Opus No. 23 - Single-Blessedness

5 2 0
                                    

Isang linggo matapos ang insidente sa Mount Makiling.

"Hmm..." Hindi ko parin maalis sa isip ko yung imahe ni Lola na humahagod sa dibdib niya. Ano ba ibig niyang sabihin dun, or rather, ano baa ng gusto niya gawin ko? Ayokong maniwala na siya si Maria Makiling...I mean...coincidence lang 'yon...diba? Hindi ako nakakita ng diwata...right? Sa sobrang kakaisip, hinahagod ko ang puso ko hoping na may sagot na dumako sa isip ko. "...bagyo sa puso ko..."

"AY!"

*THUD*

"Aray ko...hala pasensya na ate..." Ngayon ulo ko naman ang hinagod ko at baka may bukol ako. Nagsikalat ang mga flyers na mukhang dala ng nabangga ko. Agad ko naman itong pinulot.

"Ah! Hindi, okay lang! Kasalanan ko din...Lorelei?" Pagtingin ko, isang babae na nakalugay ang buhok sa left side at ngiti na sobrang liwanag kaya niyang tanggalin sa negosyo ang Meralco, at animo kada ngiti niya ay may kumakanta na choir sa simbahan ng Gloria.

"Mickey!" Ngumiti din ako sa kanya, baka matalo ko yung liwanag ng buhay sa ngiti niya. I think pag ngumingiti ako, walang ibang church sound kundi sad and depressing piano notes.

"Ikaw pala yan! Nako pasensya ka na ah! Medyo lutang lang ako lately...ahahaha!" Pinulot namin ang mga fliers na nagkalat sa sahig. Kaso, pagkakuha ko sa isang flier, bumungad sakin ang nakangiting litrato ni Mickey kasama ang light of the world niyang ngiti at katagang Running On Her Independent Party.

"Tuloy na talaga Mickey?! Sasabak ka nga sa Student Council! Wow! I'm so proud of you!" Tugon ko sa kanya.

"Ahahaha! Oo eh...nainspire din kasi ako sa sinabi niyo noon." Sagot niya sakin.

"Nako...balibaliktad yung fliers mo na ngayon. Since ako nakabunggo din sayo, tutulungan na kita." Tugon ko sa kanya.

"Sure ka? Hindi ba kita naaabala? Okay lang naman kung ako na."

"HINDI! Ito lang maitutulong ko sa future Student Council President namin!"

"Uy grabe ka ah! Secretary palang ang aim ko!" Nagtawanan kaming dalawa. Teka! Ngayon na yung tamang opportunity para tanungin ko siya about kay Dante! "Masyadong madami 'to...pumunta tayo sa waiting shed para magpatulong sa mga kaklase ko."

Habang naglalakad kami papunta sa waiting shed, buhat-buhat ang fliers ni Mickey, naisipan ko siyang tanungin patungkol sa una niyang sinabi.

"Mickey...matanong kita. Dati, sinabi mo na kino-consider mo palang na tumakbo for Student Council. Ngayon, ito na talaga at running independently ka pa without any party list. Paano mo...nalaman na ito na talaga yung gusto mong gawin?"

"Malalaman mo naman kasi 'yon eh." Sagot niya. Nakarating na kami sa waiting shed at ibinaba ang fliers sa table. "Kumbaga...ayun yung calling mo." Nagsimula na kaming ayusin ang fliers niya habang hinihintay yung mga tutulong samin.

"Eh paano mo nalaman na ito na talaga yung calling mo? As in paano mo na-set na ito na nga talaga yung landas na tatahakin mo? Sabi mo nga noon diba...na wala kang time sa lovelife?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Alam mo...kapag sinasabi ng puso mo na 'go', pero yung mga pagkakataon sa buhay mo eh sinasabing 'no', edi ayun na nga ang calling mo. Halimbawa, sa mga gusto mag pari. Karamihan sa kanila eh kinakatok na ng Diyos na magpari, pero hindi nila magawa kasi may mga circumstances sila na hindi nila mabitawan. Gusto na ng puso nila pero minsan iniisip nila, magwork na financially stable, or baka mahanap pa nila yung mapapangasawa nila. Kinakalampag ako ng puso ko everytime na may mga bagay na hindi makatarungan ang nagaganap sa paligid. Parang sumasakit ang puso ko bawat oras na alam kong may kapwa ako na naa-agrabyado at hindi nakakamtam ang hustisya. Ayun ang sinasabi ng puso ko sa akin...and hindi ko maimagine na idadagdag ko pa sa mix ang lovelife. Kung magiging single ako for life, pero nakamtam ko ang mga dapat kong gawin, then blessed na ako kung ganun."

Pinky Swear [COMPLETE]Where stories live. Discover now