Hanggang Dito Nalang

10 3 0
                                    

SPOKEN POETRY

"Hanggang dito nalang"
By: Ate JG

Crush, ang tagal na din mula nung inidolo kita
At umabot sa puntong nahulog sayo kahit wala kang ginagawa
Sa sobrang lalim ng pagkakahulog ay di na makabangon pa
Ano pa bang magagawa kung ang tinitibok ng puso'y ikaw talaga
Pero hanggang dito nalang

Alam kong di na paghanga ito
Dahil minamahal na kita sigurado
Alam na ata ng lahat maliban sayo
O sadyang alam mo pero di mo lang sineryoso
Dahil akala mo'y isang biro
O sa akin di ka interesado
Kaya hanggang dito nalang

Nasulat ko ito upang iparating sa'yo
Itong nadaramang matagal ding tinago
Alam kong huli na
Dahil may mahal ka ng iba
Sino nga ba ako kumpara sakanya
Isang palihim na minamahal ka
Pero siya pa rin ang jowa
Gusto ko lang malaman mong masaya ako sa inyong dalawa
At pasensya na, hanggang dito nalang

Atleast nasabi ko sayo ang totoo
Kahit na nagdurugo ang puso
Na nakatanaw mula sa malayo
Okay lang, uso din naman ang move on kahit walang relasyon
At sa pagsulat ay walang masamang intensyon
Ako'y nagpapasalamat at ika'y naging insperasyon
Naging kaligayahan ka at ako'y naging tagahanga mo sa mahabang panahon
Salamat at hanggang dito na lang
Hanggang dito nalang ako.

____________________________________________

UN/SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon