CHAPTER 28

374 48 18
                                    


"AAHHH" impit na daing ko pagkatapos ng madilim na alaalang iyon.

Parang binibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.Nagmamalibis na rin ang mga luha ko sa pisngi. D ko alam pero nakaramdam ako ng takot ng pagkatapos ng imaheng iyon.

Yong tingin ni Ivan sa Daddy ko,

"Aaahhhhhhhhh" namimilipit kong daing .

Shit!Ang sakit!

Fvck! Kaya pala pamilyar ang matalim na tinging iyon sa akin dahil nakita ko na ito sakanya dati. His sharp look to my Dad it was different parang may gusto siyang iparating.

Naninikip ang dibdib ko sa di ko malaman na dahilan.

Malakas at mabilis ang paghinga ko, pinunasan ko ang mga luha ko saka napatanga sa kisame.

Napaigtad naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nanginginig ang kamay ko ng inabot ito. Saglit na huminto ang pintig ng puso ko nang makita ko ang calller ID ng caller.
It was Ivan.

Nabitawan ko na lamang ito saka napahiga sa kama .Di ko siya kayang kausapin ayoko siyang makausap.

Tulala akong nakatingin sa puting kisame habang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang alaalang iyon, iba ang dating niyon sa akin .
Kakaibang kaba na nagdulot ng kilabot sa buong sistema ko.

Saglit na tumigil ang pagtunog ng selpon ko ,ngunit tumunog ulit ito pagkatapos.

Dali-dali akong napaupo saka iyon kinuha.Napapikit na lamang ako habang nilalapit iyon sa taenga ko.

"H-Hello"tanging sambit ko.

Ilang beses akong napalunok para pakalmahin ang sarili ko. Nanatili akong nakapikit habang hinihintay siyang magsalita.

"I'm here " tanging sambit nito na ikinatigil ko.

Napahilot ako ng sentido saka nahiga sa kama.Di ko alam kung paano ko sasabihin sakanyang ayaw ko muna siyang makausap.

Ayoko pa.

"Mhie... Pasensiya na hindi ako nakareply agad nakapatay ang phone ko ei. " Masuyong sambit nito .

Damn!

"Pwede bang sa susunod nalang tayo mag-usap? Sumakit----I mean masakit kasi ang ulo.Gusto ko munang matulog Ivan" mahinang sambit ko.

Napakagat-labi naman ako ng biglang tumahimik ang kabilang linya, kumunot ang noo ko saka napamulat ng mata para tignan kung wala na ba siya sa linya pero hindi naman.
Ibinalik ko ulit iyon sa taenga ko saka ko narinig ang pagbuntong  hininga niya.

Napahikab naman ako dahil nakaramdam na naman ako ng antok, dagdagan pa ng naalala ko kanina lang.

"Pwede bang papasukin mo muna ako? I just want to check you . Nakainom kaba ng g-gamot?" Tanong nito at naging alangan pa siya sa huling sinambit niya.

'Ofcourse I don't baka mamaya niyan e wala na naman akong maalala'

"Ahh yon ba?Oo kakainom ko lang. Gusto ko na lang sanang magpahinga Ivan. "pagsisinungaling ko.

'Di ko na kayang magtiwala pa sayo Ivan lalo na't ginugulo na ako ng nakaraan ko'

"Pwede ba akong pumasok ?I just want to check you" pakiusap nito.

I let out a soft sigh saka umupo.
"Wait lang" Sabi ko saka na pinatay ang tawag.

Tumayo na ako saka bumaba na kaagad akong dumeritso sa gate para pagbuksan siya ng pinto.

Tumambad sakin ang nagsusumamo niyang mukha saka ako tiningnan ng matiim.

Tipid akong ngumiti sakanya ,naglakad siya palapit sakin dahilan para umikot at paningin ko.

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon