Simula at Wakas

2 0 0
                                    

SPOKEN POETRY

"SIMULA AT WAKAS"
BY: Ate JG

Naaalala ko pa ang simula
Noong una kitang nakita
Noong una kong marinig ang iyong mga tawa
Ang kislap sa itong mga mata
At ang mala anghel mong mukha

Mula noon nahulog ang bata kong puso
Nahulog ng sobra sayo
Sapul na sapul ang pagkapana sakin ni kupido
Sa pagkasapul, di matanto kung gaano kalalim ito

Mula noon lumalala ang nararamdaman
Isip ko ay naging tambayan
Puso ay sinisigaw ang iyong pangalan
Na ngayon akin ng nakasanayan
Na ngayon ay nahihirapan ng pigilan

Di ko na alam kung paano ihinto
Itong pagkahibang ko sayo
Laman ka ng mga panaginip ko
Araw, Gabi kang nasa isip ko
Ako na ba ang gagawin ko?

Naalala ko pa rin ang simula
Noong tayo pa ay nasa elementarya
Noong naging magkaklase tayong dalawa
Noong una tayong nagkakilala
Naalala ko pa ang pagtibok ng puso kong parang may kakaiba

Sa paglipas ng panahon
Laman ng puso ay ikaw parin hanggang ngayon
Kung tinigil ko na sana noon
Di sana ako ngayon nagiilusyon
Sana nagawan ko na ng solusyon

Siguro ako lang ang nakakaalala
Ako lang naman talaga
Kailan ba ako makakalaya?
Sa kulungang ako lang din ang may tawa
Siguro ito na ang panahon para kalimutan ka
Wawakasan ko na ang simula
Ang Simula nitong aking nadarama.

____________________________________________

UN/SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon