Prologue

44 6 2
                                    

Isang dalaga ang kumatok sa pintuan ng isang bahay. Kumatok sya ng tatlong beses bago ito bumukas.

"Hi! Kanina pa kita hinihintay" bati ng isang gwapong lalaki. "Tuloy ka" nilakihan nya ang bukas ng pinto upang makapasok ang dalaga.

Kahanga hanga ang kanyang kutis at morenang balat dahil sa matinding sikat ng araw pag sya ay nabibilad. Matikas ang kanyang tindig. Katamtamang haba ng buhok na lumagpas ng kaunti sa kanyang balikat. Kulay chocolate na mga mata at manipis na labi na bitak bitak pa.

"Hi" bati ng dalaga sa lalaki. Binitawan nya ang kanyang malaking bag na puno ng damit. "Second Lieutenant Dakota Ludovice" formal na pagpapakila ng dalaga. Na sa edad 24 ay nagsisilbi na sa bayan.

"Hi im Alyster Erikson... Welcome. You will be living with me from now on, give me your bag I'll help you. Dadalhin kita sa kwarto mo" saad ni Alyster na malamlam na nakangiti.

Naramdaman agad ni Dakota na welcome sya sa bahay na iyon dahil sa mga ngiti ni Alyster. She felt at ease. Kinuha ni Alyster ang bag at umakyat sila sa second floor para dalahin si Dakota sa magiging kwarto nito.

Binigyan si Dakota ng temporary force leave dahil sa kanyang kaso at kinailangan nyang magpunta sa mental hospital na mismong mga magulang nya ang may gusto ngunit hindi pumayag ang kanyang doctor.

"Anak ka ni Doc Emilia?" Tanong ni Dakota.

"Yup... And ako yung makakasama mo dito sa bahay. Ayaw nyang ipadala ka sa mental hospital or sa kahit anong psychiatric institution...but still you need surveillance... And that's my job. To observed you" paliwanag ni Alyster

"Psych ka din?" Tanong ni Dakota

"Hehehe... Parang ganun pero parang hindi?" Natatawang saad ni Alyster. Hindi man sya nagkaroon ng degree sa psychology ay alam nya ang bawat sulok nito. Simula pag kabata ay exposed na si Alyster sa psychology dahil sa kanyang ina. Simula DSM 1 to 5 ay aware sya. Kahit sa mga psychological test, counseling at iba pa. Nasa doctor degree ang kanyang kaalaman but without a degree academically.

"So we are doing illegal? Wala kang degree sa psych pero ikaw nag observed sa akin? So anong kinuha mo sa college?" Tanong ni Dakota

"Well...  Music and arts" saad ni Alyster

"Wow..." Napahanga si Dakota sa narinig dahil wala syang alam sa music.

"Here's your room" saad ni Alyster na binuksan ang Pinto at pumasok silang dalawa. Napansin nya na nag dalawang isip si Dakota na pumasok. "I'm 25 years old,  one year older than you... We're living here from now on so I want to welcome you. Anong gusto mong kainin? Ipag luluto kita" tanong ni Alyster

"Ako marunong ako mag luto. Let me cook" saad ni Dakota na halata ang pag kaexcite sa mukha.

"Sure" ibinaba ni Alyster ang bag sa kama at muli silang bumaba deretso sa kusina.

Tahimik na nag luluto ang dalawa at para mabasag iyon ay nagsalita si Alyster.

"Can I call you Dakota? Or want me to call you second lieutenant?" Tanong ni Alyster

"Dakota... Hindi ako army pansamantala habang nandito ako sa inyo" sagot niya

"Bakit ka pumasok sa Army?" Tanong ni Alyster out of curiosity.

Pansamantalang napaisip si Dakota "is it weird because I'm girl?"

"Ah no of course not. I'm more interesting na nasa army ka bilang babae" saad ni Alyster.

"Pakain!"

Nagulat si Dakota at Alyster ng biglang may nagsalita sa likod nila.

"Luke!" Gulat na bulyaw ni Alyster.

When The Darkness ComesWhere stories live. Discover now