Chapter 49

750 47 12
                                    

Sorry po mukang naguguluhan kayu kay Reygan si Reygan po ay lalaki at yung sinasabi ko pong bagong kapatid niya na si Reygen ay babae po

Thanks 😘

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Nath POV*

"San mo nakuha yan?"

Pati si kuya ay napatigil sa pag bulyaw sa akin at nag tatakang napatingin sa kanya maging ako man ay nag tataka sa kanyang kinikilos

Bigla nitong inagaw sa akin ang baril naiinis na tiningnan ko ito

"Ano bang problema mo tsk akin yan"   inis na bulyaw ko dito "Akina  nga!"

"Anong sayu umamin kanga kinuha moto sa akin ano?" bakas ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa akin ng masama

"Akin nga sabi yan ang kulit nito"  inilahad ko ang kamay ko para ibigay niya sa akin pero hindi nito ginawa ang nais ko kaya sa sobrang inis

Sinikmuraan ko siya na siyang ikina ubo at ikina mura niya kaya dali dali kong inagaw sa kanya ang baril ko at tiningnan siya ng masama

Sinamaan din niya ako ng tingin at walang sabi sabing hinila ako palabas nag pupumiglas ako pero napaka higpit ng pag kaka hawak niya sa braso ko na kalamo mababali na

"Hoy ulupong san mo dadalin kapatid ko?!"  Rinig kong sigaw ni kuya pero parang wala itong naririnig at doto hila lang sa akin

"Hoy hindi pa ako tapos dyan!!"  Napairap nalang ako dito kala ko naman concern sa akin yun pala…tsk

Ano kayang problema nito basta nalang nanghihila inis kong hinila ang kamay ko pero mukang walang talaga itong balak na pakawalan ako

Napakunot noo ako ng makitang tinatahak namin ang daan papuntang dorm

"Woy teka nga bakit moba ako hila hila ha?" Pag pigil ko dito ng akmang bubuksan niya ang pinto galit itong tumingin sa akin

"Sumunod ka nalang pwedi ba?"  Pabalang na sabi nito sabay bukas ng pinto at hila na naman sa akin napamulagat ako ng huminto kami sa labas ng pinto ng kwarto niya

"Woy! Oy! Teka nga muna bakit dadalin moko sa kwarto mo" kinakabahang tanong ko dito at pinag krus ko ang dalawang hintuturo at hinarap sa kanya

"May gagawing kang masama no?"  nanliliit ang mga matang tanong ko na siyang nagpakunot ng noo niya sabay irap

"Tsk asa" napangiwi nalang ako grabi naman to

"Eh bakit moba kasi ako dadalin dyan" pagturo ko sa kwarto niya pero hindi niya ako pinansin at binuksan ang pinto bago hila na naman sa akin

Inis na tiningnan ko to pero pagpasok na pag pasok namin ay naghalungkay na siya sa kanyang mga gamit naguguluhan na pinag masdan ko ito at napailing balak pa ata akong gawing audience

Pumunta ito sa kabinet at don naman nag halungkay halos nagliparan ang mga damit nito dahil pinag babato nito ang mga damit patalikod

"What the—"  inis kong inalis ang tela na tumalsik sa muka ko at tiningnan ng masama ang nakatalikod na si Reyven na tuloy parin sa pag halungkay binalingan ko naman ang telang tumalsik at nanlaki ang mata ko sa nakita isa itong boxer!

Bloody Hell University (Book One)Where stories live. Discover now