Chapter 27

1.3K 53 12
                                    

*Nath POV*

Ang aga aga bad mood ako tsk sino ba namng hindi ma babad trip, hindi manlang ako ginising ng mga kapatid ko aba at ang mga loko iniwan pa ako

Kaya nag kukumahog ako ngayun baka second sub na ako makakapasok nito kaya dali dali akong bumaba sa sala paika ika pa ako kung mag lakad tsk bad trip talaga oh

Natigilan ako ng may nakita akong nakaupo sa supa nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang kanyang muka kaya nilapitan ko siya

Nakita ko doon si Reyven na akala mo ay natutulog dahil pikit ang mga mata nito at naka krus ang mag braso at nakapang dikwatrong pambabae nito at naka uniform nadin siya

"Hoy" pag tawag ko sa kanya at bahagyang sinipa ang kanyang paa dahan dahan naman siyang dumilat at deretsong tumitig sakin

"Bakit andito kapa?" Walang emosyon kong tanong at bumalatay  na namn ang ang napakalawak na ngiti niyang mga labi na halos labas na ang mapuputi niyang ngipin

"Hinihintay ka" kumikinang ang mga matang sabi niya napangiwi namn ako heto na namn ang isip bata

Hindi na ako sumagot pa at ika ikang naglakad palabas ng dorm naramdama ko namang sumunod siya sakin

***

Naglalakad na kami sa hallway kaya kahit masakit ang paa ko pinilit ko paring maglakad nang nomal

"Aahhhhhhhh"

Napahinto kami sa pag lalakad ng may narinig kaming sigaw nagkatinginan naman kami ni Rayven at sabay na tumakbo sa pinang gagalingan ng palahaw na yu

Nang gagaling iyon sa cr ng mga babae sa first floor kung nasaan kami ngayun pinasok namin yun ng walang pakundangan

Nakita ko ang babae na nakaluhod at nakatulala sa isa sa mga cubicle na andudoon kaya dali dali akong lumapit sa kanya at tiningnan ang tinitingnan niya

At doon nakita ako ang isang babaeng wala nang buhay nagkalat ang dugo sa buong cubicle na nag bubula sa leeg ng biktima pinagmasdan kolang iyon

*Rayven POV*

"Shit" napamura ako ng malakas ng makita ko ang duguang babae sa cubicle

Napatingin namn ako sa babaeng nasisiguro ko na siyang sunigaw nakatulala siya habang nakatingin sa biktima nagawi namn ang tingin ko kay Nath at nakatitig lang din siya sa biktima akala ko ay natulala na din siya

Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang ngumisi kinilabutan namn ako sa pag ngising ginawa niya na akala mo sayang saya sa nakikita niya ngayun napalunok nalang ako at napaatras ng bahagya

Pinagmasdan ko siya at mas lalo akong kinilabutan ng dilaan niya ang kanyang mga labi kung titingnan ay normal lang itong gawi ngunit kung nakatingin ka sa duguang at walanang buhay ay hindi normal yun

"Anong nang yayari" napalingon ako sa bagong dating at nakita ko ang tatlong kapatid ni nath at marami na ding istudiyante ang nasalabas

Ngunit hindi ko sila nagawang pag tuunan ng pansin napatingin ulit ako kay nath na hangang ngayun ay hindi parin inaalis ang tingin sa cubicle at ang nakakakilabot niyang ngisi

Nag mamadaling lumapit ang mga kakapatid at tumingin din sa tinitingnan ng kanilang kapatid nanlaki ang mga matang napatingin sila don bago bumaling kay nath nakita kong napapalunok din sila sa reaksiyon ng kanilang kapatid

"Nath" inalog pa ni Dylan ang balikat nito "nath—H-hoyy—nathh—shiittttt NATH!!!!" isang malakas na sigaw ang umalingaw ngaw sa buong restroom

Napakurap kurap naman ito na akala mo ay nagising at bumalik sa realidad napapalunok pa siya at nag libot ng tingin ng magawi ang paningin niya sa cubicle ay agad siyang nag iwas ng tingin duon at natuon namn saaking

Nanlalaki ang matang tumingin siya sakin na akala mo nakakita ng multo diba dapat ako pa ang magulad dahil sa reaksiyon niya? Nag iwas siya ng tingin at dali daling lumabas ng restroom napasunod namn ang tingin ko sa kanya

***

Nang dahil sa nangyari ay hindi ako makapag pocus sa sinasabi ng lecturer namin laging napapabalik sa isipan ko ang nagyari kanina

Matagal tagal na ding tahimik ang lugar na to sino namn kayang mag tatangkang paguluhin ulit ang lugar nato

At isa pa hindi mawala wala sa isip ko ang pagngisi ni nath habang nakatingin sa walang buhay na babae sa totoo lang kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko kung pano niya dilaan ang kanyang labi habang nakangisi at hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon ang kanyang muka

At ang isa pang pinag tataka ko kung pano siya alugin ng mga kapatid niya na parang takot na takot sa mga nang yayari hindi ko alam kung saan siya natatakot sa babaeng bang walang buhay o sa kapatid nila?

Napatingin namn ako sa inuupuan ni nath nakatingin siya sa unahan na akala mo ay tutok sa pakikinig ngunit kung tititigan mo siya nakatulala lang siya tinitigan ko siya maraming tanong ang pumapasok ngayun sa isip ko

***

Nang matapos ang klase imbis na tumuloy sa dorm ay tumuloy ako sa dorm ng mga ka gang mates ko na dati ko ding tinirhan

Nang makarating ay naabutan ko sila sa sala at may kanya kanyang ginagawa bali sampu lang ang maaaring maging member ng isang gang kaya lahat ng gang dito ay di bumababa sa sampung miyembro

Nabuo ang gang namin dahil pare pareho kaming hindi mahilig makipag kaibigan kaya wala kaming masanggahan pag may mga gang nag aamok kaya ayun nag sama sama kami at bumuo din ng sariling gang hindi naging madali nung una pero kinaya namn namin

Kaya heto kami ngayun at matatag at isa na sa kinakatakutang gang ngunit hindi katulad ng ibang gang na puro pananakot lang ang ginagawa ang gang namin ang pumoprotekta sa mga students na nalalagay sa dating kinalalagyan namin dahil hindi namin maatim na nakikita silang nahihirapan

At nang matapos ang walang katapusang patayan ay naging mapayapa na ulit dito kaya nag tataka ako kung bakit may nakita na namn akong namatay kanina nag sisimula na namn ba sila?

Nang makita nila ako ay nag batian kami at walang sawang tawanan ngunit natahimik kami ng matanong nila ang nagyari kanina sa first floor kung saan may namatay

Katalad ko ay namomroblema din sila na baka maulit muli ang nangyari limang taon na ang nakakalipas

Kaya na kwento ko sa kanila ang nagyari kanina at nabanggit ko din sa kanila ang naging reaksiyon ng leader ng Black Wings Gang na si Nath

"Nako mag iingat ka diyan baka mapahamak ka" sabi ng isang gang mate kong si jean

"Kaya nga bali sa mga sinabi mo na nakita mo di malabong may kakaiba nga talaga sa leader ng BWG na yan" sabi namn ni Mitchell

Napatango mamn ako napapa isip din kasinako at ito lang ang nag lalaro sa isip ko mula kanina

Sino kaba talaga Mikaela Shane Nathalie bakit parang ang hiwaga ng pag katao mo?

•©️•
 
Plss

Vote

Comment

And

fallow

Bloody Hell University (Book One)Where stories live. Discover now