CHAPTER 2

968 114 97
                                    

Sm_Yeel14

Happy reading!

Edited

:)
__________________________________________________________

Hinubad ko na ang damit ko saka tinungo ang banyo dahil sobrang nanlalagkit na ako.

Pumasok ako sa shower room.
Napapikit na lamang  ako nang tumama ang malamig na tubig sa katawan ko.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng mga sandaling ito.

Kailangan kong harapin ang nangyari kahapon, kagabi,at ngayon.

Kinakain na din ang sistema ko ng poot.
Gusto kong matauhan na dapat 'di ako magpapaapekto kay Ivan pero iba ang pumapasok sa utak ko.

Ang nagsusumamo niyang mukha ang nakikita ko.Ang mga mata niyang nakikiusap na dapat kausapin ko siya at ang kinikilos niyang puno ng pag-alala na dapat ay pinakinggan ko muna siya.

Napamulat ako at napailing.

No.

I dont want to listen!
Baka kasi makumbinsi niya ako.

Takot akong mapakinggan ang panig niya, sa ngayon ayoko muna.Sobrang occupied ang utak ko sa mga nangyari.

Saka ko nalang papakinggan ang eksplenasyon niya pag magiging okay na ako.Lalo na't may pinasok akong gulo.
I hooked up with stranger and it's something unforgivable.
Saka ko na haharapin si Ivan kapag 'di na ako maaapektuhan sa presensya niya dahil sa ngayon mahina pa rin ako pagdating sa kaniya.

Tinapos ko na ang paliligo at nagbihis ng denim pants 'tsaka top shirt.

Sinuot ko na ang tennis shoes ko at kinuha ang isang sling bag at doon ko nilagay ang cell phone ko at isang sobre na may lamang pera.

Tinungo ko ang coffee shop at dali-daling lumabas sa kotse.

Pagkapasok ko ay agad na nahagip ng mata ko si Camila na nakaupo sa pinakadulong parte ng shop.

Di niya napansin ang pagdating ko.

Kaagad akong sinalubong ni Lileth.

"Good morning Boss.Kanina ka pa hinihintay ni Miss Camila mabuti naman po at nakarating ka na,"bungad sa'kin niya sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya 'tsaka tumango.

"Good morning,Nandito na ba silang lahat?" Sabi ko at nilibot ang mata ko sa mga waiter at waitress na nagsi-serve sa mga costumer. Madami na ang costumers ko ngayong umaga.

"Ah opo Boss.Sina Maya at Carina naman ang incharge ngayon sa pagbi-bake andon sila sa loob,"magalang na sagot niya.

Tumango naman ako sakanya.
I told them na huwag na nila akong tawaging boss dahil ilan sa kanila ay mas matanda pa sa'kin.I'm just 20.

"Do you need some coffee Boss?Cake?" Offer niya.

Ngumiti lang ako sa kaniya. "H'wag na.Ako na ang gagawa para sa sarili ko.Kayo nakapag kape na ba kayong lahat?' Usisa ko ko sa kaniya.

Ayokong nagugutom sila sa trabaho baka kung mapano pa hindi naman ako ganun ka istrikta dahil hindi naman sobrang laki ng shop ko at mas lalong wala naman itong title kaya okay lang sa'kin na maging normal lang ang pakikitungo sa workers ko.

Tumango naman siya

"Opo tapos na,"

Tumango lang ako 'tsaka nagpaalam na muna sa kaniya.Siya 'yong manager sa shop na 'to.Binati naman ako ng mga tauhan ko nag madaanan at makasalubong ko sila.

They're so polite.

"Hey," tawag ko kay Camila.

Inangat niya ang tingin niya sakin saka napangisi.

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDWhere stories live. Discover now