Kabanata 1

13 3 0
                                    

Isang libong taon na ang nakakalipas mula nang maganap ang digmaang pandaigdigan laban sa hari ng kadiliman na nagising mula sa malalim na pagkakahimbing. Ang pag labas ng mga halimaw at pagkasira ng hiyas ang dahilan ng pagkagunaw ng mundo.

Ngunit sa Kabila ng pagkasira ay unti unting nakabangon ang mga tao at bumalik sa muling pagkakaayos nito.

Sa loob ng isang libong taon ay napakaraming nag bago. Muli, ang tao ay nasa ginta na naman ng digmaan.

Hindi na laban sa halimaw kundi sa mismong kauri.

Hindi kauyusan ang pinaglalaban ngunit kapangyarihan, teritoryo, at kayaman ang pinag-aagawan.

Sa digmaang ito, isang pangalan ang namamayagpag.

Duke Rohan Cora Veldandi

Nasa dugo ng Veldandi ang pagiging mandirigma. Kinatatakutan sa gitna ng digmaan. Sa tuwing tutuntong ang kanilang paa sa labanan ay hatid ang tagumpay.

Bukod sa pambihirang lakas ay kilala ang pamilyang Veldandi bilang kanang kamay ng empirador. Kahit bilang isang maimpluwensyang pamilya ay hawak sila sa leeg ng Hari at mananatiling tapat.

Isang malupit na pinuno ang tingin ng maraming tao kay Duke Veldandi base na din sa mga bali-balita. Siya din ang nakatakdang ikasal sa kaisa isang prinsesa ng imperyo.

Isang araw ay may kumalat na epidemya. Apektado ang buong kaharian sa sakit na unti unting kinikitil ang buhay ng mga tao.

Inutusan ng hari ang Duke na gawaan paraan upang hindi na tuluyang kumalat ang sakit. Ibinaba ng hari ang utos na kahit tumututol ang Duke ay wala syang nagawa.

Bilang isang tapat na alagad ng hari ay sinunod ng Duke ang nais nito.

Nilikom ng Duke lahat ng may sakit sa iisang bayan na pinaka malayong parte ng imperyo.

When The Darkness ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon