ang mga mata tila hindi makapaniwala. "Totoo po iyon. I already filed a DNA test at doon lumabas ang katotohanan na siya ang nawawala kong kapatid." Ani ni Kuya Leon

"Pinuntahan namin si Papa, ma, sakanya ko na kumirma lahat. Inamin niya saakin na supposedly ay Kidnap victim ako, pero dahil kay tito ben ay hindi natuloy ang masamang balak saakin ng mga kumidbap saakin noong 3 years old ako. Si Papa at si Tito ben lang ang may alam ng tungkol saakin dahil sinadya nilang hindi ipaalam sainyo" pag kwekwento ko. Hinahagod ni Hunt ang likod ko, umiiyak na pala ako same goes for Ma

"J-jusko.. a-anak..." ani ni mama "a-anak patawarin m-mo ang mama ha, h-h-hindi k-ko a-alam eh" dugtong pa nito. Umiling ako "Hindi ako galit ma, sa totoo lang ay malaki ang pasasalamat ko sainyo ni Papa, minahal at binihisan niyo ako, itinuring na tunay na anak..." sabi ko, huminga ako ng malalim "Pero ma, gusto ko sanang tuparin ang huling kahilingan ng Mommy ko bago siya mawala sa mundo" sabi ko

Huminga siya ng malalim "Ano iyon anak?" Sabi niya

"Sa Birthday Celebration ni Kuya Leon next week, ma, i need to change my surname and my middle name. Kailangan na maging Concepcion-Cervantes ang m. Name at surname. Dahil sa birthday celebration ni Kuya Next week ay ipapakilala na ako sa lahat nilang isang Cervantes. Iyon ang huling kahilingan ng aking ina bago siya bawian ng buhay. Sa tagal kong nawala sakanilang piling ay gusto kong tuparin ang mga pangarap nila para saakin at magagawa ko lang iyon kung... magiging ganap na Cervantes na ako hindi lang sa pangalan kundi sa buong pilipinas" pag e-explain ko

Love and BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon