Opus No.06 - The Longest Noon

11 1 0
                                    

"P—po?!" Napatayo ako nung tinuro ni sir yung upuan sa tabi ko.

"Ayy bakit? Ayaw mo?" Mataray na tanong ni sir.

"Ah! Hindi po! Hindi po sir."

"Aayyiieeeee" Nagsimula sa isang hiyawan hanggang sa naging chorus na ito.

"So gusto mo?" Tanong ni sir. Pambihira! Hindi parin sila tumitigil! At hindi ko rin mapigilang ngumiti! Hindi ako kinikilig!

"Opo!"

"AAAYYIIIEEEE!!"

"I—I mean okay lang na umupo siya dito."

"Ikaw Dante." Tumingin si Dante kay sir. "Ikaw ba... gusto mo?" Napaisip muna si Dante at tumingin sakin.

"Hmm.... opo."

"AAAAAAYYYYIIIIIEEEE!!! HOOO-EEEMM—JIII!" Naghiyawan na sila na may kasamang palakpakan. Hay nako, napafacepalm nalang ako sa sakit ng ulo ko, at katangahan ko din sa pagsagot.

"Alright! Go take your seat next to her. It's your turn miss!" Tinawag ako ni sir sa harap at napapakamot nalang din ako ng ulo. Bakit ba ang dami kong sablay ngayong first day?!

"Hay... okay. Ako po si—"

"Huy. English po. Why are you so nervous?!" Mataray at pabirong tapik ni Sir.

"Hala! Hindi po!" Napapangiti na naman ako.

"NAKAKAKILIG NAMAN!" Sumigaw yung isa naming kaklase. Tinatakpan ko nalang mukha ko. Kinakabahan ako't baka namumula na naman ako kapag sa mga ganitong sitwasyon. My goodness.

"My name is Lorelei Alasio. I also like books, movies, sleeping..."

"Let me guess. You like cooking?" Tanong ni Sir.

"Yes sir."

"OH BAGAY NGA KAYO. SIYA HE LIKES EATING EH."

"OO NGA! AYYIEE!!" Me and my stupid mouth!

"Oh sige na... continue." Pabirong sagot ni sir. "Where do you live?"

"Antipolo po sir."

"Rizal?"

"Yes sir." ...Oh my god.

"EH TAGA RIZAL DIN SIYA OH!" Damn it! Napapafacepalm nalang talaga ako. Tinakpan ko yung mukha ko ng buhok ko, kahit na maikli lang ito. "Hahaha! Sige na take your seat." May kumatok pang isa pero this time, teacher naman din siya. Tinawag niya si Sir Robert. "Give me five minutes, class."

Matampo akong umupo sa upuan ko.

"Hay nako naman talaga."

"Gusto mo lumipat ako?" Tanong ni Dante.

"Wag na." Masungit kong sagot sa kanya. "Diyan ka nalang." Ngumiti siyang tumango sa akin. Biglang may sumagi sa isip ko. "Teka nga..."

"Hm?"

"Kanina, napasobra ako ng aga sa pagdating dito sa school. Pero ikaw, alam mo na 8am pa ang start. Kung ikaw alam mo naman pala na later na mag-iistart, bakit maaga ka ding nasa Music Room?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka kasi kung alam naman pala niya na mamaya pa ang klase eh bakit siya nagpaaga din.

"Ah. Ayun ba? Sabihin nalang natin may mga kakilala ako here and there."

"Ahh. Okay." Malabo niyang sagot sakin. "Akala ko pinagtripan mo lang ako kanina. Bigla ka kasing umalis."

"Ahh! Ahahaha! Pasensya na. Pero hindi kita niloko. I mean, 8AM naman nagstart diba?" Well... sabagay totoo yun. May point siya.

"Pasensya ka na ha? Nakakairita ba ako kanina?" Tanong ko sa kanya. "Ang ingay ko kasi at mainitin ang ulo."

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon