Chapter 38

933 54 14
                                    

*NATH POV*

Ngiti ngiti ako ng makapasok ulit sa kwarto ko ng walang nakaalam

"What a spider girl" Natigil ako sa pag sasaya at halos mapatalon palabas ng bintana ng marinig ko ang baritonong boses na yun at ang biglang pag bukas ng ilaa

Napalunok ako ng makita ang tatlo kong kuya si kuya Dylan na nakaupo sa pang isahang couch si kuya Dyrein naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan ko at si kuya Ivan naman sa kama ko nakaupo

'H-Hi?" Sa sobrang kaba ko parang gusto ko nalang tumalon palabas ng bintana sandamakmak na sermon na naman ang matatanggap ko at siguradong grounded ako nito

"Kamusta naman ang pag lalakwatsa ng magaling kong kapatid?" Nang uuyam na sabi ni kuya Dyrein

"Luh sino nag lakwatsa?" Pag depensa ko naman sa sarili

"San ka galing?" Seryosong sabi ni kuya Dylan paktay kang bata ka

"San ako galing?" sa sobrang kaba hindi kona alam ang pinag sasasabi ko at pati sarili ko natanong kona "San nga ba ako galing?"

"Saan ka nga ba galing?" naka kunot noong tanong din ni kuya Dyrien

"Saan nga ba?"  sa sobrang laba hindi kona talaga alam kung saan ako galing at kung ano anong tinatanong sakin

"Saan?" naguguluhan namang tanong din ni kuya Ivan

"Saan?" nakangiwi kong tanong at hindi alam ang isasagot nagkanda buhol buhol na anh dila ko sa sobrang kaba huhuhu lagut ako neto

"Mikaela… Shane… Nathalie…!!!"  may diin sa bawat bigkas na yun ni kuya Dylan halatang nauubusan na ng pasensiya kaya nagpanik naman ako

"Sa?..." Napalunok ako ng mag taas ng kilay si kuya at nag hihintay ng sagot ko pero wala akong alam kung saan ako nang galing "Hindi ko alam. Okay? Hindi ko alam…" napakamot nalang ako ng noo ng hindi ko alam kung anong sasabihin ko hindi ko naman talaga kasi alam kung anong tawag sa lugar na yun no

"Hindi mo alam?" Nanunuyang tanong nito sabay pasada sa kabouan ko "Hindi mo alam kung saan ka naligo?''

''Eh mga kuaya naman basta dagat siya okay na?" naiinis na sabi ko garabi namang mag tanong tong mga to papasa na sa pagiging detective

"Naligo ka sa dagat alam mo namang delekado sa lugar na to atmag isa kalang?" batid kong galit siya kaya napa nguso nalang ako at nag baba ng tingin "Pano kung mapahamak ka?"

"Sila pa yata yung mapapahamak" mahinang depensa ko na mas lalong nagpa sama ng tingin ni kuya Dylan sa akin

Sila kuya Dyrien at Ivan naman hindi na nagsalita alam kasi nilang pag si kuya Dylan na ang nag salita hindi na nila kaylangan sumingit kasi masasabi na talaga sayu lahat ng kamalian mo at ipaiintindi sayu yun

"Yan diyan ka magaling sa pakikibasag ulo pano kung habang nakikipag laban ka eh atakihin ka! Napatungo nalang ako at hindi nagsalita alam ko naman kasing mali akov "Alam mo bang alalang alala na kami dito kung san san na kami pumunta mahanap kalang tapos naligo kalang pala hindi kapa nag paalam.

"Sorry napo dina mauulit" hayst kala ko di ako mabubuking nagkamali pala ako

''Talagang hindi na mauulit kasi simula ngayun pagitapos ng sa school daretso ka dito" napaawang ang labi ko at gustong umangal pero tinikom ko nalang at nanlulumong tumungo

"Bumaba kana don kakain na" Malamig na pag kakasabi nito at padarang na umalis sa kwarto ko sumunod naman si kuya Dyrein kaya napabuntong hininga nalang ako napaangat ako ng tingin ng lumapit sakin si kuya Ivan

"Maligo kana hayaan mo nalang muna si kuya nag alala kasi kami sayo lalo na si kuya Dylan halos ipaikot na samin ang buong lugar na to makita kalang" Matunog itong bumuntong hininga

"Sorry kuya" nakatungo paring sabi ko

"Oh cge na dalian mo kakain na baka mas lalong magalit sayu yun pag binagalan mopa" nginitian niya ako at niyakap bago umalis napangiti nalang ako dahil kahit ganon sila napaka swerte ko sa kanila kasi nasa kanila na ang katangian ng mahihiling ninyu para sa magiging kapatid

Pagitapos maligo at mag bihis ay agad na akong bumaba para kumain dahil baka pag na inis si kuya mas magalit sakin yun pag baba ko naabutan ko silang nag sisiupo na sa lamesa kaya pumunta na ako at naupo na din habang kumakain ay napaka tahimik ng hapag kaya nag papasalamat ako ng basagin ni Bianca (Queen of VG)

"Nga pala James san ka galing kanina hinahanap ka nila Albert ah"  kuryosong tanong nito

"Diyan lang sa tabi tabi" walang gana namang sagot nito, tumango tango nalang si Bianca na animong naniniwala

"Nangyari diyan?" tanong naman ni jac sabay turo kay James na patingin naman lahat sa labi ni James na tinuro ni jac na siyang nagpaubo naman akin at siyang kinatingin sakin ng lahat

"Oh dahan dahan kasi sa kagat baka mabulunan ka" makahulugang sabi nito sabay ngisi na siyang kinapula ng pisngi ko

Nung hinalikan kasi ako ni James kanina nadala ako sa malalalim niyang halik at sa kapusukan nito kaya nanabig ako na siyang naging dahilan ng hindi sinasadyang pagkakagat ko sa labi niya

"Oo nga naman mag hinay hinay kalang" dagdag naman ni kuya Ivan, umubo ubo pa ako ng konti bago nag patuloy at binaliwala sila

"Oo nga James anyari sa labi mo?" pinansin ulit ni Bianca ang labi nito na siyang ikinakaba ko

Ibinaba nito ang kubyertos na hawak at sumandal sa upuan at hawak sa baba na animo'y nag iisip ng sulyapan ko siya ay nakita kong nakatingin siya sakin kaya napainom ulit ako ng tubig

"May kumagat sakin eh" nakangising sabi nito

"Masakit?" inosenteng tanong ni jac

"MASARAP!!" napaubo at nagkanda samid samid pa ako sa iniinom ko ng sabihin niya yun ng kala mo sobra nga siyang nasarapan sa nang yari

"Nath dahan dahan baka mapano ka niyan" sabi naman ng katabi kong si kuya Dyrein at hinimas pa ang likod ko

"Oo nga naman dahan dahan lang kasi" gatong naman nito na nakangisi pa kaya palihim ko siyang sinamaan ng tingin na siyang nag palawak ng pag kakangisi niya, Humanda ka sakin mamaya James ka!

Nag papasalamat naman ako at dun na natapos yung usapan na yun dahil nagkaroon na ng panibagong tapic kaya nakahinga ako ng maluwag bwisit na yan mga panama eh tamang tama sakin

Pagkatapos kumain ay hindi na muna sila nag si akyat sa kani kanilang kwarto kasi nanood muna sila ng move kagaya ng nakaraan habang tumatagal nag sisi akyat na sila dahil inaantok na

Si kuya Ivan, kuya Dyrein, si jac, Bianca, Shanley, AM, Reyven nalang ang natitirang nanonood kaya tumayo na din ako at nag paalam na matutulog na

Habang nag lalakad papunta sa kwarto ko nagulat nalang ako ng may humila sa akin papasok sa isang kwarto at ang biglang pag takip sa aking bibig

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

•©️•
 
Plss

Vote

Comment

And

fallow

Bloody Hell University (Book One)Where stories live. Discover now