Chapter 37

1.1K 62 7
                                    

*NATH POV*

Nag matapos ang klase ay palihim akong tumingin sa pligid nagsisilabasan na sila tumayo ako at nag kunwaring walang pakeelam sa mundo at katulad ng dati dumeretso agad ako sa dorm namin

Nakakasabay kopa ang mga ''queens'' oo queens alangan namang sabihin kopa isa-isa ang mga pangalan nila ni hindi konga matandaan ang pangalan nung iba, at ang ibang "leader" kaylangan kobang lagyan pa ng ''s'' tsk kung ano ano na pinag iisip ko siguro dala na din ng pag ka sabik kaya nonsense na ang pinag sasasabi ko

Papasok ng dorm ay halos hindi na ako makapag hintay makapasok nakasabay kopa sila kuya sa pag pasok kaya umasta akong normal lang

"kuya"  nag kunwari akong masakit ang ulo at may pahawak epek pa nilingon naman ako ni kya Dylan at ng makita ang pag dadrama ko nakita ko ang pag aalala nito

" Oh ayos kalang ba?" nababahalang tanong nito napalingon naman sa amin sila kuya Ivan at kuya Dyrein

"Opo kuya ah medyo masakit lang ulo ko"  pag dadahilan ko at ngumiti ng maliit sa kanya na kunwari ay nang hihina ako

lumapit naman siya sa akin at kinapa ang noo ko "Hindi ka naman mainit" 

"Ah masakit lang talaga ang ulo ko mag papahinga na muna ako"

"Oh cge mag pahinga ka muna tatawagin nalang kita pag kakain na" kinabahan naman ako sa sinabi niya hindi dapat niya malaman na wala ako sa kwarto pag pumunta siya

"K-Kuya w-wag mona akong tawagin wala akong gana matutulog nalang ako" halos mamura ko ang sarili ng mautal ako baka mahalata ako nito

"Ganon ba cge mag pahinga kana" ngumiti ako ng maliit at naglakad na papunta sa kwarto ko

Bago pa ako makapasok ay siyang pag bukas naman ng pinto sa tabi ko napalingon ako doon at natigilan ako ng makitang lumabas si James don napalunok ako tangna biglang bumilis ang tibok ng puso ko parang gusto na nitong lubas sa loob ko

Ng makita niya ako ay natigilan din siya at napatingin din sa akin hindi ko alam kung anong tinatakbo sa isip niya ngayun pero parang ayaw ko nang malaman pa

Hinugot ko ang natitirang katinuan ko at huminga ng malalim bago nagtuloy papasok sa kwarto ko kinastigo ko naman ang sarili ko sa pag ka tulala kanina baka isipin non may gusto na ako sa kanya

Bakit wala ba?—  Pag tatanong ng isang bahagi ng isip ko

Wala no ano batong pinag iisip ko wala talaga pramis bakit naman ako makakagusto sa mayabang na mahilig ma nansing na yun "matching" kasi tsk

Dali dali na akong nag palit at inilagay ang mga unan ko sa ilalim ng kumot ko at pinag mukang tao na natutulog pumunta naman ako sa bintana at tiningnan ang baba hindi naman masiyado mataas nasa therd floor lang naman tong dorm namin

Sumampa ako sa bintana at dahan dahang inilawit ang mga paa doon may palabis kasing pedeng tungtungan doon at doon ako dumaan papunta sa teris humawak ako doon at tumingin sa ibaba tumalon ako papunta sa teris sa ikalawang palapag ng hindi gumagawa ng ingay at simula doon tumalon na ako papunta sa unang palapag

Ngayon kolang nalaman na may lahi pala kaming gagamba aba hindi lang Dora the explorer naging si spider women pa ako baka mamaya maging si ipisgirl na ako wag naman sana

Umayos ako ng tayo at tumingin sa kaliwat kanan ko sinisugurado lang na walang nakakita sakin kahit naman alam kong walang nagagawi sa lugar nato nasa pinaka likod kasi itong dorm namin sinisigurado lang

Nag mamadali akong naglakad papunta sa pinag daanan ko kahapon magiging ala Dora na naman ako buti nalang wala si Diego bwisit na yun nanansing pa

Hindi pa naman madilim kasi alasingko palang naman nang makarating sa aking patutunguhan ay muli na naman akong namangha sa nakikita ko napakaganda ng lugar na to ito din yung pinagdalhan sa akin ni James kahapon

Para siyang maliit na dagat na naligaw sa gubat sigurado akonh sa ilalim nag mumula ang tumig nito napakalinaw ng tubig at may mga malalaking bato sa hindi kalayuan napangiti naman ako buti nalang walang nakakaalam sa lugar na ito maliban nalang sa nagdala sa akin dito

Tumingin muna ako sa paligid at ng sinisuguradong walang tao hinubad ko ang damit ko at ang itinira nalang ay ang Two piece swimsuit na suot ko dahan dahan akong lumusong sa tubig at lumangoy sumisid ako kumuha ng bato sa ilalim bago umahon

Napasinghap ako ng sa pag-ahon ko ay may kamay na pumulopot sa bewang ko humarap ako sa pangahas na gumawa non at nanlaki ang mga mata ko at ang walang hiya nakangisi pa sa ginawa

Napatingin ako sa katawan niya napalunok ako ng makitang wala siyang pang itaas na damit shit natuyo ata lalamunana ko napababa pa ang tingin ko na siyang lalong napatuyo ng lalamunan ko anim, pandesal, shit nag buhol buhol na yata ang utak ko ng makita ko ang six packet abs niya at ang namumutok na braso niya

Inaamin ko na naman yun at oo inaamin ko din napakaganda ng katawan niya pero yung makita to ng malapitan at namamasa pa josko mababaliw ata ako at dagdag pa ang napaka gwapo nitong muka at ang lalong nakakapag pahulog sa mga babae ay ang blue eyes nito

"Aye up here babe"  nahihiya ako bigla kaya hinampas ko siya sa dibdib at nag pumilit na makawala sa bisig niya

"Ano ba bitawan mo nga ako" pqg pupumiglas ko dito at hinampas pa ulit ang dibdib niya shit ang tigas

"Chansing ka din eh no kunwari kapa" natatawang sabi nito at hinuli ang manga kamay ko

"Chansing mo muka mo sino kaya sa atin ang nananansing" sinamaan ko to ng tingin at sinabuyan ng tubig sa muka kaya napaalis ang pagkaka hawak niya saakin ginawa ko naman iyong pagkakataaon para makalangoy palayo sa kanya

"Babe hey wait" hindi ko siya pinansin at lumagoy pa palayo sa kanya ng makontento ako sa layo ay humarap ako sa kanya

"Babe mo muka mo!" natatawa itong lumangoy pa lapit sakin halos mabingi naman ako sa dagundong ng puso ko kaya nang mamadali din akong lumangoy palayo sa kanya pero napapagod na ako kaya bumagal na ang pag langoy ko dahilan para mahuli niya ako at ipinulupot ulit ang braso niya sa bewang ko na siyang nagpabigat ng hininga ko

"James ano ba" hinampas ko naman ito sa braso niya "Bitawan mo nga ako"

"Pano kung ayaw ko?" mapangasar na ngumisi ito sa akin

"Bwisit ka talaga ano ba kasing ginaga mo dito?"

"Bakit masama?"

"Oo masama kung ikaw din naman ang makakasama ko dito"

"Grabe ka naman mag pahiwatig"

"Anong mag pahiwatig ang sinasabi mo?"

"Na hindi mo kaya tagalan ang presnsiya ko at ang katawan ko"

Nakangisi pa ang mokong at nag tataas baba pa ang kilay nito bahh, natahimik naman ako kasi totoo naman hindi ko kaya ang presensiya niya lagi akong kinakabahan baka yun pa ang maging dahilan para mamatay ako ng wala sa oras

"Ang hangin mo din eh no?" naiinis na sabi ko at itinutulak siya palayo sakin pero ang loko parang linta kung makakapit

"Mahangin? Ayus lang yon kaya naman kitang painitin kung lamigin ka"  napasinghap ako sa sinabi niya biglang naginit ang muka ko

"Manahimik ka nga bitaw!"

"Na-ah ayaw ko" nakangising sabi nito at mas lalo pa akong hinapit palapit sa kanaya at pinakatitigan ako buma ba ang tingin niya simula sa mga mata ko pababa sa ilong hanggang sa tumogil ito sa mga labi ko napalunok namn ako

"Ano—"

Nanlaki ang mga mata ko ng halikan na naman niya ako ng hindi ko inaasahan

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

•©️•
 
Plss

Vote

Comment

And

fallow

Bloody Hell University (Book One)Where stories live. Discover now