CHAPTER 30

446 46 3
                                    

                      Dedicated to:OrangeBiscuit jaliparhevy myown_mind 💖

NAGISING ako dahil sa parang hinuhukay ang sikmura ko ng kung ano-ano.
Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo dahil parang naduduwal na naman ako.

Shit!This is it! Kada umaga na lamang ba ako ganito? Napahimalos na lamang ako ng mukha saka napatingin sa repleksiyon ko sa malapad na salamin.

Medyo lumobo ata yong pisngi ko, shockss. Totoo kayang yong sinasabi nila na kapag nagdadalang-tao ka ay bigla kang tumataba?

Hinablot ko nalang ang face towel na nakasabit sa gilid saka tinuyo ang mukha ko.

Napakagat-labi ako ng sumagi sa isip ko si Ace. Parang ngayon ko lang ata narealize kung ano yong pinanggagawa ko kahapon. Masyado akong mainitin ng ulo that time. Nakakainis.

Nakokonsensiya na ako sa pinanggagawa ko ,mabuti nalang at siya na mismo ang nakakaintindi kung bakit ako ganun sakanya.
At nalaman ko ring pag-aari niya pala yong restaurant na iyon kagabe.

Kainis kong hindi lang sinabi sa'kin ng waitress kagabe na pag-aari ng lalaking iyon ang restaurant ay hindi ko talaga malalaman.

Ano pa ba ang ini-expect sa kanya diba?

Napabuga na lamang ako ng hangin saka lumabas na sa banyo.

Sumalampak ulit ako sa kama saka nagtakip ng unan sa mukha. Inaantok pa ako.

I was about to fell asleep again when suddenly my phone rang.

Nakapikit na kinapa-kapa ko yong phone ko malapit sa bed side table.Inaantok na talaga ako and bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko.

Nang mahawakan ko na ito ay kaagad ko iyong kinuha saka inilapit sa taenga at nagsalita.

"Yes?" Bungad ko habang nakapikit.

"Nakausap mo naba si Atty. Santiago?" Boses ni Mandy sa kabilang linya.

Agad akong napamulat ng mata saka tiningnan ang screen.

Unregistered number.

Nakalimutan ko rin na ngayong araw ko pala imi-meet si Atty. Santiago.

"Hindi pa.Ngayong araw palang salamat at napatawag ka muntik ko ng makalimutan" nahihiyang sambit ko saka napaupo.

Gaaa...Inaantok pa talaga ako.

"Ba't mo naman makakalimutan ang importanteng bagay? Akala ko nasa coffee shop kana pero mukhang  bagong gising ka palang" Sabi nito saka mahinang natawa.

Napanguso na lamang ako sa sinabi niya.

"Anong oras naba?"tamad kong tanong saka nahiga ulit at napapikit.

"It's already 8 in the morning. And I think pupunta si Ace diyan ngayon.I'll hang up na,Gumayak kana wag ka masyadong  magpahalatang buntis ka talaga.Tsk!" Sabi nito saka ako binabaan ng tawag.

What the!
Paano niya nalaman!? Hindi Kaya?

Ggrghhhhh ang lalaki talagang iyon sarap pasakan ng tae ang bibig!hmp!

Pero kahit na ganun na-appreciate ko naman ang sinabi sa'kin ni Mandy.Pakiramdam ko tuloy andami kong naiwang mga bagay na dapat kasama siya.

Kahit na di maganda ang first impression ko sakanya noong una baliwala lang iyon kasi mayroon dito sa loob ko na di ko magawang magalit sakanya ng husto.
Yon pala naging parte siya ng buhay ko, di mo talaga makikilala ang mga tao sa unang impresyon lamang.

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDWhere stories live. Discover now