Kabanata 4

57K 2.6K 385
                                    

Friend





Sa hapon ding iyon pag-uwi ay dumiretso ako sa crafts room ng bahay matapos magbihis. Sinet-up ko ang mga gamit para makapag-pinta.


Painting had always been my escape through the storm. Tuwing may gumugulo sa isip ko ay ito ang nagiging paraan ko para mapakalma ang isipan. It gives me a certain kind of peace.


Ni hindi ko na namalayan ang oras kung hindi lang kumatok sa pinto si mama.


"Dinner na tayo, dear." she smiled warmly.


Tumango ako. "Sunod ako, Ma. Ligpit ko lang po muna 'to."


She nodded in agreement and closed the door.


Habang nagliligpit ng mga materyales ay nag-ring ang telepono ko.


Ava calling...


"Hello?" bati ko.


Agad sumalubong sa pandinig ko ang ingay ng tugtugan at iba pang boses na tila nagkakasiyahan.


"Lia?!" pasigaw na sabi ni Ava. "Wait nga shuta labas muna tayo," sabi niya dahil marahil sa sobrang ingay.


Nang maramdaman kong unti-unting tumahimik sa kabilang linya ay muli na siyang nagsalita.


"Dito kami sa may Encore," tukoy niya sa isang bar. "Sunod ka!" aya niya.


"Ava.." panimula ko dahil alam naman nilang hindi ako nagca-clubbing.


"Sis, punta ka na para kumpleto tayo!" dinig kong nagsalita rin si Zoe.


"Babe please? Masaya promise!" ani naman ng boses ni Quinn.


Napabuntong-hininga ako.


"I can't.. I'm sorry," malungkot na sabi ko at may naisip. "Acquaintance party naman bukas diba? Bawi ako!"


I heard Ava groaned. "Palusot.com ka na naman Lia Kennedy!"


"University parties just suck, gurl!" Zoe grunted.


"Lia ngayon lang eh," malambing na sabi pa ni Quinn.


I bit my lower lip before saying no again. Sinubukan pa uli nila kong kumbinsihin pero kahit kailan naman ay hindi ko sila napagbigyan sa ganitong bagay.


"Hay nako! Humanda ka samin bukas ah," Ava warned.


I chuckled. "I love you, guys."




Kinabukasan sa klase ay bakas ang pagka-bangag sa tatlo. Sabog at lutang ang itsura nila pwera lang kay Zoe na mukang nakapag-ayos at make-up pa rin kahit papano.


"Anong oras nga yung party?" nahikab na tanong ni Ava.


"7pm sabi but of course 9pm pa start nun," Quinn answered who's just as sleepy as her.


Dahil mga puyat pa ay mabilis ding nagkasundo ang lahat na magsi-uwi muna right after dismissal.


Pagdating sa bahay ay naidlip din muna ako at nag-alarm na lang.




"Anak, you look so beautiful," Mama immediately commented when I came down after preparing.


Ngumiti naman ako. Dressing up is another thing that I really enjoy the most. For tonight, I chose a chic and sexy look. The black cocktail dress hugs my body perfectly and revealed the right amount of skin. My legs are already long but the heels made me look even taller. My hair is up in a high and tight ponytail that almost made my eyes chinky. I also made sure that my make-up would complete the sultry look.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon