CHAPTER 15

277 12 0
                                    

ZERIA'S POV

Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Silver. Kahit isa wala atang pumasok sa utak ko at inintindi 'yun. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nung mga 'yun. 'Di ko din alam kung anong iniisip niya at nasabi niya 'yung mga 'yun. Parang nung isang buwan ay sinabihan niya akong lumayo sa kaniya, wag ko daw siya kausapin, wag ko siyang pansinin pero heto siya ngayon at bigla akong niyakap at nagsabi ng kung ano-ano.




Masiyado mo ng ginugulo 'yung utak ko Silver, hindi na maganda 'to.




Umiling nalang ako at biglang sinampal ng dalawang kamay ang magkabila kong pisngi.




"Umayos ka nga, Zeria," bulong ko sa sarili ko. Alam ko namang wala lang 'yung mga sinabi ni Silver. Alam kong wala 'yung ibang ibig sabihin. Baka gusto niya lang talaga humingi ng tawad pero... bakit may sinabi pa siya na magbibigay na daw siya ng oras para sa akin? bakit sinabi pa niya na piliin ko daw ulit siya? bakit sinabi niya din na... kakantahan niya din daw ako sa rooftop? Tsk, kalokohan.




Nako, Silver Rix Firioner! Ginugulo mo 'yung utak ko, bwisit kang unggoy ka! Aish!




Umiling na lang ulit ako at napagdesisyunan ng sumunod kala Chloe at baka kung saan-saan na pala sila nakarating. Naglakad na ako paalis ng main building at dumiretso na sa gate ng academy.




"Oh, nand'yan na pala si Zeria eh!" rinig kong sigaw ni Xeon at tinuro pa niya ako nung makita niya akong papalapit na sa gate. Tumingin naman silang lahat sa akin.




"Bakit ang tagal mo?" tanong sa akin ni Anetina at nakatitig pa sa akin na parang may inuusisa. Grabe naman 'tong tingin niya, para bang may ginawa akong kasalanan grabe!




Bigla naman akong napatigil sa paglalakad at napatingin sa kanila nung tinanong bigla ni Anetina 'yun. Napakamot ako bigla sa batok ko at ngumiti. "A-ah, kasi ano, ano, nadapa ako du'n sa may main building. Oo! Nadapa ako sa main building hehe sakit nga eh," palusot ko sa kanila. Hindi ko naman p'wedeng sabihin na bigla nalang akong yinakap ni Silver at may sinabi ng kung ano-ano!




Lumingon ako sa kanila at 'yung iba tumango nalang at naglakad na papalayo pero 'yung iba katulad nila Zoey ay hindi pa rin gumagalaw sa p'westo nila at tinitigan pa ako lalo. "Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo?" tanong niya sa akin at nagtaas pa ng isang kilay. "Baka naman may nanyaring hindi namin alam ah," sabi pa niya at nakita ko pang tinaas niya 'yung gilid ng labi niya. Lord, huhu pinagtritripan na naman po ako ni Zoey!




"At ano naman 'yun?" tanong ko pabalik sa kaniya at nakita kong lalo pa siyang ngumisi.




"C'mon, how many times do I have to tell you Zeria that we are not a Royalties just for nothing?" nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Greek. Agad ko naman siyang nilingon at nakita kong naglalakad na siya palayo.




"Hays, hayaan mo na 'yun Zeria! Gan'yan talaga 'yan pag nagseselos," sabi ni Wane sa akin at tumawa pa. Ano daw, Selos? Luh, bakit naman 'yun magseselos?




"Naririnig kita Wane! Walang hiya ka!" sigaw ni Greek at tumatakbo na papunta sa amin! Nakita ko namang nagulat si Wane saglit pero nagsimula na din siyang tumakbo papalayo para hindi siya mahabol ni Greek. Liningon ko naman 'yung ibang mga kasama ko at nakitang umiilang na ito at bumubuntong hininga.




"Please, stop running and joking around." seryosong sabi ni Silver kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya at napansin ko ding biglang napahinto sa pagtakbo sila Wane at Greek.




Enchantria Academy ||On-going||Where stories live. Discover now