.32

1.1K 32 3
                                    


"Hija, dad is waiting for us. Let's go to your favorite restaurant."

Ibinaling ko ang mga mata sa ina na nakangiting nilapitan ako sa working table ko. I am working at home for almost three days now. Jose is the one whose sending the files that I need kahit may secretary naman ako. I really appreciate his effort to help me, maging ang pananahimik nito sa isang bagay na mahirap gawin para sa iba lalo pa at hindi maganda ang sitwasiyong pinasukan ko.

Sa nakalipas na Linggo ay walang mintis kong tinawagan si Tyzer, ngunit kagaya nuon ay hindi ito sumasagot. I am trying to justify his action by thinking that he might left his phone at home or somewhere else. Na baka hindi nito kabisado ang number ko kaya hindi rin siya ma contact nito. Na baka sobrang busy lang talaga ng binata na hindi nito pa nache-check ang phone o dahil putang ina baka trip lang nito na kalimutan siya.

I am being pathetic day by day.

"Eros, wear this later. I ordered it from Italy. You'll look good in red color. Mula ng magtapos ka sa kolehiyo ay pulos pagtatrabaho na ang ginawa mo. We should go out three sometimes. And today is the perfect day. Nakapag pa reserved na ako ng table para sa atin."

Tinanggap ko ang paper bag na may mamahaling brand logo sa harap. Sinilip ko lang ang tela sa loob at saka nginitian ang ina. "Sure mom."

"Awesome, just call Manang if you need some food. Please don't work too hard. Hindi naman ikababagsak ng hotel ang ilang araw na pagka wala mo. And aside from that, Jose is handling it like a pro."

"Mom, masyado ng maraming trabaho si Jose."

"I know, I know. But his father trained him for that job. He's really good on what he's doing." Iwinagayway lang nito ang kamay at saka na tumalikod palabas ng kuwarto niya.

Napa iling ako sa ina at saka ibinalik ang mga mata sa laptop. Kausap ko thru vid call ang secretary ko. She needs to update me and send some of my files thru fax. Hindi ko alam kung ilang oras na ako naka harap sa monitor ng maalala ko ang family dinner request ni mommy.

I stood up and take a bath. I wore the red dress she bought for me. Napa ngiti ako sa ganda ng tela at pagkakahalab niyon sa katawan niya. It fits perfectly on her. I put a light make up and curl the end of my hair. I look presentable over all.

Pag labas ko ng kuwarto ay naabutan ko sa harapan si Manang na tila akmang kakatukin ang pintuan niya. I smiled at her. "Yes po, Manang?"

"Naku, pinapatawag ka na ng mommy mo. Akala ko nasa harapan ka pa din ng computer mo kaya kakatukin na sana kita. Hindi naman pala, mabuti nakapag bihis ka na, Eros."

"Si mommy po nasaan?" Sinabayan ko sa pagbaba ng hagdanan si Manang. Itinuro nito ang sala kaya duon na lang ako dumiretso.

I saw my mom with her phone on her ears, she's speaking with someone. Dinaanan ko sa harapan ang ina upang ipaalam ang prisensiya niya. Lumabas ako ng bahay at diretsong pumasok sa sasakyan ko. Sumunod naman si kuya Monching. Matapos ang ilang minutong pag hihintay ay tumabi na sa akin ang ina at iyon na ang sign para paandarin ni kuya ang kotse ko.

My mom surveyed her looks from head to toe. Tila proud na proud ito sa kinalabasan ng hitsura niya suot ang damit na bigay nito. "I told you, this color fits perfectly on your skin. You look so fresh, maraming magkakandarapa saniyo niyan."

"Kulang na lang arrow and bow puwede na akong cupid." Napa ngiti ako sa nakitang reaksiyon sa mukha ng ina.

Napataas ang kilay ni mommy dahil sa sinabi niya. Napa ngisi na lang ako at saka naiiling na pinanuod ang dinadaanang kalsada mula sa bintana.

"You're so beautiful, manang mana ka kaya sa akin."

Hindi na ako nag kumento pa at hinayaan na lang ang ina sa walang hanggang pag ku-kuwento nito. Nang marating namin ang restaurant ay pinag buksan kami ni kuya Monching ng pintuan. Nasa entrance naman si dad at tila inaasahan na ang pag dating namin. Sinalubong nito ng halik sa pisngi ang mommy at ganuon din ako.

"How are you young lady? I'm glad that you were able to come with us today. Don't stay in your room too long, Daddy missed you."

"It's just a family dinner date dad, aside from that I am only one knock away from your room. Medyo masama lang ang pakiramdam ko lately."

May dad smiled and tapped my shoulder. Inalalayan naman nito sunod mag lakad si mommy. Iginiya kami ng waitress sa pang apatang table. Mag isa lang ako sa side ko habang nasa harapan ko ang mga magulang. Dad made sure to order my favorite dishes. We talked random topics while waiting for the food. Panay ngiti at kaunting sagot lang ang ginagawa ko. I am more on a listener, I love to watch my parents from this view. Sila ang nagpapatunay na kayang tumagal ng mag-asawa at tumandnag magkasmaa ng hindi nag hihiwalay. I envied them.

Ngunit naagaw ang pansin ko sa mga bagong dating na customers. They are walking straight to the VIP room. Napa nganga ako ng makita si Tyzer habang nasa tabi nito si Keandra. He seems so serious. Kasama din nila ang buong pamilya ng mga ito. Hindi ko alam kung paano patatahimikin ang puso kong nagwawala na ngayon masilayan lang ang binata. He looks so fresh and still handsome as ever. Tila hindi man lang nito ininda ang isang Linggong pag hihiwalay nila. Na para bang hindi man lang ito umalis ng walang pasabi sa kaniya. Na para bang siya lang 'yung masyadong apektado sa sitwasyon nila.

Napa pitlag ako ng maramdman ang pag hawak ng kamay ni mommy sa kamay ko na nasa ibabaw ng table. Napa kurap ako ng ilang ulit upang maitago ang sakit sa mga mata habang tinitingnan ang ina na puno naman ng pag aalala ang mukha. Napa ayos ako ng upo muli ng ma isip na tila handa ng tumayo ang katawan niya at puntahan ang binata. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa lamesa.

"Hija, what's wrong? You look like as if you saw a ghost. Is there something wrong?" Nilingon nito ang entrance door ngunit wala na duon ang dahilan ng pagkakataranta ng damdamin niya.

He's here, he's back! And he's inside of that VIP room with his family and fiancé.

"Eros, anong problema?" Dad's voice woke her up from her reverie.

Napa ngiti ako ng wala sa sarili at sinubukang pakalmahin ang dibdib at mga magulang. "W-wala po. I just saw a friend passed by. May naalala lang ako."

Tila hindi naman naniniwala ang ama sa sinabi niya. Ngunit bumuntong hininga ito at saka siya puno ng pang unawang tinitigan. "I want my daughter back, whatever is happening you know that we are ony right here for you."

I bit my cheek inside and stopped myself from showing my true emotion. This is so fucking hard! Ang hirap hirap magpanggap na ayos lang ang lahat! Na hindi ako naaapektuhan sa nakita! Ang hirap-hirap.

My mom touched my dad's hand to calm him. "Hon, she only needs more time. Let her be." Then she looked at me. "We love you, remember that anak."

Na putol ang anumang gustong sabihin ng mga magulang sa pag dating ng pag kain. Hindi ko malasahan ang bawat putahe at tila nawalan siya ng gana. Pakiramdam ko ay umiikot ang sikmura ko at nahihirapan akong huminga. The thought of him inside of that room is suffocating her. He's so near, yet so far to touch.

End of the RoadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora