CHAPTER 21

449 57 51
                                    


"Nicole!Nicole!!!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig ng babae.

Dali dali akong napaangat ng tingin habang nanlalabo na ang paningin ko .

Ramdam ko rin ang pagbigat ng talukap ng dalawa kong mata.

Nanghihina akong nakatingin sakanya habang nanlalabo na ang paningin ko, unti unti na rin siyang lumalapit sa akin......

"Oh my God!What---" di ko na narinig ang susunod niyang sasabihin ng tuluyan na akong kinain ng kadiliman.

KAAGAD akong napamulat ng mata at napaupo.

Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko, pinapawisan na rin ako.

It's a dream again!

Kaagad kong sinapo ang ulo ko at napapikit.

"Aaghhhh" daing ko dahil parang binibiyak ito .

Ang sakit sakit ng ulo ko!
Napatingin ako sa mesa kung saan nakalagay ang pills na pinapainom sa akin ni Ivan tuwing umaataki ang sakit ng ulo ko.

Effective naman ito , dahil pagkatapos ng pananakit ay nawawala na rin naman ang sakit.

Kaagad akong lumapit roon saka kinuha ang isang piraso, huling piraso na pala ito .

Bumaba na ako saka ininom iyon , nang nawala na ang sakit ay inalala ko ulit ang panaginip ko.

Shocks!Bakit hindi ko na mare-call?

Inumpog-umpog ko pa ang ulo ko sa ibabaw ng counter pero damn it!hindi ko na maalala!

Napailing nalang ako.
Kahit pa siguro magkakabukol itong ulo ko kakaumpog hindi ko marere-call ang panaginip na iyon.

Isang pangalan ng ang pumasok sa isip ko.

Mandy.

NAKITA ko nalang ang sarili ko dito sa labas ng kompanya nila Mandy.

Di ko alam pero dito ako dinala ng kotse ko , ipinarada ko na iyon sa parking area.

It's only 8 in the morning . Ewan ko kung masyado ba akong maaga or what .

Di ko pa nakikita ang sasakyan nitong nakaparada dito ,at isa lang ang ibig sabihin nu'n. Wala pa siya.

Nanatili ako dito sa loob ng car dito ko nalang siya hihintayin.

Mabuti nalang at di ako ginugutom sa ginagawa kong pagpapalipas ng kain ni hindi ko nga nagalaw kanina ang pagkain sa dining table na hinanda siguro yon ni Ivan kagabe pa.

Mabuti nalang tuloy-tuloy ang tulog ko at hindi na ako nagising pa ng gabing iyon .

Di naman na ako galit sakanya pero nangingibabaw parin ang kuryusidad ko.

I have this wierd feeling na parang may tinatago siya sa akin and I need to figure it out.

Simula kasi kahapon nakakaramdam na ako ng kakaiba, lalo na nung nanaginip ako, Di ko alam kung panaginip ba iyon o totoong nangyari.

Pero bakit ganun wala manlang akong naaalala sa ganuong pangyayari.

Napatuwid ako ng upo ng may isang katanungang naglalaro sa isip ko.

My heart stop from beating when I reminisce those word.

Did i lost memories?

Napailing ako ,No!
Kung nawalan man ako ng alaala sigurado akong sinabi na kaagad sa akin ni Ivan iyon, at kung oo man dapat unti-unti ko na iyong naaalala .

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ