Opus No. 11 - Medyo Naliligaw

4 1 0
                                    

Now Arriving at Legarda Station...Paparating na sa Legarda Station...

Pumasok ako sa school on time as usual, though naka-ordinary outfit lang kami today. Naka-purple polo shirt lang ako at maong...at aminado ako na medyo nako-conscious ako. First time kong magsuot ng ordinary papunta sa school...and makita ng mga kaibigan ko.

Bago magbukas ang pinto ng tren, sinigurado kong icheck ang itsura ko sa binate—hoping maayos lahat mula buhok hanggang sandals. Since hindi nakasali si Anthony sa varsity, wala siyang choice kundi sumama sa amin. Anong plano namin for today? Well...wala. Since first year kami, hindi naman kami kaagad naisali sa mga games or kung ano mang siste na meron sa school. Siguro mag-iikot-ikot nalang muna kami sa mga pakulo ng mga colleges.

Paglapit ko sa gate, nakita ko na namumukadkad na kaagad ang design sa gate, as if pinapaalam nila sa buong University Belt na University Week namin ngayon. Sa sobrang dami niyang palamuti, nagreflect ang mga glitters sa pagsikat ng araw. Hindi ko napigilang mapansin ang ilang students na galing sa ibang university. Pwede pala sila mainvite? Ano kaya ang pinunta nila dito?

"Lorelei!" Sumigaw si Camille kasama si Anthony at Dante sa hallway. Nakawhite na off-shoulder si Camille at braided pa ang buhok niya. Mukha siyang prinsesa...samantalang ako mukhang papasok pa sa trabaho. Napahawak nalang ako sa buhok ko sa kahihiyan ko. Hindi ko naman kasi habit na magsuot ng mga ganung klaseng damit! Basta t-shirt at maong pwede na!

"Saan ang pasok mo?" Tanong ni Dante, na naka black na long sleeves shirt at white na maong. Tinarayan ko siya't minata para makaganti.

"Eh ikaw saan ang burol mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ohh! Hahaha! Kayo talaga ang aga-aga nag-aaway na kayo." Tugon ni Anthony. Mabuti at mukhang bumalik na siya sa normal.

"Grabe...ang festive ng school natin no?" Tugon ni Camille. Inobserbahan ko ang buong campus at talaga namang napakafestive talaga. Bawat college entrance eh may pakulo na nagdedefine sa college nila. May mga colorful flags din nakakabit kung saan-saan, at meron pa kaming info booth sa bandang entrance. "Ah! May nagbigay pala sa akin ng itinerary ng events. May three days tayo sa university week. Sport events ang meron sa umaga at may iba't ibang venue...meron ding quiz bee per college at meron ding poem recitals or open-mic sa Liberal Arts..."

"Open Mic?" Tanong ko kay Camille.

"Bakit? May ihuhugot ka ba Lorelei?" Tanong ni Dante sa akin.

"Baliw! Ang sarap kaya makinig sa mga ganun! May stand-up comedy, or di kaya spoken poetry! Tsaka ano ka ba Dante... hindi lahat ng spoken poetry ay hugot lovelife no."

"Tsaka guys! Ito ang highlight this year—" Pagka-flip ni Camille ng itinerary, bumungad samin ang engrandeng disenyo na animo invitation sa Oscars. "...Ang Annual Crescendian Goddess of Beauty!"

"So...beauty pageant?" Tanong ni Anthony, na napakamot ng kanyang ulo. Clearly, hindi siya interesado sa mga ganun.

"Oo Anthony! Narinig ko sa mga kaklase ko na ito raw talaga inaabangan kahit ng mga taga ibang schools. Tsaka—"

"EXCUSE ME!" Napa-atras kami nang may sumigaw na grupo ng mga estudyante sa likod namin. Naka-red silang t-shirt at pareparehas na may I.D na may katagang PRESS na nakasukbit sa leeg nila. May hawak din silang mga DSLR Cameras. Pagtingin namin sa direksyon na nakatutok ang cameras nila, isang babae na nakashorts at nakalugay ang buhok ang naglalakad papasok sa university.

Nakaheels siya at perpektong perpekto ang makeup niya mula kilay hanggang lipstick. May pagkachinita siya at lalong dumagdag ang allure niya sa eyeliner niya. Puting-puti ang ngipin niya na animo'y gawa sa stars ang ngipin niya.

Pinky Swear [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon