CHAPTER 34

334 25 1
                                    

•SM_YEEL14•

MAG-AALASAIS na nang makarating ako dito sa bahay.

Kaagad akong lumabas sa kotse ko at dali-daling pumasok sa loob.
Pumanhik ako sa itaas 'tsaka dumeritso sa banyo.

Napatitig ako sa malapad na salamin at tinitigan ang sarili kong repleksiyon.

Naguguluhan ako kung sasama ba talaga ako kay Ivan mamaya.
Damn! Matapos ba naman na malaman ko ang lahat 'di ko na alam kung kaya ko pang manatili sakan'ya.

Alam kong nagawa n'ya lang ang lahat ng 'yon dahil sa'kin.

Kung tutuusin ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to . Naging matigas ang ulo ko sa sarili kong magulang ni pati nag-iisa kong kaibigan na si Mandy ay nagawa kong talikuran dahil sakan'ya.

Masyado akong nabulag ng pag-ibig.
Tama nga naman ang sabi ng mga tao.

'Kahit gaano ka pa katalino , pagdating sa pag-ibig lahat tayo'y nabobobo.'

Di mo naman mahuhusgahan 'yong tao, nagmahal lang naman s'ya. Oo nga't nagkasala pero 'di sapat na rason 'yon para kalimutan mo 'yong mga magaganda niyang ginawa sa buhay mo.

Nowadays, kasi gan'to ang ugali ng mga tao. Yong may nagawa ka lang na pagkakamali , habang buhay 'yon ang tatanawin nila sa'yo 'di nila tatanawin ang mabubuting ginawa mo.

Oo, sabihan n'yo nang magpapadala na naman ako sakan'ya pero kasi may pinagsamahan naman kami.

Di ko dapat tanawin ang kamalian niya ,ang pagkakasala n'ya kung pwede rin namang itama sa huli.

I know the kindness he has.
He's not going to harm me, not again.

Di ko namalayang naluluha na pala ako habang tulalang nakatingin sa salamin.
Agad kong pinahiran ang luha ko at pait na ngumiti.

'Yes ,I'm mad at you Ivan but I won't make you feel that you're a wrath on me.'

'You're good, you were just badly fell inlove .'

Kaagad akong pumasok sa shower room at naligo.
Binilisan ko na ang ginagawa ko du'n at mabilis na lumabas ng banyo at dumeritso sa walk-in closet ko.

Nagsuot ako ng isang black halter dress,yeah I really loved this.

Tinuyo ko na ang buhok ko at humarap sa salamin.

Nagtext sa'kin si Ace kanina na babalik muna daw s'ya ng US for a Grand Reunion.

Isang Royal Night kasi para sakanila.
It's good kasi di n'ya malalaman na sasama ako kay Ivan.

Lalabas lang naman kami at 'yon lang.
I already prayed na sana walang mangyayaring kakaiba sa gabing 'to.

Kahit ayaw man nila Mandy and Cami ay wala silang nagawa sa desisyon ko.

I just smiled nang maalala ko kung paano nila ako pinangaralan kung paano magself defense parang mga baliw.

Nakalimutan ata nilang magaling ako sa martial arts.
I mean---marunong lang pala.

Matapos kong ayusan ang sarili ko ay siya naman ang pagtunog ng doorbell sa labas.

Napatingin ako sa relos ko, alas syete na pala.

Kaagad akong tumayo at hinablot ang pouch ko at pinasok roon ang cellphone ko.

Bumaba na ako saka lumabas na ng gate.

Isang malapad na ngiti ang bumungad sa'kin mula sakanya.
Napangiti na lamang ako dahil sa napakaformal ng ayos niya.

"Goodevening my lady" malambing n'yang saad saka lumapit sa'kin at binigyan ako ng halik sa pisngi .

Mr.Irresistable (Unwanted Man) COMPLETEDWhere stories live. Discover now