Unrequited Love 18

25 5 2
                                    


NAPAKURAP sa gulat ang dalaga nang makita ang lalaking matagal na niyang hinahangaan sa kaniyang harapan. Ang mga ngiti nito ay nagdudulot ng liwanag sa paligid.

“Sa’yo ba ang panyong ito, binibini?” magalang nitong tanong.

Nasa harap sila ngayon ng simbahan ng San Agustin at katatapos lamang ng misa.

Napatingin siya sa kulay berdeng panyo na hawak ng matipunong binata. Mabilis na kinuha niya sa palad nito ang kaniyang panyo at sa di inaasahang pagkakataon, nasanggi ng kaniyang hinliliit na daliri ang mainit nitong palad na naghatid ng munting tibok ng kaniyang puso dahil sa kaba.

Itinakip niya sa kaniyang mukha ang pamaypay niyang abaniko upang itago ang namumula niyang mukha.

“Ma-maraming salamat, ginoo” iniiwas niya ang kaniyang tingin.

“Walang anuman ‘yon. Lubos akong nagagalak na ako’y nakatulong. Kailangan ko nang humayo” nakatalikod na ito sa kaniya at paalis na nang ibigay niya ang kaniyang pangalan.

“Ako nga pala si Maria Yssa” pakilala niya.

Lumingon ito sa kaniya at inilahad ang kamay, “Andres ang aking ngalan.”

Hindi na nito kailangang sambitin ang ngalan nito sapagkat lubos na alam na iyon ng dalaga. Mas lalo pa niyang hinangaan ngayon ang ginoo dahil nasilayan na niya ng malapitan ang kakisigan ng binata.

Lumingon lingon siya sa paligid upang alamin kung may nakakakita sa kanila. Labis siyang nahihiya sa presensiya ng binata.

Iniabot niya ang kaniyang kamay at mabilis ding inagaw. Tila nakuryente siya sa pagkakahawak sa kamay nito.

“Masaya ako’t nakilala kita Binibining Yssa. Magandang umaga sa’yo” magalang nitong saad at tinanggal pa ang sumbero nitong itim at inilagay iyon sa kaniyang dibdib saka yumukod.

Napakamaginoo niyang lalaki. Bulong ni Yssa sa kaniyang isip.

-----

“MELISSA…”

Niyakap niya ako ng mahigpit at pagkalas ko sa yakap, si Drew ang tumambad sa harap ko. Kamukhang kamukha niya ang lalaki sa panaginip ko at ang lalaking nasa larawan sa loob ng museo.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Kuhang-kuha ng mukha niya ang mga maliliit na detalye sa itsura ng lalaking nasa panaginip ko. Ang mukha niya lang ang naaalala ko.

“Did you dream of something?” tanong niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Pa’no niya nalaman? Umiling lang ako at binago ang usapan.

“Paano ka pala nakapunta dito, ‘dba Business student ka?” tanong ko.

“Uhm well, sinama ako ni dad.”

“Dad? Sino?”

“The Literature Department head” saad niya bago kumuha ng tubig at iabot sa’kin. Nasa loob pala kami ng bus pero ‘di ito ang bus namin. Mas maganda dito at mas komportable.

“You mean, Sir Marcus Torres? Si Sir Marco?” nanlaki ang mata ko. Ama niya pala si Sir Marco kaya pala gwapo din siya kagaya nito.

“Yeah” sambit niya saka ngumiti sa’kin. “Nakita kita sa labas ng church na parang matutumba na kaya sinalo kita at dinala dito sa bus namin.”

Napatango na lang ako.

“You owe me thrice” sabi niya sabay kindat.

“Thrice? Pangalawa pa lang ‘to no? Ang una ay yung bigla ka na lang sumulpot sa library habang nakatungtong ako sa silya” pagpapaliwanag ko habang binibilang sa daliri ko at pinapakita sa kaniya.

Tumawa lamang siya. Ang ganda niya tumawa…

“The first time I saved you was when you faint in your classroom.”

Pilit kong hinalukay ang memorya ko sa sinabi niya. Napaisip ako ng sobrang igi.

“Aha! Naalala ko na. Kaya pala nagising na lang ako na nasa infirmary na ko. Pero ikaw pala ang nagdala sa’kin? Akala ko kasi si Pan, siya kasi ang nakita ko paggising ko.” Bakit parang disappointed ako sa nalaman ko? Kinilig pa naman ako no’n kay Pan.

“That time, hindi mo pa ko kilala. Kahit ngayon, hindi mo pa 'ko nakikilala.”

Hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi dahil pabulong ito.

“Ano ulit ‘yon?” paglilinaw ko sa sinabi niya.

Ngumiti lamang siya at hinalikan ang likod ng kamay ko na hawak niya saka ngumiti.

“Wala! Ang sabi ko, hindi lahat ng nakikita at nararamdaman mo ay totoo. You should know what’s real or not. Sometimes, you trust what’s inside your door but what about what and who’s behind it?”

Napanganga ako sa sinabi niya. Para siyang makata kung magsalita. Naging curious tuloy ako.

“Drew, do you somehow... write a poem?”

_________________________

A/N:

Short update for today❤
Hope you guys like it.
Votes and Comments are so much appreciated.

Clarification about the Characters:

Main Lead:
Melissa Fuentes (Lissa)
Panther Monteverde (Pan)

Second Lead:
Andrew Fontanilla (Drew)

Third Lead:
Stephanie Flores

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon