.36

1.3K 30 0
                                    


"Kumakain ka ba ng milkfish?"

Nilingon ko si Jose na kasalukuyang manghang-mangha sa presyo ng mga pagkain sa wet market. Natigilan ako ng mamataang ang masyang-masayang tindera na ibinabalot ang isang bilao nitong tinda na sari-saring gulay. Napa nganga ako ng makitang binayaran iyon ng binata ng higit pa nga sa orihinal nitong presyo. Parang nanalo naman sa lotto na mabilis na umeskapo ang tindera na panay pasalamat sa kasama ko.

Nang harapin ako ni Jose ay bakas ang kakaibang tuwa sa mukha nito bitbit ang apat na malaking supot sa magkabilang kamay.

Napa ngiwi ako sa tanawin ngunit ayokong basagin ang trip nito kaya pilit akong ngumiti. "What's that?" Itinuro ko ang mga plastic nito.

"Vegetable. I thought you want a sinigang for lunch so I bought the ingredients. Mabuti na lang matulungin si nanay. Sabi ko sa kaniya kapag tinuro niya sa akin ang  dapat na sahog ng sinigang bibili ako sa paninda niya."

Napa ngiwi ako. He was scammed and he seems so happy with it! Na stress ata ako lalo ng masilip ang mga dala nito. Pang isang buwan na supply ko na yata iyan. "You bought too much for two people, Jose."

"Then let's make it for three. I think Fabian won't mind sharing these with us."

Napa tango ako. Fabian is a good cook, napatunayan ko iyan sa mga panahong depressed ito. Sabi niya sa akin way niya ang pag luluto kapag nalulungkot siya para hindi niya maisip ang sakit. Food makes him happy.

Sana lahat!

"Kumakain ka ba ng bangus? Matinik ito pero masarap."

Nakangiting tumango ang kasama ko na panay pa din lingon sa paligid niya. What a pain in the ass.

"Parang akoc matinik pero masarap. So yeah, kumakain ako ng bangus." He grinned. Pero inirapan ko lang ito.

"Ang hangin pero pinagpapawisan pa din ako."

Si Jose ang may bitbit ng mga pinamili namin pabalik sa apartment ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Fabian ng makita ang mga pinamili namin. Tila agad nag ningning ang mga mata nito at masayang sinalubong si Jose na akala mo kanina lang ay hindi niya inirap-irapan.

"May fiesta ba?" Naka suksok ang dalawang kamay nito sa suot na short habang naka titig sa mga gulay.

"Pahanda ni mayor." Simple kong sagot sa kaibigan na ang tinutukoy ay si Jose.

Jose smiled widely. "Is it too much, Fabian?"

Umiling agad si Fabian na akala mo kung gaano kalaki ang impact na gustong maiparating sa kausap. "No, my friend! You just bought food that will last for a month. Takot tayo magutom so tama lang iyan."

Napa iling ako at iniwan na lang ang dalawa. Kailangan ko pang mag luto para sa lunch namin. Pero natigilan ako dahil sa pamilyar na pabango na naamoy. Agad na tumibok ng marahan ngunit sobrang lakas ng dibdib ko. I know that smell. Hindi ako maaaring magkamali. Pero dagli ding namatay ang pag-asa ko ng ilibot ko ang paningin at wala naman makitang ibang tao kundi si Jose at Fabian.

Nang mag tama ang mga mata naming dalawa ni Fabian ay ngumiti lang ito. Ngiting tila may ibig sabihin, pero dahil ito si Fabian ay hinding-hindi mo ito mapapasalita. I heaved a heavy sigh. "Ang baho mo Fabian."

Lalong ngumisi ang lalaki. Pero tila dahan-dahan ng binabalutan ng lungkot ang puso ko kaya tuluyan na akong pumasok sa apartment ko para mag handa. Hinugasan kong maigi ang isda bago ko iyon inilagay sa kaserola na may tubig kasama ng maraming kamatis upang pakuluan.

End of the RoadWhere stories live. Discover now