"DAY-OFF mo ba ngayon, Drei? Pero weekend ngayon kaya nakasisiguro akong may pasok ka" nagtatakang tanong ni Lissa sa asawa.Nasa loob siya ng opisina ng asawa at may kung ano-anong tinitignan at pinapakialaman. Inilibot niya ang kaniyang paningin saka umupo sa silyang nasa tapat ng table ni Andrei.
"Kahit kailan pwede akong magday-off" sambit nito habang hindi inaalis ang tingin sa sinusulat. Nakuha ang atensiyon ni Issa ng sinusulat ni Andrei.
"Ano ba 'yang sinusulat mo? Diary mo ba 'yan?" Dumukwang siya palapit para makita ang sinusulat ng asawa sa malaking notebook nito ngunit mabilis nitong naisara 'yon.
Napatingin siya sa mga mata nito at nagulat nang marealize na magkalapit na pala sila ng mukha. Mabilis siyang lumayo at halos hindi makatingin sa mukha ng asawa dahil sa hiyang nararamdaman. Malayo rin ang tingin nito at biglang napatikhim.
Tiningnan niya ang cover page ng libro at mahinang binasa 'yon
"Amor no Correspondido?"
"Bakit ba nandito ka sa opisina ko?" Mabilis na itinago ni Andrei ang kwaderno sa cabinet ng kaniyang desk.
"Nag-bake ako ng cake at cookies para sa bagong menu ng café ko. Gusto ko sanang tikman mo and bigyan mo ko ng suggestions." Ngumiti pa si Issa ng malawak para makumbinsi ang asawa.
"Hindi ako mahilig sa matamis." Naglakad na ito palabas ng bahay pero mabilis na sinundan ni Issa ang asawa at hinawakan ito sa braso.
"Eh bakit mo kinain ang brownies na ginawa ko para kay-- " mabilis na tinakpan niya ang bibig nang lumingon sa kaniya ang asawa at tinignan siya ng masama. Narealize din niyang hindi niya dapat sabihin iyon sa harap ng asawa dahil baka sungitan nanaman siya nito.
"Eh 'di sa kaniya mo ipatikim ang gawa mo" inis na sabi nito saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso nito.
Palabas na ito ng opisina nang harangan niya ang daan nito. Hinarang niya pa ang dalawa niyang braso sa daan nito.
"Andrei, please? Kahit ngayon lang, pwede bang pagbigyan mo naman ako?" pagkumbinsi niya sa asawa. Binaba niya ang dalawang kamay at ang kaniyang tingin. Hindi niya mapigilang lagyan ng ibang kahulugan ang tono ng pagkakasabi niya no'n.
Akmang tatalikod na siya at lalabas sa opisina nito nang hawakan nito ang kaniyang pulsohan. She was so shocked at Andrei's sudden actions. Hindi niya nagawang lumingon.
"Okay, I'll try it this time." Iwinaksi niya ang iniisip niyang ibang kahulugan sa sinabi nito maliban sa pagtikim ng cake na ginawa niya.
Wari'y may iba siyang pinapakahulugan.
-----
"LISTEN, Humanities and Psychology students. We will designate an assigned person sa bawat bus niyo. Remember that this is a Manila Tour, all that we will be engaged in should be related to your course of studies." Hawak ni Sir Marco ang mikropono habang nagsasalita sa harap.
Nasa short orientation kami bago pumunta sa kaniya-kaniya naming mga bus. Manila Tour today, this is a program sponsored by the Literature Department kaya si Sir Marco ang punong-abala sa bawat bahagi ng pogramang ito.
"Wala bang kasali na Business at Accountancy Department dito?" 'Di ko namalayan na nasabi ko pala ang tanong na dapat ay nasa isip ko lang.
"Ah, alam ko exclusive lang 'to para sa Humanities at Psychology students" tugon ni Ash sa tanong ko.
"We will conduct this tour for you to have a wider knowledge sa history ng literature natin. We'll go to historical library and museum. Lilibutin din natin ang kabuuan ng Intramuros. We have two days and one night to do everything. Enjoy while learning!"
Excited na ako dahil marami nanaman akong matututunan especially when it comes to Literature. Nasasabik na rin akong makakita ng mga aklat at pahayagan na mula pa sa sinaunang panahon.
"Lissa, may katabi ka na ba sa bus?" tanong ni Pan mula sa likod ko. Medyo nagulat pa ako sa presensiya niya dahil biglaan lang siyang sumulpot sa likod ko.
"Uhm tabi kaming tatlo ni Ash at Pen sa pantatluhang upuan pero kung gusto mo-- " naputol ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Stephanie sa tabi ni Pan.
"Pan, wala pa kong katabi sa bus, tayo na ang magtabi" mahinhing sabi ni Stephanie saka ipinulupot ang kamay sa braso ni Pan.
Wala na akong nagawa nang hilahin ni Stephanie si Pan sa bus nila. Lumilingon pa si Pan sa'kin pero wala na rin siyang nagawa at nagpatianod na lang din kay Stephanie.
NANDITO kami sa National Museum at kasalukuyang naglilibot. Sobrang namamangha pa rin ako kahit pangalawang beses ko nang punta rito. Nakukuha rin ng mga lumang bagay at kasaysayan ang atensiyon ko.
Medyo lumayo muna ko kina Pen at Ash para bigyang-laya ang sarili ko na ilibot ang paningin at tumingin ng iba pang featured artifacts dito sa museum. Nakuha ang atensiyon ko ng isang larawan.
Portrait ito ng isang lalaking seryoso ang mukha ngunit maamo ang katangian ng bawat detalye ng kaniyang mata, ilong at labi. Ang pagtitig ko sa mukha niya ay naghahatid sa puso ko sa ibang paraan ng pagtibok. Wari'y takot ito o pag-asa.
Bumaba ang tingin ko sa larawang nasa ibaba. Nakita ko na ang pang-ipit na iyon!
"Kuhang kuha ng nasa picture ang itsura ng iniregalo kong pang-ipit sa'yo."
Napatingin ako sa tabi ko ko, si Pan pala. Nasa'n kaya si Stephanie? Bakit hindi niya kasama?
"Baka ginaya lang talaga ang nasa picture no'ng gumawa. Para magmukhang antique talaga" sabi ko, iyon rin ang nasa isip ko.
"But I doubt it. Sigurado akong lahat ng tinda doon sa bangketang 'yon ay antigo. Hindi sila gumagawa ng peke. Sabi rin nila na ang nangongolekta ng mga bagay na 'yon ay mula pa sa kanuno-nunoan nila." Humawak pa siya sa baba at wari'y nag-iisip ng malalim.
"'Wag mo na lang masyadong pansinin. Ituon mo ang pansin mo sa mga bagay dito sa loob ng museum dahil gagawaan natin ng reflection paper ang mga 'yon." Tumalikod na ako sa kaniya.
Nang makalayo ako'y inilabas ko mula sa bulsa ng skirt na suot ko ang pang-ipit na kamukha ng nasa larawan kanina.
Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang kolorete sa buhok na nasa larawan.
NASA loob na ng simbahan ang ilan sa mga kasama ko pero 'di pa rin ako pumapasok. Hindi ko alam pero parang may humahatak sa'kin na manatili rito sa labas at huwag munang pumasok.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Dumagundong ang kulog at kidlat. Matindi ang sikat ng araw kanina ah? Bakit biglang uulan?
Kasabay ng malakas na kulog ay dumilim ang paligid at wari'y iniikot ako dahil sa hilong nararamdaman ko.
"Sa iyo ba ang panyong ito, binibini?"
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
RandomHave you ever watched a movie or series and pakiramdam mo, ikaw ang karakter na napapanood mo? Well me, I feel the character's emotions literally. It's been a week now since that series entitled "Unrequitted Love" was released. I've never watched it...