Unrequited Love 19

29 5 1
                                    


INIABOT ni Maria Yssa sa kaniya ang niluto nitong Mechado. Tinanggihan niya lamang ito.

“Yssa, ilang beses ko bang uulitin sa’yo na lubayan mo na ako. Wala akong balak suklian ang pag-ibig mo para sa’kin.” Tinalikuran niya ito at pilit itinago ang emosyong lumalabas at nakikita sa kaniyang mata.

“Sa tingin mo ba Andres ay gusto ko ang ginagawa kong pagbaba sa aking dignidad bilang babae dahil sa pag-ibig ko sa’yo? Hindi ko ito ginusto, sadyang ang puso ko ang nagdidikta sa’kin na gawin ang mga bagay na ikakasaya mo” wika nito habang pinupunasan ang luhang namalibis sa kaniyang mata.

Nasasaktan siya sa ginagawa niyang pagdurog sa puso ng dalaga ngunit ito ang nararapat para sa kanilang dalawa.

“Hi-hindi ko kailangan ang iyong pag-ibig. May iba nang may-ari ang aking puso. Iniibig ko si Josefina at siya ang nakikita kong mapapangasawa ko at magiging mabuting ina ng aking mga supling” sambit niya at tuluyang iniwang luhaan ang dalagang totoo niyang iniibig.

Dinig niya ang mahina nitong pag-hikbi na naghahatid ng sakit sa kaniyang puso.

Hindi maaari ang ating pag-ibig sa isa’t isa, Yssa. Makakahadlang ka lamang sa aking balak na paghihiganti.
-----

“DREW, do you somehow... write a poem?” tanong ko sa kaniya habang tinititigan ko siya ng maigi.

“Yes, I’ve actually write a lot of poem.”

“Nakapagsulat ka na rin ba ng isang love letter? Ay wala! ‘Wag mo na lang intindihin ‘yong sinabi ko.” May kutob kasi ako na baka siya ang nagsusulat ng kaparehong love letter na naglalaman ng tulad ng mga sinasabi niya sa’kin.

Kadalasan ay nababasa ko sa mga sulat ang mga sinasabi niya sa’kin ‘pag nagkakausap kami.

“Actually, I’ve already made a dozen for the one I love” sabi niya habang matamang nakatitig sa’kin. That stare brought a beat in my heart. Smooth…

“Lissa, nandito ka lang pala, kamusta ang pakiramdam mo?”

Napatingin ako sa pinagmulan ng boses, it was Pan.

Nakadako ang tingin nito sa kamay namin ni Drew na magkahawak. Mabilis na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Drew at tumikhim ng malakas.

“Uhm, maayos naman ang pakiramdam ko, Pan.” Tumayo na ako at mabilis na naglakad palabas ng bus.

“Thank you ulit, Drew. See you around” pagpapaalam ko saka kumaway kay Drew.

Naglalakad kami ni Pan pabalik sa hotel na inupahan ng school para sa pagkain at tutuluyan naming mga estudyante ngayong gabi. Medyo madilim na ang paligid pero nagsisilbing liwanag ang poste na nakalagay dito sa paligid ng dinadaanan namin sa Intramuros.

“Lissa, anong mayroon sa inyo no’ng anak ni Sir Marco?” tanong ni Pan, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.

Alam niya rin pala na anak ni Sir Marco si Andrew.

“Ah wala, kaibigan ko lang ‘yon si Drew” ngumiti na lang ako sa kaniya.

“Matagal na ba kayong magkakilala?” muling tanong niya sa’kin.

“Hindi, ngayong academic year lang. Siguro isang buwan matapos magsimula ang pasukan. Bakit?” balik kong tanong sa kaniya.

Nanlaki ang mata ko nang biglang inabot niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Gulat akong napatingin sa kaniya.

“Mabuti naman. You’re just friends pero hinahawakan na niya ang kamay mo so I guess hindi mo bibigyan ng malisya ang paghawak ko sa kamay mo since magkaibigan naman tayo, tama? At isa pa, magiging girlfriend din naman kita” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Ano bang pinagsasabi niya? Simpleng salita lang ‘yon pero nagdudulot ng paru-paro sa aking tiyan. Hindi ko na rin naitago sa kaniya ang aking ngiti. Hinigpitan ko ang pagkakasiklop ng kamay namin at patuloy lang kaming naglakad habang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

I felt so happy with Pan. Masaya ba si Issa ngayon kaya sobrang galak ang nararamdaman ko kasama si Pan? Itatanong ko nga kina Ash kung ano na ba ang nangyayari sa webseries na pinapanood nila. Sa ngayon ay hahayaan ko muna ang sarili ko na mawala sa sobrang sayang ipinaparanas ni Pan sa akin. Hindi ko sukat akalain na mula sa pagiging crush ko noon na ang sungit sa’kin, ngayon nama’y unti-unti na niyang ipinagtatapat sa’kin ang nararamdaman niya. Or was I just assuming? Pa’no si Stephanie? Engaged sila hindi ba?

Napailing na lang ako. My mind shouldn’t be bombarded with any negative thoughts and feelings especially ngayon na kasama ko si Pan. ‘Eto na ba yung tinatawag nilang crushback feels? Matagal ko nang isinantabi ang “Oplan Uncrushing Pan” magmula no’ng maging magkaibigan kaming dalawa and I guess, this is our start.

Medyo nalungkot ako nang mapansing nandito na pala kami sa harap ng hotel, gusto ko pa sanang makausap si Pan eh.

“Nandito na pala tayo sa hotel, mauna na kong pumasok sa loob” sambit ko at nagpaalam na sa kaniya. Papasok na sana ako nang pigilan ako ni Pan.

“Lissa, I can’t wait for tomorrow to come to tell you this.” May dinukot siya sa kaniyang bulsa.

“Lissa, matagal na kitang gus--”

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon