.16

1.1K 36 1
                                    

"Sapakin mo itong gagang ito, Mikay."

Napa simangot ako sa sinabi ni Kaya. Kauuwi lang pala nila sa Pinas kaya hindi sila naka abot sa party nung Sunday. Agad akong pinapunta ni Kaya sa condo niya kinaumagahan. At naabutan ko na tila may jetlag pa si Mikay bagsak ang gaga sa sofa.

"Pucha, Eros alam kong hawt si Tyzer. Pero malaking iskandalo yung ginagawa niyong dalawa." Groggy pa yata si Mikay kaya naka takip pa sa mukha nito ang braso.

"See, I told you! Eros, that man is engaged. Hindi lang kita nagisa nung huling usap natin dahil may flight pa kami nitong gagang ito. Pero mali ang ginagawa niyo. Lalo ka na. Girl, bago ka pa lang sa ganitong kalakaran kept woman agad pinasok mo? Hindi ba puwedeng pabebeng diyowa muna?"

Hindi ko naman ini-expect na maiintindihan nila. Pero gusto kong malaman nila na seryoso ako sa labang ito. Mahal ko si Ty, and that means I need to fight for him. Napa simangot ako.

"Hihinto lang ako sa kagagahang ito kapag kinasal na sila ni Keandra. Pero hangga't hindi pa, susubukan kong agawin siya."

"Kahit ang kapalit ay reputasiyon mo?" Tanong ni Kaya sa mababang tono. Naka cross ang kamay nito sa dibdib habang prenteng nakaupo sa katapat kong upuan.

I push my hair back then sighed. "Kahit na."

I heard Mikay groaned in frustration. "Kung hindi lang ako nahihilo aayain na kitang mag-inom. Baka sakaling mahimasmasan ka ng alak sa kagagahan mo."

Sinipa ni Kaya si Mikay na agad na sumigaw at sinita ang kaibigan. "Wala kang ibang ginawa kundi mag-inom sa ibang bansa. Kung hindi mo ako kasama malamang naka ilang lalaki ka na duon. Tapos ngayon alak pa rin ang nasa isip mo! Drink water for pete's sake."

"Masakit nga kasi yung puso ko!"

"Puso o kiki mo? Bakit kung sinu-sino kinalantari mo? Tang-inang gagang ito."

"Hoy, Kaya masyado ng masakit iyan!"

Kaya rolled her eyes and kicked Mikay once more. Muling napa ungol si Mikay at padabog na pumasok sa kuwarto.

"Ayos lang ba si Mikay?" Sinundan ko si Kaya sa loob ng kusina. Nakita kong nag hahanap ito ng mailuluto sa loob ng refrigerator.

"Ayos lang iyan. Matibay naman dobdib niyang siraulong iyan."

Naupo ako sa mataas na upuan na nasa island counter at nangalumbaba duon. "Sorry for disappointing you two."

Napa hinto si Kaya at saka nakakaunawang nilapitan ako. "Andito lang kami for you."

"Pangako, kapag ikinasal na siya hindi na ako magpapakita pa kay Tyzer." Parang piniga ang puso ko sa kaisipang iyon. Gusto kong man lumo. Pero tama naman sila Kaya, lahat may hangganan kahit ang pagpapaka tanga pa.

"And that's two months from now."

I nodded. Ilang araw na lang iyon, bakit parang ang bilis naman ng oras? Nagmamadali lang.

"Minsan ka lang magpakagaga sa pag-ibig kaya sulitin mo na. Siguraduhin mo lang na hindi ka mauubos sa laban na ito. Love yourself, Eros."

"Alam ko."

"Good, that's my girl."

Tinulungan ko na lang si Kaya mag slice ng mga rekado sa lulutuin nito. Matapos ang isang oras ay lumabas na ulit si Mikay na bagong ligo at basa pa ang buhok.

"Let's go to BGC later." Mikay said while munching the carrots she found on the counter.

Hindi umimik si Kaya na busy sa pag hahalo sa niluluto nito na nakasalang sa kalan.

End of the RoadHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin