NAGISING si Issa sa di pamilyar na amoy ng silid. Pagmulat ng kaniyang mata, una niyang nakita ang kulay putting kisame at pagbaling ng kaniyang tingin sa kanang bahagi ng kwarto ay nasilayan niya ang mukha ng lalaking minahal niya at patuloy niyang minamahal kahit masakit, kahit sobrang sakit.Ayaw niya sa amoy ng ospital. Dahan-dahan siyang umupo sa pagkakahiga. Nakatitig lamang sa kaniya si Andrei. Wari’y malalim ang iniisip.
“Where’s Papa?” tanong niya sa binata. Natuhan lamang ang parang natutulog nitong diwa nang magsalita siya at magtanong.
“Stay still, I’ll just call him” kalmadong sabi nito saka bumuntong-hininga.
Ilang minuto pagkatapos lumabas ang binata ay pumasok ang kaniyang ama sa silid.
Patakbong lumapit ang kaniyang ama sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Rinig niya ang mahina nitong paghagulgol.
“Pa? bakit ka umiiyak? Buhay pa ko huhu” pabiro niyang sabi sa kaniyang ama.
“Masaya lamang ako dahil maayos ang kalagayan mo, anak”
Parang may mali sa ikinikilos at ipinapakita ng kaniyang ama ngunit ipinagsawalang-bahala niya na lamang ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaniyang ama.
NANATILING nakayuko si Andrei habang malakas siyang sinisigawan ng kaniyang ama.
“First, you walk out from the dinner table in front of Chairman Fuentes and now you make a bigger mess! May sakit ang anak ni Chairman Fuentes and you should be careful when dealing with her. Hanggang kailan mo ba ilalagay sa kahihiyan ang pamilyang ito, Andrei?”
Nakakuyom ang kamay ni Andrei habang umiigting ang panga sa sobrang inis at frustration na kaniyang nararamdaman.
“Love, we should be thankful to Andrei because if not with him, baka mas may nangyaring masama kay Issa. He carried Issa to the nearest hospital” pagdidipensa sa kaniya ng kaniyang ina.
“Ayokong pakasalan si Issa. May iba na akong mahal, dad. I will marry her at wala na akong pakialam sa hindi ko makukuhang mana sa oras na sumuway ako sa’yo. I’ve had enough, dad. Two years is enough! Ayoko na!” matigas niyang sabi. Tumalikod siya at astang aalis nang bigla siyang tumigil dahil sa sinabi ng kaniyang ama.
“Hindi ikaw ang makakapigil sa pagiging president ko sa kompaniyang itinaguyod ng sarili kong dugo at pawis. You will marry her or else mamamatay ang babaeng minamahal mo. You choose, marry Issa or grieve at the lifeless body of that woman.”
Andrei’s world seems to shatter when he heard those grievous words from her own father. Hindi na niya kilala ang kaniyang ama.
--------
THREE weeks before the finals, I decided to go to the library para mag-review. Sa nakalipas na araw, nanatiling stable ang kalagayan ng puso ko. I barely felt those emotions na nanggagaling sa nararamdaman ni Issa.Napangiti ako nang makita ko na ang librong hinahanap ko. Nagulat ako nang may isa pang kamay na nakahawak doon. Mabilis kong hinila ang libro at mabilisang binuklat iyon upang masiguro kung iyon ang ang hinahanap ko. Hindi nga ako nagkamali. Nagulat na lamang ako nang may mahulog na papel mula roon. Parang pamilyar iyon saakin kaya mabilis na dinampot ko iyon ngunit may isang kamay nanaman na kumuha niyon.
Nainis ako ng sobra kaya tumingin ako sa may-ari ng kamay na iyon at natagpuan ko ang kaniyang mga mata. Hindi ko pansin ang mabilis na pag-amo ng aking mukha nang makita siya. Ang mga matang iyon.
Sigurado akong nakita ko na iyon. Ang kulay-brown niyang mata, ang mataas niyang ilong, ang mapula at maganda niyang labi, ang kaniyang sobrang itim na buhok, they’re all real to me and quite familiar. I know him, I’m not certain.
Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Rinig ko iyon. It was a spark of excitement, hope, and… pain? I was out of my league when I realize na wala na siya sa harapan ko. Napakura-kurap ako at hinanap siya sa paligid, sa kabuuan ng library na ito ngunit hindi ko siya natagpuan. Nasaan siya? Teka, was it part of my imagination? Guni-guni ko nga lang ba iyon? Or is it true? I hope that it was.
Parang nawala ang isip ko sa sana’y gagawin ko, ang mag-review. Hawak ko pala ang librong kanina’y pinag-agawan pa namin. Sa hindi ko malamang dahilan ay binuklat ko ang librong iyon at wari’y may hinahanap. Hindi ko alam ang nangyayari sa’kin. And right there, sa huling bahagi ng librong ito ay may nakasulat…
“LISSA, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
Natauhan na lang ako ng magsalita si Pan sa harap ko. Napakurap-kurap ako at napailing “Ah- ano nga ulit yon?”
Napabusangot naman siya at nagkunwaring parang umiiyak habang nakayuko at naka-pout. Parang baliw haha.
“Akala ko pa naman, nakikinig ka. Kanina pa kaya ako kwento ng kwento dito” nakabusangot niyang sabi.
“Sorry, Pan. Ang dami lang gumugulo sa isip ko. Wag ka na magtampo. May sasabihin ako sa’yo” sabi ko. Nagliwanag naman ang mukha niya at parang batang sabik na making ng kwento na tumingin saakin.
“’Wag mong sabihing magko-confess ka na sa’kin?” mahanging sabi niya. Mahina ko siyang binatukan. Napa-aray naman ang mongoloid.
“Seryoso kasi Pan.”
“Seryoso naman ako ah. Seryoso ako sa’yo hahahaha” hindi siya matigilan sa pagtawa.
“Kasi parang ibang-iba ka sa Pan na nakilala ko dati. Not in bad way ah. Mas gusto ko ang Pan ngayon. Dati kasi iba ka pagdating sa akin eh. Yung kung makatingin ka, parang may mali akong ginawa sayo. Pero di ka naman ganun sa iba nating kaklaseng babae. Saakin ka lang cold at masungit. Then here, I realize na di ka pala ganun kasungit lalo na pag naging kaibigan ka na. Di ko ineexpect na palatawa ka pala at makulit. And you’e also friendly.”
“Nukaba Lissa, you just don’t know me sooner. And ipapakilala ko sa’yo ang totoong Pan. Ang gwapo at mabait na Pan” sincre niyang sabi na sinundan ng pagtawa. Hinampas ko na lang siya sa kaniyang braso. Yung seryosong usapan, nagiging tawanan kapag si Pan ang kausap ko. Hmp. But I was really happy. My heart is really happy.
Suddenly, naalala ko ang nakasulat sa librong iyon. I don’t understand it because it was written in Spanish but it gives pain in my heart and at the same time… hope.
“Te dare mi amor no correspondido incluso en otro mundo”
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
RandomHave you ever watched a movie or series and pakiramdam mo, ikaw ang karakter na napapanood mo? Well me, I feel the character's emotions literally. It's been a week now since that series entitled "Unrequitted Love" was released. I've never watched it...