Opus No. 20 - Ang Sikretong Mayroon Tayo: Lutong Langit

5 1 0
                                    

Alas 'onse na ng tanghali.

Muli kaming nasa music room para mag-aral. Busy si Lee na turuan si Anthony para sa Bio-scie namin. Maswerte si Anthony, since hilig naman ni Lee ang science at mukhang siya mismo eh nag eenjoy na turuan si Anthony.

Nakakunot ang noo at mata ni Anthony habang minamasahe ang sarili niyang baba. Para ba siya si Thinker. "...Hm...two oxygen compounds—"

"Atoms."

"A-ay! Atoms pala...oxygen atoms...okay..."

Kami naman ni Dante ay nagrereview para sa Child and Adolescent Development namin. Katabi namin si Jeanne, kahit hindi siya educ major. Mukha kasi siyang interested sa pinag-aaralan namin.

"...so, dapat sa middle adolescene, which is fifteen to seventeen years old, dapat doon palang nagkakaroon ng mindset ang teenager sa relationships...bakit?" Tanong ni Jeanne.

"Well... around this time kasi tapos na ang puberty nila, or at least, nasanay na sila sa changes kagaya ng pimples, changes sa hormones kapag sa babae, and kung anu-ano pa. Dahil rito, mas concerned na sila sa itsura nila kaya madalas sila nagfofocus sa pagpapapogi or pagpapaganda, conscious sila sa itsura nila palagi at lalo na sa iisipin sa kanila ng ibang tao." Sagot ko sa kanya.

"Oo nga no!" Lumiwanag ang itsura ni Jeanne. "Kapag kakasimula palang kasi, hindi nila naiintidhan pa masyado diba?"

"Oo, at hindi lang 'yon." Dagdag ni Dante. "Ito din yung time na naiinis sila kapag pinagbabawalan sila ng magulang. Sa Middle Adolesence kasi, mas nagco-confide or mas lumalapit sila sa peer groups nila or sa madaling salita—sa mga tropa nila. Kasi sila lang din nagkakaintindihan dahil nasa parehas silang stage ng paglaki."

"Ooohh...hala oo nga no!" Sagot ni Jeanne. "Tayo din ganun eh! So nasa middle adolescence pala tayo?"

"Oo. Pero within next year eighteen na tayo." Sagot ni Dante.

"So seventeen ka palang pala? Ako din eh." Tugon ni Jeanne. "Ikaw Lorelei? Diba kakabirthday mo lang? Ilan taon ka na?"

"eighty-four." Bulong ni Dante. Agad siyang nakatikim ng the-usual kurot sa tagiliran. "ARAY! ARAYARAYARAY!"

"SEVENTEEN LANG DIN AKO, LECHE!"

"Hahaha! Ikaw talaga Dante, palagi mong trip si Lorelei." Tugon ni Jeanne. "Pero, may itatanong ako sa inyo."

Bigla ako kinabahan sa boses at tono ni Jeanne, at napatigil kami sa harutan ni Dante at napatitig sa kanya. Inaabangan ko ang pagbukas ng bibig niya, kung tatanungin ba niya kung may something samin, WHICH WALA NAMAN.

Tumuro siya sa kabilang side ng music room, sa isang sulok. "Anong ginagawa ni Camille?"

Aligagang-aligaga si Camille sa pagbabasa ng gabundok na mga cooking books. Magbabasa siya rito sabay magsusulat naman sa notebook sa kabila.

"Teka nga..." Bumunot si Dante ng laser pointer mula sa bag niya. Tinutok niya 'to sa pader sa harapan ni Camille. Agad na napukaw ang atensyon ni Camille at nakatitig ng matagal sa laser. Mabilis na ginalaw ni Dante at inilipat ang laser sa kanan, at sumunod naman sa paglingon si Camille rito.

Paulit-ulit 'tong ginawa ni Dante at ni Camille. Nang nahinto sa paggalaw ang laser, unti-unting pumwesto si Camille. Sa isip ko, para siyang nagkaroon ng tenga at buntot ng pusa.

"Humph!" Hinuli ni Camille ang ilaw sa pagpatong niya ng kamay dito.

"WALANG-HIYA KA DANTE! GINAWA MONG PUSA SI CAMILLE, WALANG HIYA KA TALAGA!" Sigaw ko kay Dante sabay palo sa kanya ng notebook sa ulo.

Pinky Swear [COMPLETE]Where stories live. Discover now