CHAPTER 19

228 11 1
                                    

ZERIA'S POV

"Huh? Eh, nabangga ko nga siya kahapon, promise!" sabi ko sa kanila at tinaas ko pa 'yung kanang kamay ko. Napansin ko naman sa kanilang mga mukha ang pagtataka.




"Wait, ako lang ba 'yung nagiisip nito or baka..." bigla naman kaming napatingin kay Casty nung magsalita siya.




"Baka?" pagtatanong ni Chloe sa kaniya at halata pa rin sa mukha nito ang pagtataka.




"Baka si-" pagpapatuloy sana ni Chloe sa sinasabi niya kanina kaso bigla namang sumabat si Quain .




"No," seryosong sabi nito at nakatingin pa ito sa akin.




"Pero what if nga kuya?" pangungulit sa kaniya ni Casty. Ano bang pinaglalaban nito? Sino ba 'yung tinutukoy niya?




"I said, no," sambit sa kaniya ni Quain at nilingon na siya nito. "It's impossible. It's been like... 7 years already since that happened," sabi nito at muling lumingon sa akin. Ano bang pinag-uusapan nila? Anong 7 years? Grabe, wala akong maintindihan dito ah!




"She doesn't remember me..." mahinang wika nito habang nakatingin ito sa akin. Ano ba talagang meron? "Why?" mahinang sabi nito at parang ramdam na ramdam ko 'yung sakit sa tuwing sinasabi niya 'yun kahit ngayon ko pa lamang siya nakilala.




"She doesn't even remember... us" rinig kong sabi ni Silver kaya naman napatingin ako sa kaniya. Ako lang ba o parang dalawa 'yung ibig sabihin 'nun? Seriously? Ako lang ba walang kaalam-alam sa mga nanyayari ngayon?




"Damn, what's with this atmosphere people?" nagulat naman kami ng biglang sumulpot sa harap namin si Axel. Kahit kailan talaga 'tong isang 'to! Pero salamat na din sa kaniya dahil baka tumigil na itong nanyayari dito ngayon. Gustong-gusto ko na umalis dito sa p'westo ko pero sige lang.




"Let's go," muling pagseseryoso ni Quain at naglakad na papalayo. Ok lang ba siya or sadyang may sapak? Pagkatapos magdrama drama sabay ganun? Ay, ewan ko sa kanila.




"Huh? Anong meron? Kakadating ko lang, hoy!" sunod-sunod na tanong ni Axel sa amin at tumakbo pa papalapit kay Quain para magtanong.




Naglakad na din ako papalayo at sinundan 'yung iba kong mga kasama sa pupuntahan namin ngayon. Saan ba kami pupunta? Gusto ko sanang magtanong sa mga kasama ko kaso mukhang seryoso ang mga ito kaya wag nalang. Hihintayin ko nalang kung saan kami makarating. First time ata 'to ah. First time na tahimik sila at hindi naguusap-usap.




Ano bang meron kanina?
Anong nangyari 7 years ago? Sino 'yung tinutukoy nila kanina?




Habang naglalakad-lakad ay hindi ko namalayan na tumigil na pala kami sa harap ng isang kainan. Buti naman at naisipan nila na kumain muna grabe! Kanina pa ako nagugutom! Pumasok na kami sa loob at naghintay ng mauupuan dahil kinakausap pa ni Silver 'yung isang staff.




"Kanina ka pa pala gutom na gutom bakit 'di mo sinasabi sa amin?" Nagulat naman ako bigla ng magsalita si Quain sa tabi ko. Wtf?  Bakit bigla-bigla din 'tong sumusulpot sa tabi ko? Hala, paano niya nalaman na nagugutom na ako?




"Tsk, wala ka paring galang," wika niya at bigla pang pinitik 'yung noo ko. May sapak ba 'to? Close ba kami ah? Close kami? Tsk. Shaka ano daw? Wala akong galang? Huh?




"You're still stubborn ah, I see," bulong niya at naglakad na sa table namin. Stubborn? Ako? Hotdog ba siya? Hay, may dumagdag na naman sa listahan ko ng mga nakakairitang tao sa paligid ko.




Enchantria Academy ||On-going||Where stories live. Discover now