Kabanata 2

5 3 0
                                    

Dakota's pov

I mean naiintidihan ko pero ayaw tanggapin ng utak ko.

Kaya ba tinanong nya kung anong pakiramdam nang tumanda? 

"Wag kang malungkot dahil kahit naging sandali lamang ang itinagal ko sa mundo ay naging masaya ako. Masayang masaya." Nakita ko sa mga ngiti nya na kahit masaya ay may pag sisisi pa din.

"..." Tinignan ko lang sya habang nag hihintay ng mga sususnod nyang sasabihin.

"Ang nararanasan mong lagnat at sakit sa katawan ay dahil sa aking mana... Sobrang taas ng aking mana kaya hindi na kinakaya ng aking katawan" saad nya

Ah... Para syang appliances na pang 110 lang pero sinaksak sa 220 kaya nag overheat at biglang sasabog.

Inabot nya sa akin ang isang hairclip na may crystal na kulay puti.

"Makakatutulong sa iyo ang ipit na iyan. Sa pagbalik mo ay hihigupin ng crystal ang sobrang mana sa iyong katawan. Ngunit sapat lamang upang ikaw ay makatayo at makapag lalakad lakad. Ibinigay ang ipit na iyan ng isang ginoo sa akin?" Saad nya

"Sinong lalaki? Hindi ka dapat nakikipag usap sa mga hindi ko kilala" sabi ko sa kanya

Umiling sya as if she's sorry. "Ang natatandaan ko lang ay may purselas sya na tila may mga bituin sa loob" tumayo sya. Kinuha nya ang kamay ko at hinila.

Tumayo ako.

Mag kahawak kamay kaming dalawa habang nag lalakad.

"Kapag nagamit mo na ang crystal ay hindi mo ito maaring ibigay kahit kanino. Kahit maliit lamang iyan ay maari pa ring gamitin ng mga mapang lamang sa kapang yarihan ang kristal." - Rory

"Okay" saad ko habang tumatango.

"Ang mana na mahihigop ng kristal ay maaring gamitin ng isang buong kaharian ng isang taon sa pang araw araw na pamumuhay o kahit sa digmaan" saad muli nya

"Oooh... Wow" napahanga ako sa narinig ko

Para akong may hawak na nuclear kung ganun. Pero wait... Ang sabi nya kanina ay maliit na porsyento lang ang mailalagay dito.

The heck! So paano pa pala yung 100% na mana na nasa katawan nya?

"Paalala binibining Dakota... Huwag kang gagamit ng mahika" saad niya ulit

Of course. Gosh pwede Kong mabura sa mapa ang China kung sakaling mag magic ako. Para ko na din silang binomba ng nuclear ng isang daang beses.

Actually baka di lang China ang mabubura kundi ang buong asia.

Nakakatakot ang kapangyarihan nya.

Naalala ko.  Sa libro na binasa ko ay hindi nilibing si Rory ng kanyang ama. Kundi inilubong ang kanyang labi sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan.

Ito ang dahilan. Maari pa ding magamit ang mana nya sa katawan kahit sya ay patay na.

Kaya ng nalaman ng empirador ang tungkol sa labi ni Rory ay pinahanap nya ito sa bawat sulok ng karagatan ngunit wala silang nakita.

Kahit anong torture ang ginawa nila kay Baron Montaya ay hindi ito nag salita. Kahit ng pupugutan na sila ng ulo.

"Rory. Anong kailangan mo sa akin?" Diretso Kong tanong

Humigpit ang hawak nya sa aking kamay.

Ngunit bago nya pa man ako masagot may dalawang pinto na mag katapatan ang bumungad sa amin.

Pinto lang. Literal. Walang bader, walang nasa likod.

Ngunit ang pumukas sa attention ko ay sa kaliwang pinto ay naaaninag ko ang aking sarili na nakahiga sa kama, sa bahay ni Alyster at mahimbing na natutulog.

When The Darkness ComesWhere stories live. Discover now