Opus No. 28 - Kadiliman

5 0 0
                                    

"NAKAKAINIS TALAGA!"

"Huh?" Namulat ako sa sigaw ni Anthony mula sa pagkakatulala. Nasa music room pala ulit kami nila Anthony at Camille. Si Dante ang naatasan na bumili ng ulam ngayon. Since natalo siya kahapon, pinagsamantalahan na ni Anthony at Camille ang pagkakataon para utusan siya. Napuyat ako nang magising ako ng madaling araw kanina. Nakatulog ako ng kakaiyak...at nakauniform pa ako nung nakatulog ako. Sumasakit tuloy ang ulo ko ngayon...at para bang may hangover ako at bawat sigaw ni Anthony eh nakakarindi.

"Dapat si Dante ang nanalo eh!" Dagdag na sigaw ni Anthony. Dahil rito, napakamot ako ng batok sa inis. Ayoko nga sana munang pag-isipan yung nangyari kahapon...

"Pero grabe ah..." Dagdag ni Camille. "Ang gagaling ng lahat ng sumali sa competition kahapon. First time ko makaattend ng classical na competition. Ikaw Lorelei?"

"H-ha? Alin?"

"Bess...okay ka lang ba?" Tanong ni Camille. Hinagod niya ang likod ko at tumingin sa mukha ko. "Namumula mata mo?"

"Wala 'to bess..." Sagot ko sa kanya. "Minamigraine lang yata ako ngayon. Magsi-CR lang ako saglit." Tumayo ako sa sahig para pumunta sa banyo, kaso pinigilan ako ni Camille.

"Samahan kita?"

"Hindi! Wag na. Okay lang ako bess. Ako nalang." Ngumiti ako sa kanya nang pigilan ko siya na tumayo din mula sa sahig. Tumango nalamang siya at nakinig sa mga pinapatutsyada ni Anthony.

Nagtungo ako sa banyo at nakita ang sarili ko sa salamin. Mukhang okay lang naman ako...pero hindi. Maayos naman yung buhok ko, yung eyebags level ko same parin naman...pero parang pagod ako. Naghilamos ako pero pagtingin ko muli sa salamin, ganun parin yung pakiramdam ko, na para bang ayaw kong kumilos ngayong araw...

Parehas na parehas na pakiramdam nung nakaraan...

Huminga ako ng malalim para kolektahin ang mga iniisip ko. Una...may nararamdaman na ako para kay Dante. Siguro nahulog na ako sa kanya simula nung naipit kami sa MRT noon. Pangalawa, nahihirapan akong tanggapin na meron na nga akong nadadama para sa kanya. Siguro kasi hindi pa ako handa...hindi pa ako handa na tanggapin ang sarili ko ulit. Hindi ko alam kung itataya ko ba ulit ang sarili ko na magtiwala ulit. Pangatlo...naiinis ako. Hindi sa sigaw ni Anthony, pero may isang bagay na naririndi talaga ako. Humawak ako sa dibdib ko dahil dito ko nararamdaman yung inis...yung galit...yung naiipon na frustration.

Gusto kong sapakin yung salamin...nang may pumasok na mga estudyante sa CR at napahilamos ako ulit. Parang alam ko kung bakit ako naiinis...pero hindi ko magawang tanggapin sa sarili ko ang dahilan. Bumalik ako sa music room at nakita si Dante na dala-dala ang mga pinabili namin.

"Saan ka galing?" Tanong niya sa akin. Sa mukha niya, para bang wala siyang iniisip na mabigat.

"Nag-CR lang." Sagot ko sa kanya. Nakita ko na nagbago ang expresyon niya at napuno ito ng pag-aalala. Sumenyas ako na 'wala' sa kanya para hindi siya mag-alala. Please Dante...wag muna ngayon.

"Okay!" Tugon ni Camille. "Let's pra—" Kakaupo palang namin ni Dante nang may pumasok na babae sa music room.

"YOU!!" Agad kaming tumingin sa pintuan, at nakita si Freya. This time, nakalugay lang ang golden niyang buhok at umaangat ang ilan mula rito. Naghahabol siya ng hininga at ibang-iba ang itsura niya sa collected na Freya. "TELL ME THE TRUTH DANTE! DID THEY WENT TO YOU ALSO?!"

"Freya, please. Wag dito." Tumayo si Dante para kumprontahin si Freya.

"JUST ANSWER ME!!" Galit na galit na sigaw ni Freya. Sumugod si Freya sa kanya at napaatras si Dante sa pinto. Nang makita ko siya, ang likod niya nakasandal na sa pinto at dinidiin siya ni Freya, tumayo narin ako at tinulak si Freya palayo.

Pinky Swear [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora