Ikaw, Ako, Tayo

2 0 0
                                    

SPOKEN POETRY

"Ikaw, Ako, Tayo"
BY: Ate JG

Ang iyong mga mata
Ay sadyang napakaganda
Sa tuwing ito ay aking nakikita
Di ko mapigilang mamangha

O ang iyong mga ngiti
Na para bang sa akin nagbibigay kiliti
Di mapigilan ang sarili
At ako nalang ay napapangiti
Dahil sa iyo ako ay nabighani

At ang iyong mga titig
Na sa akin sobrang nagpapakilig
Puso ay bumibilis ang pintig
Tuloy ang titigan ka ang siyang naging hilig

O ang iyong mukha
Ikaw ay may itsura
Noo hanggang panga
Hanggang sa mga labi mong may perpektong kurba
Minsan di maiwasang di matawa
Dahil sa mga nabubuong ideya

Labi mong mapang akit
Parang ako ay inaakit
Tuloy naiisip hanggang pagpikit
Pwede bang ikaw ay mabingwit?
At maging akin ka muna kahit saglit?

O ako ay naloloka
Parang timang na nakatulala
Sa kilig ako ay napapakanta
At sa aking nadarama
Ako pa ay nakabuo ng tula

Ikaw ang pinapangarap ko
Ngunit naguguluhan ako
Paghanga pa rin ba ito?
O umiibig na ako?
Alin sa dalawa, di ko matanto
Ikaw ang laman ng isip at puso
Basta isa lang ang naiisip ko
At yun ay ikaw, kasama ako
Ikaw at ako, tayo.
____________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UN/SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon