Not a Happy Ending
MY heart beats wildly as I stare at the man in front of me. Halos walang nagbago sa kaniya. His features are just the same. He looks professional in his dark green polo shirt covered with black suit and slacks. His hair was waxed in the side. May bitbit siyang isang suitcase.
He just stood there, unconsciously staring at the halfly constructed building, kung nasaan ang hardin dati. Halatang malalim ang kaniyang iniisip dahil sa kislap ng mga mata niya.
Nakakunot ang noo niya nang magtama ang tingin namin. Hindi ko narealize na matagal na pala 'kong nakatitig sa kaniya. Iniwas ko ang tingin ko at tumikhim. I was dumbfounded.
"Andrew..." I trailed off, searching for the right word to say. My heart was beating so loudly because of too much enthusiasm; I can almost hear it. It's been so long since I last saw him.
"What? How did you know my name? Who are you?" nakakunot ang noo at nagtataka niyang tanong sa'kin kapagkuwan ay iniwas ang tingin.
Napatigil ako nang marinig ang sinabi niya.
"I- I'm Melissa, w-we know each other back then uhm..." nauutal-utal ako, being nervous by his presence. Totoo ba ang sinasabi niyang hindi niya ako kilala? I bit my lower lip to suppress myself from too much panic invading my being.
Nanatili siyang nagtataka at idinako muli ang tingin sa'kin, he probably thinks that I'm crazy.
"Excuse me miss, but I don't know you. You probably got the wrong--" natigil siya sa sasabihin nang may isang lalaking umakbay sa kaniya. The same age as him.
"Fontanilla, kung saan-saan ka nagpupupunta." Tumingin ang lalaki sa'kin. "Oh, ipakilala mo naman ako sa magandang babae dito. Hi I'm Jay," pagpapakilala ng kasama niya. "May importante lang kaming aasikasuhin kaya nandito kami sa site. By the way, Engineer ka ba dito?"
Hindi ko na nasagot ang tanong ni Jay dahil hinila na siya ni Drew papasok ng site. I blink twice. What was that?
HINDI ako mapakali habang nakahiga sa kama ko. I was really trying to get some sleep pero mailap ang antok sa'kin. Napatitig na lang ako sa kisame. The same face and same name but different from the Drew that I've known before. He was quite rude and snob, taliwas sa mabait at palangiting Drew na nakilala ko noon. Siya nga ba talaga si Drew?
MABILIS kong tinapos ang mga gawain ko sa office. Kailangan kong puntahan si Drew. Nakuha ko ang business card niya mula kay Jay. Kung totoo mang nawala ang alaala niya, kailangan kong ipaalala ang lahat sa kaniya. Just like what he did before, gagawin ko ang lahat para maibalik ang mga alaalang nawala sa kaniya. Our fate may be the biggest obstacles we'll face but I'm ready for it as long as I have him. Hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa'kin, not today, not ever.
Tumambad sa'kin ang isang malaking Corporate building. I was about to get out of the taxi when I saw him coming. Nataranta ako, hindi ko alam ang gagawin. I decided to sit back at the taxi. I saw him entering an elegant black Lexus car. He had this poker face on his face.
"Kuya, pakisundan na lang po 'yung sasakyan na 'yon. Dodoblehin ko na lang po ang bayad." Itinuro ko ang sasakyang sinakyan ni Drew.
I was getting nervous as time goes by.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking ospital. Nagmamadali akong iniabot ang bayad sa driver at nagpasalamat. Wala na akong sapat na oras para kuhanin pa ang sukli. Nagtago ako sa malaking puno sa gilid nang makita siyang bumaba mula sa sasakyan.
Dire-diretso siyang naglakad. Nagtatago ako kapag napapahinto siya minsan at lumilingon. Daig ko pa ang stalker sa ginagawa ko. Magpapakita din naman ako eh, humahanap lang ako ng tamang tiyempo para kausapin siya.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
RandomHave you ever watched a movie or series and pakiramdam mo, ikaw ang karakter na napapanood mo? Well me, I feel the character's emotions literally. It's been a week now since that series entitled "Unrequitted Love" was released. I've never watched it...