Synopsis | Story Description

314 31 0
                                    


Spoiler Alert!

Ang bahaging ito ay naglalaman ng ilang mahahalagang detalye tungkol sa kuwento na maaaring bumasag sa daloy ng nobela kapag binasa. Mariing ipinapayo ng may-akda na huwag na muna itong basahin. Subalit, ikaw ang bahala.

[ Synopsis ]

The story started the day she met one of them but never got the chance to continue when she began to write about them.

Celestrina, the daughter of a convicted murderer and an award-winning writer, returned to Baryo Masigabo to write the real  story of the legendary creatures that everyone in the Baryo is hiding.

But things went wrong when an accident happened—they killed the three of them.


[ Story Description ]

Nabuwag ang kasunduan na bumabalanse sa lahat matapos mangyari ang isang pagkakamali. Nang umugong ang balita tungkol sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga taga-Baryo Masigabo, nagdesisyon ang Kapitan na idulog sa mga awtoridad ang mga nangyayari. Habang binabalot ng takot ang mga tao, si Anastacia, ang babaeng may matinding pagnanasa sa katahimikan ay malayang nananahan sa paanan ng gubat kasama ng kaniyang mga alaga- ang mga Alitaptap. Ano ang kaniyang magiging papel sa kuwento ng mga alitaptap at ang mga lihim nito? Saan siya dadalhin ng kaniyang nakaraan at kuwentong nais ikuwento?

Sa kagustuhang maitama ang mga maling isinulat ng kaniyang ama, si Celestrina, isang manunulat, ay bumalik sa Baryo Masigabo upang alamin ang katotohanan sa likod ng lihim nito. Hindi alintana ang panganib, at naghihingalong pag-asa, dinala siya ng kaniyang tadhana sa mga nilalang na hindi niya akalaing umiiral. Saan siya dadalhin ng kaniyang nobela? Matapos niya kayang isulat ang kuwento ng mga Alitaptap? O tuluyan siyang lalamunin ng kaniyang ambisyon at kagustuhang may mapatunayan?

Matagal nang nababasa ni Dr. Moises Arádji Legazpí ang mga kuwentu-kuwento tungkol sa mga nilalang na sumailalim sa isang kakaibang genome mutation, bagaman napaka-imposibleng mangyari, sinubukan niya pa rin itong pag-aralan at kalaunan ay tinangkang hanapin. Totoo nga ba ang mga kuwentu-kuwento? O isa rin siya sa mga magiging biktima ng kuwentong ito?

Isang misteryosong babaeng may mapait na nakaraan, isang manunulat na may gustong mapatunayan at isang insect toxicology graduate na nilalamon ng kyuryosidad, at kagustuhang makahanap ng kasagutan.

Tatlong tauhan sa isang kuwentong puno ng kasinungalingan; paglalaruan ng mga Alitaptap, gagabayan ng malamlam na ilaw ng kamatayan. Sa pagsibol ng bagong umaga, kaninong ilaw ang mapupundi at matutulad sa mga ilaw ng alitaptap tuwing mag-uumaga? At kaninong buhay ang muling magpapailaw sa mga alitaptap sa huling gabi ng sumpa- ng Disyembre?

Aling kuwento ang totoo? Kaninong lihim ang may hawak sa totoong kuwento? "Isa, dalawa, tatlo. Sigurado akong kilala mo ako. Ako ang lihim ng Baryo Masigabo."

Mga Alitaptap sa Huling Gabi ng DisyembreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora