CHAPTER 8

331 13 1
                                    

Zeria's POV

Nang makaalis na silang lahat naiwan nalang ako dito sa kwarto kasama si Chloe na busy maghiwa ng mansanas.



Hindi ko nalang ito pinansin at kinuha ang cellphone ko na nasa lamesa sa tabi ko at naglaro nalang ng PUBG. Uso kaya ito dito sa mundo nila? May naglalaro kaya nito dito?



"Ay, potek ang bobo naman ng mga kakampi ko! Bwisit, ayoko na maglaro!" Sigaw ko ng pinabayaan lang ako ng mga kakampi ko mamatay. Aish!



"Hoy, laro lang 'yan ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Chloe ng mapansin niyang inis na inis na ako dito sa nilalaro ko.



"Hoy!"



"Ayaw mo ko pansinin ah," rinig kong sabi niya at nagulat nalang ako ng biglang may kumuha ng cellphone ko.


"Hoy! Anong ginagawa mo? Baka mamatay ako! Ibalik mo na yung phone ko," sabi ko sa kanya habang sinusubukan iabot 'yung phone ko sa kanya.




"Hindi, maguusap tayo. Feeling ko ang tagal tagal na natin 'di naguusap eh, feeling ko din marami kang dapat sasabihin sa akin," sabi niya at tinago na ang phone ko sa bulsa ng pants niya.



Hindi pa naman ganun katagal nung huli kaming nagkita ah. Ano miss na miss lang?




"Tsk, maraming dapat sabihin? Katulad ng?" sabi ko habang tinititigan ko siya.




"Ano meron sa inyo nila Silver and Greek?" tanong niya sa akin kaya napalingon ako kaagad sa kanya. Anong meron sa amin? Ano nga bang meron sa amin? Wala naman ah.




"Sa amin? Wala naman ah. Si Greek kaibigan ko. Si Silver naman, malay ko 'di naman kami close gaano eh." I replied.



"Hindi close? Eh bakit masyadong alalang alala yun sa'yo? Silang dalawa pa talaga ah, nako friend haba ng buhok mo ah, abot sa mortal world grabe," sabi niya habang tumatawa pa. Baliw na ata itong kaibigan ko.




"Alam mo ba, ang tagal na nung huli kong nakitang ganun si Kuya. Ang tagal na nung huli ko siyang nakitang magalala ng sobra dahil sa isang babae na hindi naman namin kadugo o 'di kaya ay kaclose," paliwanag niya sa akin.




"What do you mean? Eh nung naaksidente si Pearl sobra magalala 'yun noon ah," I replied. Totoo naman eh, grabe halos liparin niya na nga 'yung hallway noon makarating lang kay Pearl.




"Of course he will be so concern because Pearl is his bestfriend. I'm talking about something else, like yung pagalala mo pag gusto o mahal mo yung isang tao. Tsk, nevermind," She replied then gave me the apple she was slicing before.



"Iba yung pagaalala niya sa akin ngayon keysa sa pagalala niya kay Pearl dati?" Tanong ko sa kanya habang kinakain 'yung mansanas na bigay niya.




"Wala, nevermind. Baka may masabi pa ako lagot ako kay kuya hehe,"


Bilis naman magbago ng pagiisip nito. Parang kanina kung ano ano pa pinagsasabi niya sa akin. Ginulo niya tuloy yung utak ko. Kung ano ano na tuloy iniisip ko ngayon.




Anong ibig niyang sabihin na ang tagal na daw nung huling nagkaganun si Silver? Ibig sabihin nagalala na din siya ng sobra sa ibang babae dati. Luh, ano bang pake ko? Si Chloe kasi eh kung ano ano kinukwento napapaisip tuloy ako bwisit.




"Malapit na pala yung Foundation day. Nakapagpractice ka na ba?" tanong bigla ni Chloe.




"Hindi pa, hindi ko pa nga alam kung ano nga bang kapangyarihan ko tsk, dahil sa aksidente na ito 'di ko tuloy magawa 'yung mga gusto kong gawin ngayon," sabi ko sa kaniya sa sobrang inis. Malalagot talaga sa akin 'yung mga nagkulong sa akin sa bodega na 'yun.



Enchantria Academy ||On-going||Where stories live. Discover now