Para Sayo

11 3 0
                                    

SPOKEN POETRY

"PARA SAYO"
BY: Ate JG

Crush kita at matagal na din ito
Sa unang kita ko palang sayo
Ikaw agad ang naging gusto
At ikaw lang ang ginusto
Mula noon ay di ko na alam kung paano ihinto
Itong nararamdaman para sayo

Ito ay nagsimula noong tayo ay nasa elementarya
Edad ko pa noon ay labing isa
Ikaw naman noon ay labing dalawa
Na sa tinatawag na pag ibig ay masyado pang bata
Ang sa una ay paghanga
Na sa kalaunay naging "Mahal kita"
Kaya sa mahabang panahon ay hinintay ka
At magpahanggang ngayon ikaw pa rin ang sinisinta

Sa mga taong lumipas maraming naging karibal sayo
Dahil sayo maraming nagkakagusto
At hindi lang ako
Kahit wala namang matatawag na tayo
Nadaramang ito ay mula pa noong elementarya pa tayo
Pero hetong nararamdaman ko ay nanatiling para sayo

Pangalan mo ay di matanggal - tanggal dito sa puso
At hindi basta - basta nabubura dito
Dito sa puso na para bang makapal na nakatattoo
Kahit ano pang gawin ko
Kahit ilang beses pa kitang siraan sa utak ko
Ewan ko ba pero mas lalo akong nahuhulog sayo

Marami na akong sinubukan para ikaw ay mabura
Mabura sa isip at puso para di na umasa pa
Pero sige pa rin ang puso kong umaasa
Kahit nagmumukha na akong tanga
Sarili ko lang ay pinapaasa
Sa mga sinasabi ay para na ring desperada
At tungkol doon ay humihingi na ako ng despensa
Di ko na talaga kayang itago pa
Pasensya na rin at huli na
Para sa akin at para sayo.

____________________________________________

UN/SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon