Chapter 19

51 3 2
                                    


Skye's POV




Today was beyond magical, akala ko sobrang saya na nung araw na niyaya ako ni Kuya Hunt mag mall pero mas masaya pala ito. Mas nakikilala ko ulit siya.

Walang duda, tatay niya nga si Tito Luis, behind his serious and silent type of guy expression, he's still a softie and a guy with care. Kasalukuyan ko siyang pinapanuod makipag laro ngayon sa mga bata. Natatawa nalang ako habang pinapanuod siya. Kahit na tagaktak na ang pawis niya at medyo hinihingal na siya ay tuloy parin siya sa pakikipag laro sa mga bata.

"Mukhang masaya ka hijo" may naupo si tabi ko, Si Sister Gretchen pala, ang kausap ko kanina. Nginitian ko lang siya at tinuloy ang panunuod kay Kuya Hunt na nakikipag laro kila Henry ngayon.

"Masaya ako para sayo, kanina pa kita nakikitang naka tingin lang sa nobyo mo, hindi maipagkakaila na talagang mahal niyo ang isa't-isa" ani ni sister. Napatingin naman ako sakanya pero tulad ko naka tingin lang siya kila Kuya Hunt

I'm sorry bulong ng isip ko "Patawarin niyo kami m-mother, nagsinungaling kami"

"Ayoko na sanang kunsintihin ang pagsisinungaling niyo dahil mali iyon pero nakikita ko sa mga mata niyo na totoo kayo sa nararamdaman niyo" ani ni sister kaya napatingin ako sakanya, tears forming into my eyes.

"S-sister..." bulong ko. Hinawakan niya ang batok ko "Patawarin niyo ho ako sa pagsisinungaling ko, a-ang totoo p-po niyan ay s-step brother k-ko po si k-k-kuya hunt" pag amin ko sakanya. She smiled sweetly at me "Alam ko hijo, nagpunta ang ma mo dito para aminin saakin ang hinanaig niya. Sinabi niya saakin na pakakasalan niya ang ama ng lalaking matagal mo nang minamahal" sambit nito

"S-sister i'm sorry, a-alam k-kong mali p-pero tinuloy ko parin" sabi ko sakanya. Niyakap niya lang ako "Walang mali anak, hindi maling mahalin mo siya o mahalin ka niya, siguro sa ngayon ay hindi palang tama ang panahon. Hayaan mo, kung kayo, gagawa ng tamang paraan ang tadhana" sabi niya. Tinignan ko siya "P-pero Sister, h-hindi ho kami pareho ng nararamdaman, h-hindi niya ho a-ako mahal gaya ng pagmamahal ko para sakanya" sabi ko

Ngumiti siya ng bahagya at pinahid ang mga luha ko, tapos ay pinatingin niya ako kay Kuya hunt na kasalukuyang naka tingin saamin, his eyes was full of worry, that's all that i can say.

"Hindi lang siguro kasing laki ng pagmamahal mo pero ramdam ko sa binatang iyan na mahal ka niya. Oh siya, maiwan na kita. Baka mamaya ay isipin pa niyang inaaway kita" sabi ni sister tatayo sana ito nang hawakan ko ang kamay niya "Sister... salamat po p-pero sana po ay h-hindi niyo m-muna mabanggit k-k-kay mama" sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko "Hindi ito kwento ko para sabihin ko sakanya, pero huwag mo ding itago, learn to voice your thoughts out para nagkakaintindihan kayo" sabi nito, hinaplos niya ng dahan dahan ang pisngi ko bago ako iwan

"Mga bata! Tama na iyan pagod ba ang kuya hunter niyo, pahinga muna, kanina pa kayo naglalaro" sabi ni Sister at umalis na sa harapan ko. After non ay naiwan na kaming dalawa ni Kuya hunt, agad niya akong nilapitan at hinawakan niya ng marahan ang pisngi ko

"Ayos ka lang ba? Why are you crying? Napagalitan kaba niya?" Sunod sunod na tanong nito and it's making my heart ache and also feel overwhelmed. It's an overwhelming feeling of love na noon pa gusto kong maramdaman sakanya.

Agad akong umiling "Wala 'to, masaya lang ako" sabi ko sakanya. Ngumiti siya ng maliit "Sure ka?" Tanong niya

I nodded, "Oo. Sigurado ako, teka nga basang basa ka ng pawis. Halika punasan natin yang mga pawis mo" sabi ko tapos kinuha ko ang face towel ko at pinahid sa pawis niya sa mukha i feel awkward cause he's staring at me habang ginagawa ko iyon, nang pupunasan ko na ang leeg niya he smirked a bit, medyo napalunok naman ako hanggang sa "Oh! Matanda kana kaya mo na yan. I'll go check on the kids. Anong oras na rin naman. Kailangan na natin umuwi maya maya" sabi ko

Love and BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon