Kabanata 21

49.2K 2.3K 938
                                    

Tangina





Kaison Troy:

Wait Ken jwu. Mga 2pm na kita sunduin


Napakunot ang noo ko sa natanggap na text mula kay Kai. Kakagising niya lang? Alas-dose na ah. I mentally shook my head at his laziness.


Sa bahay nila Kai naman kami tatambay ngayon. Hindi naman na sana niya kailangan pang pumunta rito para kunin ako kaya lang hindi ko pa kasi alam kung saan ang sa kanila.


Lia Kennedy:

Wag mo na kaya ko sunduin mamaya? Ano bang street niyo?


Kaison Troy:

Volkswagen St, sa may malapit sa circle. Sunduin na muna kita, di mo pa alam eh

Ipinagkibit-balikat ko iyon at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari. Nagdesisyon na lang akong maligo na.


Nang makatanggap ng text na nandito na siya ay bumaba na ako. Nakita ko siya sa may garahe na pinapatalbog ang bola ko.


Inaya ko na siya at nagpaalam na kami kay Mama bago lumabas.


"Sino tao sa inyo dun ngayon?" tanong ko.


"Kuya ko lang," simpleng sabi niya.


"Ah, wala kayong maid?" kyuryosong tanong ko habang iniisip kung sila lang ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay.


"Meron pero hindi araw araw nasa bahay," he shrugged.


Tumango naman ako. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa kanila.


Pagpasok namin sa kanila ay may bumungad na sasakyang nakataas ang hood. Tila may kumukumpuni at tao sa likod nun.


"Ayun si Kuya, lika." aya sakin ni Kai papalapit.


Inaalala ko pa kung san ko nakita ang pamilyar na sasakyan nang biglang ibaba ang hood nito ng taong nasa likod nun.


I stiffened.


I saw how his lips also parted when our eyes met.


Sa harap namin ngayon ay tumambad si Ridge Terrence na walang suot pang-itaas. His body is shining with some drips of sweat.


"Kuya, si Ken, yung nabanggit ko sayo last time." pakilala sakin ni Kai. "Ken, Kuya ko." sabi niya naman sabay turo kay Ridge.


Walang nangahas mag-alis ng tingin saming dalawa.


Ang itim na itim na mata niya ay tila hinahatak ako. Tila marami iyong sinisigaw na emosyon at nais ipahiwatig.


"Tara na?" napalingon ako sa biglang pagbaling sakin ni Kai.


Hindi niya na hinintay ang sagot ko at agad namang humarap sa nasa tapat namin.


"Kuya, sa kwarto lang kami."


Mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinatak ito.


Nahuli ko pa ang pagbaba ng tingin doon ni Ridge at ang pagtiim-bagang niya rito.


Mabilis ang tibok ng puso ko hanggang makapasok kami sa kwarto ni Kai. Habang nagseset-up na siya'y nakatulala lang ako.


"K-kuya mo si Ridge?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.


Napalingon siya sakin. "Oo kilala mo? Springfield din yun." sabi niya at lumapit na sakin para iabot ang joystick.


That explains their resemblance. Kaya pala pamilyar na pamilyar sakin ang natutunghayang ekspresyon kay Kai. Sa tuwing nagpapakita siya ng pagkamangha ay hindi ko maiwasang maalala ang isang partikular na tao.


Ngayon ko naintindihan ang sinasabi nila na tunay ngang maliit lang ang mundo.


"Huwag kang mag-alala, walang pake sa iba yun. Puro lang yun aral," habol niya.


Umupo na siya at pinindot ang options para ma-ready ang game. Kung hindi niya pa ko hinila paupo ay nakatitig pa rin ako sa kawalan.


Sinubukan kong libangin ang sarili sa paglalaro. Saglit naman akong naaliw dahil kakaiba ito sa mga sinubukan namin nung nakaraan.


Habang tumatagal ay halos magtagumpay na ko sa hindi pag-isip sa kaniya. Tinatrashtalk na kasi ako ni Kai dahil sunod-sunod ang talo ko kaya't nagseryoso na ko para makabawi.



Nang sa wakas ay matalo ko siya sa isang round ay nakaramdam naman ako ng uhaw.


"Kai, pengeng tubig," sabi ko sa kaniya.


Ang walang hiya'y pinababa na lang ako sa kusina. Sa bahay kasi namin ay feel at home siya lagi kaya siya na mismo ang kumukuha ng kailangan niya. Dapat daw ay ako rin.


Mabilis na bumaba na lang ako para agad ding makabalik.


Malaki ang bahay nila. Tingin ko'y mas malawak kumpara sa amin. Malinis din at halatang may regular na tagapaglinis.


Nang makita ang ref ay binuksan ko iyon at naglabas ng isang pitsel na tubig ang laman. Nilapag ko iyon sa may kitchen counter at inabot ang nakitang baso. Mabilis akong nagsalin at agad ding uminom.


Namamadaling binalik ko ang pitsel sa ref at agad sinarado ang pinto nito nang may marahas na humila sakin paharap at sinandal ako rito.


"What do you think you're doing?"


Nagtayuan ang balahibo ko sa pamilyar na boses.


Madilim na tingin ni Ridge ang sumalubong sa akin. Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niyang nakadikit sakin. Kinulong niya ako sa magkabilang braso niya.


Hindi tulad kanina ay may saplot na siya ngayon. Sa suot niyang muscle tee ay litaw na litaw ang mga ugat niya sa brasong nakapalibot sa magkabilang gilid ko. Ramdam ko ang madiing pagkakalapat ng palad niya sa nasa likod ko.


Sa mainit na hininga niyang tumatama sa balat ko ay halos malasing ako.


"Hindi ka nagtagumpay sakin kaya't agad kang humanap ng bagong paglalaruan? At talagang kapatid ko pa?" he uttered under his breath like he's afraid that someone might hear.


Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.


"What?!" salubong ang kilay na sabi ko.


Kitang-kita ko ang nagliliyab na galit sa kanyang-mata.


"Fucking leave my brother alone." mariing asik niya at mas nilapit pa ang katawan sa akin. Ramdam ko ang kung anong nakaumbok na tumama sa tiyan ko.


Sa naiipit na posisyon ay halos mawala na ko sa sarili. Hindi ko mapigilang tumitig sa bawat galit na kibot ng labi niya. Halos mahilo na ko sa lapit namin sa isa't isa.


"I'm warning you." bulong niya gamit ang parehong nagbabagang boses.


Mula sa madilim na titig sa mata ko ay hindi ko alam kung bakit biglang bumagsak ang tingin niya sa mga labi ko.


Matagal niya itong tinitigan. Napalunok ako nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng mukha niya palapit sa akin.


Pakiramdam ko'y napapaso ang labi ko sa klase ng tingin na ibinibigay niya rito.


Bago pa tuluyang lumapat ang labi niya sa labi ko ay tinagilid ko ang ulo ko para umiwas. Halos makiliti ako nang maramdaman ang pagdapo ng malampot niyang labi sa pisngi ko.


Inatras niya nang kaunti ang ulo niya dahilan para maramdaman ko ang mabilis na paghinga niya sa pisngi ko.


Halos magharumentado na ang kaloob-looban ko sa nangyayari sa pagitan namin. Bago pa tuluyang mawala sa ulirat ay ginamit ko ang buong lakas para itulak siya.


Ramdam ko ang panghihina niya nang agad siyang napaatras.


Nanginginig ang kalamnan na tumakbo ako paakyat.


Tangina.


Beneath What it SeemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon