CHAPTER 16

269 11 0
                                    

ZERIA'S POV

Lumingon ako sa kanila isa-isa pero nakatingin pa rin sila doon sa direks'yon na 'yun. Onti nalang makarinig na ako ng background music dito habang nakatingin sa kanila eh. 'Yung mga itsura kasi nila 'yung parang sa mga napapanood kong movie tuwing nandy'an na 'yung mga superheroes. Ok lang ba sila?




"Hoy! Umayos nga kayo. Tinatakot niyo ako eh," sigaw ko sa kanila kaya naman nakuha ko na ang atensiyon nila. Tumingin sila sa akin at umiiling-iling pa. Napansin ko namang naglalakad si Silver papalapit sa akin. Nang makatabi na siya sa akin ay nagsimula na siyang magsalita.




"That's where the Tenebrous located," wika niya at tinuro pa ang direks'yon papunta sa timog. Kahit naman hindi niya ituro ay kanina ko pa alam. Pusangina ilang minuto ba naman silang nakatitig doon, isama mo pa na halos kita din dito ang palasyo nila. "It's where the enemies are. They live there, they plan their evil schemes on us in there and other evil stuff they can possibly do. It is ruled by Queen Catastrophe. I'm not even sure if that title really suits her but she is evil, really evil. I almost think that she is Satan in disguise," wika niya at napangiwi pa sa sariling sinabi. Gaano naman kaya kademonyo 'yung babae na 'yun para masabihan siya ni Silver ng ganun?




"You looked like you wanted to kill her already. I can see rage in your eyes. Ano na ba mga pinaggagagawa niya?" I suddenly asked. Hindi naman sa pagiging chismosa pero parang ganun na nga. Habang naghihintay ng sagot ay nahagip ng paningin ko ang mga kasamahan ko na tila ba ay may parehas na ekspresiyon katulad kay Silver ngayon. Puno ng lungkot at galit ang mga mata nila. Puno ng paghihiganti. Para bang nararamdaman ko 'yung mga nararamdaman nila ngayon.




"Any evil schemes you can probably think of right now tsk, I'm sure she probably have done that already. She can manipulate your mind. She can let you drown in your own fear. She can basically control you," sabi ni Silver at umiwas na ng tingin sa palasyo at tumingin nalang sa ilog at sumandal sa may tulay.  Wait, ano daw? She can control you?




"He almost killed me back then," rinig kong sabi ni Chloe kaya agad akong napatingin sa kan'ya. Silver almost killed her? Woah, she can really manipulate you huh. "Pumunta ba naman kasi bigla mag-isa sa Tenebrous because of something he wouldn't tell us. Tsk stupid," pang-aasar ni Chloe sa kapatid niya kaya naman tinignan ito ng masama ni Silver. "Ok, that's all for today. I think we should head back to the academy already and figure  things out," wika ni Chloe at naglakad na papaalis sa tulay. Agad naman silang sumunod sa kaniya pero nanatili lang ako dito sa tulay para tignan ulit ang mga palasyo saglit.




Kaya ko ba 'to? Nararapat ba ako dito sa posisyon ko ngayon? Aaminin ko, hindi ako katulad nila na sobrang galing at sanay sa pakikipaglaban pero bakit? Bakit ako nandito ngayon? Kung tutuusin nga bago pa lamang ako dito sa eskwelahan na ito pero nandito ako ngayon at kasama sila ngayon. Marami ngang mas magaling pa sa akin pagdating sa pakikipaglaban pero bakit hindi sila ang napali at ako pa ang napili? It's not that I'm doubting my own capabilities, but its true though. I don't belong in here. I can't do this. I don't have the courage to fight. I'm scared... I'm scared that I might fail them. Do I... really belong in this group?




"You ok?" napalingon naman ako sa nagsalita sa tabi ko. Silver looked concern and confused at the same time. Nginitian ko lamang ito at tinanguan. "It doesn't seem like it," wika niya at tumabi pa lalo sa akin.





"Hmm, I'm just thinking about something," paliwanag ko sa kaniya. "What is it?" tanong niya sa akin at nararamdaman kong nakatingin na siya sa akin ngayon. Nilingon ko naman ito at nagpaliwanag. "I don't know. I don't get it tsk, I don't get this. Why am I here? Do I really belong in this group? I might fail all of you, what am I gonna do? I'm scared of what might people think of me," sunod-sunod na tanong ko sa kaniya at nakita kong wala man lang siyang reaks'yon sa sinabi ko at umiwas nalang ng tingin sa akin.  It's not that I'm expecting him to confort me or say inspirational words to me kasi duh, he's the literal version of man of few words.




Enchantria Academy ||On-going||Where stories live. Discover now