Hanggang Sana Nalang

8 2 0
                                    

SPOKEN POETRY

"HANGGANG SANA NALANG"
BY: Ate JG

Kung sana kaya kong ibalik ang panahon
Gusto ko sanang bumalik sa aking kahapon
Upang mabago ko pa ang aking desisyon
Sana di naging duwag, pag amin ang aking intensyon
At lakas ng loob sana ay aking inipon
Kung ipinagtapat ko na sana noon
Hindi na sana ako luhaan ngayon
Kung maibabalik ko lang sana

Sana noon pa man sinabi ko na
Itong totoo kong nadarama
At yun ang salitang mahal kita
Ikaw ang sinisigaw ng puso wala ng iba
Pero ngayon ako ay huli na
Ito na ba ang panahon upang ako ay sumuko na?
Alam kong ilang beses ko na nasabing ayoko na
Pero palaging di ko nagagawa
Pero hanggang ngayon hindi ko kaya
Puso ko ay ayaw ng magpaawat pa
Kung kaya ko lang sana
Sana noon pa man nagawa ko na

Hindi naman sa ako ay papansin
Pero nagbabaka sakaling mapansin
Tulang ito sana iyong basahin
Nang malaman mo ang laman ng damdamin
Baka sakaling iyong mahalin
Pwede huwag nalang din
Kasi sinulat ko ito upang ilabas ang saloobin
Puso ay di pwedeng pilitin
Ayos lang kung di man masuklian sapagkat malinis ang aking mithiin
Yun ay ang masabi ang laman ng damdamin
Dahil sa kakasana ko may nakauna na tuloy umamin
Nakakapanghinayang, sana ako nalang

Sana ipinagtapat ko na
At sinabing mahal kita
Sa tagal kong hinintay ka
Sana sinabi ko ng mas maaga
Alam ko naman simula palang na wala akong pag – asa
Pero pinili parin ang umasa sa wala
Kahit minsan nagmumukhang tanga
Sadyang mahal lang talaga kita
Pero kung di talaga tayo para sa isa't – isa
Wala na akong magagawa
Kung talagang kayo ang itinadhana
Palagi nalang sana
Hanggang sana nalang
Sana lang naman
Sana na naman.

____________________________________________

UN/SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon