Akin Ka Nalang

16 3 0
                                    

SPOKEN POETRY

"AKIN KA NALANG"
BY: Ate JG

Sana naman ay mapansin mo
Itong nadarama ko para sayo
Na hindi ko na maitago - tago
Ng puso kong sinisigaw ang pangalan mo
Sa mga simple mong galaw ay nahulog lalo
Ano na ba ang gagawin ko?
Di ko na mapigilan ang aking puso
Kaya pwede bang maging akin ka nalang at maging tayo?

Seryoso to walang halong biro
Na ako sayo ay interesado
Ikaw ang laman ng isip at puso
At sayo lamang ako nagkaganito
Yung feeling na baliw na baliw sayong todo
Kaso di ko alam kung paano sasabihin sayo
Na "Crush, akin ka nalang, kung jowa ang hanap pwede ako"

Sa tuwing ikaw ang katabi
Ako ay di mapakali
At di mapigilang di mapangiti
Sa kilig gusto ko nang tumili
Lalo na pag ikaw ay ngumingiti
Kailangan kong maghunos dili
Agad ngiti ko ay aking pinapawi
At pagkabaliw ko sayo ay kay tindi
Ni hindi ko na halos makilala ang sarili
So please crush akin ka nalang, promise loyal to!

Araw - araw ang nadarama ay lumalala
Lalo na sa tuwing nakikita ka
Puso ay tumatalon - talon na tila nagpapapansin at nagwawala
Di ko masabi - sabi ang nadarama
Dahil palaging inuunahan ng aking kaba
Kaya dinaan nalang sa aking tula
Para sabihing "Akin ka nalang sure akong bagay tayo"
"Akin ka nalang at sayo lang ako".

----------------------------------------------------------------------

UN/SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon