Chapter 48

752 47 11
                                    

*Nath POV*

Nag pupuyos ako sa galit sa nangyari kanina anong akala ng lalaking yon porket mahal ko siya babalik ako ng ganon ganon lang pagitapos niya akong ipagpalit!

May gana pa talaga siyang magpakita sa akin at sabihing mahal nya pa ako. Sinong niloko niya?! Sarili niya!

Kung mahal niya ako sana simula palang hindi na siya naghanap ng iba at gumawa nalang sana siya ng paraan para makatakas sa lugar na to

Napatigil ako sa pag iisip ng may kumulbit sa akin inis ko itong binalingan

"Bakit ba?!"  Iritang tanong ko dito. Si Bianca pala

Hindi ito nagsalita at tinuro lang ang unahan napatingin naman ako duon at nagtataka akong napatingin sa paligid dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin maging ang guro namin

"Ms. Skieblood okay kalang ba?"  Mukang nag aalinlangan pang tanong ni Ms. Santos

"Oo naman bakit?" Naka kunot noo na nag tatakang tanong ko dito

"Yung aura mo kasi parang gustong p-pumatay" Bigla itong nautal sa huling sinabi tsk lakas ng loob mag turo dito duwag namn pala tsk

"Tama ka gusto kong pumatay" nakangisi kong usal dito ay dahan dahan kong ipinasok ang kamay sa aking bulsa ng makapa ang hinahanap ay mas lalong lumawak ang pag kaka ngisi ko na siyang nag palunok at nag paputla sa kanya sa takot

"A—Ano p-pero —B-Bakit—… S-S-Sino—"  gusto kong matawa sa muka niya na bakas ang sobrang takot na akala mo maiihi na pero pinigilan ko at nag kunwaring seryoso ako sa sinabi ko tsk bakit parang ang oa naman nito

"IKAW!!!!"  Malakas kong sigaw sabay tayo at bunot ng baril na nasa bulsa ko at tinutok yun sa kanya bago iputok

"Bang!!!"  Napahiyaw ang kaklase kong kumag sa ginawa ko at napatayo na din sa kanilang kinauupuan na bakas ang gilat sa ginawa ko nakangisi kong tining nan si miss Santos at kinindatan namumutlang napasandal ito sa whiteboard kung saan may mansiya ng kulay pula na akala mo ay dugo

Napahagik hik ako ng makitang halos hindi na ito makahinga Hindi totoong baring ang ibinaril ko isa lamang iyong laruan na pag ibinaril mo kasing lakas ng baril ang tunog ngunit hindi bala ang kargada kung hindi kulay pulang likido

Inembento iyon ng tito ko sa mother side at dahil proud na proud siya sa kanyang imbinsiyon ay mas pinaganda niya ito at nilagyan pa ng tatak ng isang Sanchez ang letrang 'S' sa hawakan at buong Sanchez na maliit sa pinaka ibaba at sa gilid sa gitna pag pinagdikit ang dalawang iyon ay makakabuo ng dalawang baril na mag ka ekis

Manga bata pa kami noong na inbento niya yon at dalawa lang ang ginawa niya ang isa ay nasa anak niya na nawawala na hanggang ngayun ay aming hinahanap at ang isa nasa akin sabay pa kami ng pinsan kong yun nung binigyan dahil close na close kami halos araw araw naming nilalaro yun at halos araw araw din gumagawa si tito ng bala

Napangiti ako ng malungkot ng maalala ko si Reygan oo Reygan ang pangalan ng pinsan kong nawawala Reygan Sanchez at simula ng mawala siya naging malungkot at miserable ang buhay ng magulang niya maging ako umiyak ako ng umiyak noon dahil sa pagkawala niya at ng malaman na buntis ulit si tita naging maayos naman sila at todo alaga kay Reygen na naging over protective na, na Hindi pwedi lumabas ng walang kasamang bodyguard na kinainis ng huli. Marahil siguro ayaw lang nila maulit ang nangyari kay Reygan at dahil din siguro babae ito

Hindi kona talaga napigilan ang pagtawa ng sa sobrang takot siguro nito ay bigla na lamang itong bumulagta hahaha wow nice shot sa noo niya kasi tumama ang pulang likido kaya nag kalat ang muka at tumalsik ang iba sa whiteboard

Napatigil ako sa pagtawa ng biglang dumating ang tatlo kong kuya pasimple kong itinago sa likod ang baril na hawak ko at umarteng nagulat din sa nangyari

Napatingin ang tatlo kay miss Santos, nilapitan ito ni kuya Daylan at pinulsuhan

O shit buko nako nito bakit ba kasi sa ulo ko pinatama dapat sa tiyan nalang  dahil malalaman nito na walang tama ng bala ito at siguradong alam kaagad ni kuya kung sino ang may kagagawan niyon, napakagat ako sa labi ng punasan ni kuya ang noo nito gamit ang palad at walang nakitang bala doon napatingin ito saakin kaya dali dali akong nag iwas ng tingin at nagkunwaring wala akong alam

"Nathalie!!!"   Napapikit ako sa sobrang lakas at pagalit na tawag nito sa akin

"Ano" nakasimangot na bahagyang kinakabahan na sagot ko tumayo di kuya Daylan at inutusan sila kuya Ivan na dalin sa clinic si miss Santos at nag lakad ito palapit sa akin

Kinakabahan ako sa bawan pag hakbang na ginagawa niya napapaatras din ako dahil alam kong galit na siya sa ginawa ako kitang kita sa muka niya dahil napaka sama ng tingin niti sa akin at bahagyang paigting panga nito

Ang mga maliliit na hakbang nito ay nauwi sa malalaking hakbang na siyang nagpalaki ng mata ko kaya tuloy tuloy na ako sa pag atras hanggang sa tumakbo na ito palapit sa akin kay tumakbo na din ako palayo sa kanya ang labas nag hahabulan kami paikot sa room ni kuya at nag sisigawan

"Nath!!"  Malakas na sigaw nito sa akin "Hindi ka titigil?!!!"

"Ayaw ko!!"  Lalo kopang binilisan ang pagtakbo at sumasampa na ako sa mga upuan hindi lang niya mahuli

"Pag talaga naabutan kita tatanggalin kona ang tenga mo!" Pagalit naman ba sigaw nito na lalong nag pakaba sa akin

Tangina magkamatayan na hindi ako mag papahuli dati pungot lang ngayun tatanggalin na ang tenga ko tragis

"Kaya nga ayaw kong magpahuli dahil kawawa na naman tenga ko sayu!" Sigaw ko pabalik dito

"Hindi ka talaga titigil?!!

"Wag mokong habulin titigil ako!"

"Mikaela!"

"Bleeee!"

"Shane!!"

"Ikaw muna tumigil!!"

"Nathalie!!!"

Hindi talaga ako tumigil sa pag takbo kahit na nababangga ko ang mga kaklase ko wala akong pake tinutulak kobpa nga natawa ako ng sa hindi sinasadya natulak ko si jac at tuloy tuloy itong napa subsob sa lupa pero hindi ko siya pinansin dagil konti nalang maaabutan na ako ni kuya!

Napatigil ako sa pag takbo ng may humigit sa braso ko pag tingin ko si Reyven yon wala akong mabasang imosyon sa muka niya blangko ito na ngayon kolang nasilayan kaya napatigil ako at napatitig sa kanya

"San mo nakuha yan"  madilim ang aura na turan nito at nag tatangis ang bagang na ikina kunot noo ko

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry po kung natagal ang update nawalan na kasi ako ng idea eh hahah🤣

Btw enjoy reading po😘
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

•©️•

Plss

Vote

Comment

And

Fallow

Bloody Hell University (Book One)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें