Chapter 4

656 157 9
                                    

CASELINE POV

Gabi na at nakaramdam ako ng pag aalala dahil nextweek start na ng dance contest. Pumunta ako sa second floor ng bahay namin kumuha ng chocolate at kumain habang nakatinggin sa malayo at iniisip kung ano na ang aking balak para sa dance contest next week.

Maya maya pa ay may nag salita na tao sa bandang gilid ng second floor hindi ko naman makita kung sino ito dahil may konting harang pero maririnig mo kung may nag sasalita ba.

"Ang hirap pag hindi ka belong sa mundong ginagalawan mo," sabi ng nag sasalitang lalaki,sabay bugtong hininga nito.

Napa isip ako parang ang laki naman ng problema non. Maya maya pa ay naisipan kong sagutin ang sinabi niya.

"Bakit mo ba ipag sisiksikan sarili mo kung nahihirapan kana?" tanong ko sa kanya sa kabilang banda.

"Mahirap nga eh. Lalo na kung hindi mo ma express yung ikaw talaga sa ibang tao," sabi niya.

Huh? Hindi niya ma express sarili niya sa ibang tao? Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"Ahh? Ganon ba,alam mo kasi mas makakagaan kung ieexpress mo para mas gumaan din bawat pag kilos mo,"sabi ko, na medyo cinomfort ko siya.

"Siguro para sayo madali mo sabihin yan kasi nakukuha mo gusto mo para sa sarili mo. Nailagay ka sa tamang pag ka tao," malungkot na sabi nito.

"Hmmm? Ang lalim ah hahaha," sabi ko, pero medyo nalungkot konti kasi naalala si mama.

"Alam mo kasi hindi naman talaga lahat nakukuha ko at hindi naman ako ganun din kasaya may mga kulang den sakin,"malungkot kong sabi.

"Ahhh parehas pala tayo may pinag dadaanan,"sabi niya.

"Hmmm, oo hindi lang ikaw hays," bugtong hininga kong sabi,sabay kain ng chocolate.

"What if may nagugustuhan ka tapos hindi mo ma express sarili mo sa kanya kasi baka isipin niya na kakaiba ka?" tanong niya.

What the f? Bakit alien kaba? Bakit sabi mo kakaiba ka?  medyo curious na natatawa ako sa sinabi niya.

"Na sayo yan. Kung gusto mo naman talaga yung tao bakit hindi mo ipush," sagot ko.

"Ipupush? What if parehas kayo?" sabi niya

Parehas sila? Ng alin? Hmmm? Medyo ang weird naman netong kapitbahay nato buti nalang hindi ko siya nakakausap harapharapan at hindi ko nakikita pag mumukha niya.

"Ahhh pag ganon dapat siguro mag isip ka ng mas ikakaganda ng life mo," sabi ko.
Actually layo ng sagot ko hindi ko kasi alam isasagot ko sa kanya.

"Nga pala anong parehas kayo?" pahabol kong tanong.

"Both boy," sagot niya.

Nung narinig ko ito medyo nagulat ako

"Ah boooyy?" hindi ko alam next na sasabihin ko.

"Oo kaya nga medyo malaki pinoproblema ko eh."

Jusko santa maria ina ka ng langit, hindi ko na alam isasagot ko huhu!

Sakto naman may tumawag sa cellphone ko at hindi ko nasagot ang tanong niya.

"Sensya na gabi na pala pasok nako sa loob kaya mo yan! Go never give up!" Nag mamadaling sabi ko sa kanya habang pumasok sa aking kwarto.

Pag ka pasok ko sa aking kwarto ay sinagot ko ang tawag galing kay Ensley sa kaibigan ko.

"Girl! Goodeve," bati niya.

"Hello oh napatawag ka ata 8:45 na ng gabi ah," sabi ko.

"Kasi girl may kwekwento ako hahahaha," sabi ni Ensley mula sa kabilang linya ng telepono.

"Oh sige anuyun? Bilisan mo nalang ah kasi matutulog na din ako maya maya," sabi ko.

Energetic at mukhang tuwang tuwa sa i kwekwento niya.

"Girl! Kanina sa bahay may pumuntang kamag anak namin eh hindi naman namin alam na mang huhula pala yunnnnnnn!" Masayang sabi niya.

"Ah oh eh ano naman?" sagot ko

"Edi ayun nag pakilala nga na mang huhula pala yun hahaha inulaan niya ka forever koooo!" Masayang sigaw niya sa cellphone.

"Ang lakas ng boses mo ah haha, so ano naman?"

"Well, Kilala ko na daw itong boylet na ito hahahaha at kaklase daw natinnn! Hahahahaha kinikilig ako!" Masaya niyang sinabi.

"Ahh ganon ba?"

"Hoy! Maging masaya ka naman! Feeling ko baka yung bagong gwapong kaklase natin yung forever ko" Kinikilig siyang sinabi.

Natawa ako. "Ah hahaha gano'n ba sige push mo yan," sabi ko.

"Totoo nga girl kasi ayon sa description nung nang huhula eh matangkad, payat, tapos gwapo tapos medyo cool," sabi niya.

"Ahh edi good for you! Goodnight hahahaha," sabi ko,sabay patay ng cellphone.

"Hello helloo!!! Lecheng babae talaga yun pinatayan ako ng cellphone!!! Hmmm bukas ko na nga lang tutuloy kwento ko sa kanya sa school."

KINABUKASAN 

" Hi babaita! Goodmorning! Hahaha," bati ni Ensley.

"Besh! Ang aga aga makinig nalang muna tayo sa teacher ah okay? Mamaya kaya mag kwento," sabi ko.

"Sige Hahahaha," excited niyang sabi.

"Okay we have group project babae at lalaki ang kaylangan na partner dito. Ako ang pipili walang aangal ah," sabi ni Teacher Marie.

Crista-Ken

Shekina-Jave

Marise-David

Joy-Kevin

Ensley-Tristan

Lany-Justine

Ema-Maggy

Amelia-Mark

Charlotte-RJ

Evelyn-Paul

And lastly

Caseline-Jaden


"Ayan ha? Grinoup ko na kayo simple lang ang gagawin mag tatanim tayo ng mga halaman sa garden for 1 week at sa sunod na linggo titingnan naten improvement ayos ba yon?" sabi ni Teacher Marie.

"Okay po maam," sagot ng buong klase

"Maam gusto ko pong kapartner si Caseline," pag mamaktol na sabi ni David.

"Hindi pwde! Lalandi ka nanaman! Manahimik ka diyan si Marise ang partner mo!" sagot ni Ma'am.

"Okay class pumunta na sa kanyang grupo at mag usap kayo ng itatanim ninyo!
Nga pala baka may mag tanong ah kaya natin to ginagawa para tulungan ni mother nature okay? So walang mag rereklamo diyan ah! " dag dag pang sabi ni Ma'am.

"Wala po," sabay sabay namin sagot.

Pumunta nako kay Jaden

"Ah?Ano bang gusto mong itanim? tanong ko sa kanya.

"Sige search nalang tayo," sagot niya.

BELL RINGS!

"Okay class dismiss! Recess time!" sabi ni Teacher Marie.


















                                               To be continue......

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon