Kabanata 5

4 1 0
                                    

Limang araw na ang nakalilipas mula ng dumating si Luke sa aming tahanan na sugatan at walang malay kasama ang kanyang mga sundalo.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din sya nagigising.

Pinag mamasdan ko ang kanyang magandang mukha. Walang pinag iba. Sya pa din ang lalaking tinitilian ng maraming babae tuwing sasayaw o kakanta.

Nais tumulo ng aking luha.

Ang akala ko ay ako lang ang napunta sa lugar na ito. Walong taon akong narito. Inaakala na nag iisa lang ako.

"Bakit ngayon ka lang dumating Luke? Akala ko ako lang mag isa dito sa mundong to" bulong ko habang pinag mamasdan ang kanyang magandang mukha na payapang natutulog.

Sa pag titig ko sa kanya ay napansin Kong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Takot? Saya? Pag kamangha? Hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin.

Bakit sa dami dami ng tauhan sa kwento eh sa kontrabida ka napunta?

Alam mo bang mamamatay ka? 

Mamamatay tayong dalawa.

Bahagya akong lumapit sa kanya para ma mapunasan ang butil ng pawis na tumulo sa kanyang noo.

"Kung alam ko lang. Sana'y hinanap kita agad..." Kinuha ko ang bimpo sa tabing mesa at inilapat sa kanyang noo saka marahang pinunas. "Uuwi tayong dalawa... Pangako." Saad ko

Ngunit ikinagulat ko ng hawakan nya ako sa braso gamit ang kanyang kaliwang kamay at ang kanan nya ay nasa aking leeg. Marahan nyang diniin ang pag kakasakal sa akin.

"Sino ka?" Nakakunot ang kanyang noo habang tinatanong ako.

Hirap akong makasagot dahil sa pag kakasagot nya sakin. Hirap na hirap din akong huminga.

Inaalis ko ang kanyang kamay ngunit walang epekto dahil sa lakas na taglay nya.

"Ah!" Pinilit Kong humigop ng hangin hangga't maaari.

Hindi sinasadyang tumama ang mata ko sa kanya. Nanlamig ang aking katawan sa takot.

Ang lalim ng mga mata nya. Walang emosyong makikita. Parang walang laman sa loob. At doon ko na pag tanto.

Hindi sya si Luke.

Tsk

Mamamatay na ata ako?

Hindi!  Hindi pwede!

Gamit ang bimpo na hawak ko, malakas Kong hinampas ito sa kanyang mukha dahil mas mahaba ang kanyang mga braso kaya hindi ko abot ang kanyang mukha.

Alam Kong hindi sya masasaktan sa piraso ng tela ngunit hindi iyon ang intensyon ko. Kailangan lamang ay maalis ang kanyang atensyon sa akin.

"AAAAAAAHHHHH!" Sigaw nya sa sakit ng sipain ko ng pagkalakas lakas ang kanyang tagiliran na inoperahan.

Dumugong muli ang sugat.

Binitiwan nya na ako. Mabilis ako lumayo at humigop ng hangin. Umubo ako ng umubo habang hawak ang aking leeg na tila nabali ata sa higpit ng hawak nya.

"Duke! Rory!" Malakas na pag bukas ng pinto at sigaw ni ama ang narinig ko kasama ng ilang mga sundalo.

"HENERAL!" sigaw ni Percival ng makita nya ang pagdurugo ng sugat ng Duke

"Anong nangyayari dito?" Inalalayan ako ni ama.

"Nasaan tayo Percival?" Tanong ng General habang naka ngiwi pa din ang mukha dahil sa sakit.

"General.  Tayo ay nasa tahanan ng mga Montaya. Tinulungan ka nilang umiwas sa iyong kamatayan" saad nya ng natatarantang kawal.

Pinilit ni Rohan tumayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Darkness ComesWhere stories live. Discover now