02

774 35 9
                                    

PINAGMASDAN ni Dani ang brasong nagkukulay ube. Napahigpit kasi ang hawak doon kanina ni Lola Miguela marahil dala ng tuwa. Kailangan niyang itago iyon bago pa man may makakitang iba.

Kinuha ang isang maleta at binuksan iyon sa ibabaw ng kama. She got her make up purse. Kailangang ma-conceal iyong pasa sa braso niya. She can lie, yes, pero paano kung maulit iyon? Iisang dahilan lang ang ibibigay niya? Paano kung hindi na sila maniwala?

She sighed at the thought. Hindi na siya pwedeng umurong pa. Nandito na siya at nakausap na niya ang dalawang matanda. Kung bigla siyang aalis, ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kanya? Ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito. Pero hindi ba't sa ginagawa nila, mukhang doon din ang punta sa huli? Masasaktan nila ang mga ito lalo na kapag nalaman nila ang totoo. But will they ever get caught? She doubt it. Ang galing naman kasing magpanggap ni Grant sa harap ng mga ito. Kahit nga siya muntik ng maniwala sa mga kilos nito kanina.

Her phone rang. Iyon ang nakapagpabalik sa kanya sa realidad. Agad na sinagot niya ang tawag. It was Ara on the other line. Naupo siya sa ibabaw ng kama.

"Hello," she said. Inipit niya ang cellphone sa pagitan ng balikat at tainga para maipagpatuloy ang ginagawa.

"Finally! Wala bang signal diyan? Hindi kita matawagan kanina, e." Agad na reklamo ng kaibigan mula sa kabilang linya.

"Empty batt ako." Kinuha niya ang concealer. Nagtungo siya sa makeup table. Ibinaba niya ang cellphone sa ibabaw niyon. She put it on speaker. "May problema ba?"

Tiningnan niya ang pasa sa salamin. Mas matingkad na ube na ang kulay niyon ngayon. Agad na nilagyan niya ng concealer ang parteng iyon ng braso.

"Nag-aalala lang ako sa'yo. Sigurado ka bang okay lang 'yan? Na magiging okay ka lang?"

Napatigil siya sa ginagawa. She looked at herself in the mirror. Tinitingnan kung kaya niyang magpanggap. She tried to smile but it doesn't reach her eyes. Napailing siya at muling binalingan ang braso. Ipinagpatuloy ang ginagawa kanina.

"Hoy, Dani?"

Ipinilig niya ang ulo para hindi na muling mag-space out. "Oo naman. Don't worry too much, okay? Okay lang ako." Pinasigla niya ang boses para hindi na mag-alala pa ang kaibigan.

"Sigurado ka diyan, ha? If you need me, just text or call, okay? Susunduin ka namin ni Bruno."

She laughed. Minsan over-acting talaga si Ara. Grabe kung mag-alala sa kanya. Kulang na nga lang hindi siya nito paalisin at payagan, e. Ara was that protective.

"Iyong gamot mo..." Mahinang paalala nito.

She disabled the speaker and put her phone on her ears. "Oo na. Oo na." She said dismissively. Ayaw niyang may makarinig na iba tungkol doon. "I'll drink them on time. Nag-set ka na ng alarm sa phone ko, remember?" Paalala niya rito.

Ara sighed. "Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko diyan sa ginagawa niyo ni Grant, Dani."

"Just think of this," she stood up and went to the window. Bukas iyon at pumapasok ang maaliwalas at malamig na simoy ng hangin.

The green land was a sight to behold. Probinsyang-probinsya ang dating niyon sa kanya kahit pa nga medyo modern na rin naman ang buong lalawigan ng Laguna. Ang hacienda ng mga Montealto ay hindi mo alam kung saan ang hangganan. Hindi pa rin naman siya nakakapunta sa pinakadulo niyon.

"It's kind of a way for me to relax and enjoy. Besides it feels nostalgic being here. Feeling ko kasama ko ulit sina Lola." She gasps. Nagbabara ang lalamunan niya dahil sa pinipigil na pag-iyak.

30 Days With You (RitKen Fanfiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora