Chapter 2

1.9K 88 19
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think. Please excuse foul words in my story. My writing style is not your type. Alliyah's point of view is based on her age as a senior high school student. Please be warned.

Chapter 2

"Tumigil nga kayo! Kasalanan niyo 'to. Kung hindi sana tayo pumwesto sa pinakaunahan ay hindi ako tatamaan!" I exclaimed. Halos sumabog na 'ko sa inis pero napakatarantado nitong dalawa dahil hindi sila tumitigil sa pagtawa.

Nasa clinic ako ngayon, looking at my face because it's still a bit red especially my cheek. My jaw still hurts. Sa tuwing magsasalita ako ay sumasakit ang panga ko.

"Sa dinami-dami nang nanonood bakit ikaw pa ang tinamaan? Malas mo, Alliyah." Pang-aasar ni Riyana sa'kin. Gusto ko siyang batukan! It's not my fault!

I just rolled my eyes. Kaya ayokong manood ng basketball, e. Nakikita ko na 'yon minsan sa mga liga.

"Kung pumayag ka sana sa pustahan edi natalo na naman ang mayabang na 'yon." Napalingon kami sa may pintuan ng clinic nang marinig 'yon. Doon ay natatanaw ko na ang tatlong basketball player na nakatayo sa tapat ng pintuan, ilang dipa rin ang layo sa pwesto ko.

"Where is she?" I saw him asked the nurse, he looked around until he saw us.

"There..." he murmured. Halatang kakatapos lang rin nila maglaro dahil para silang bagong naligo. They are sweating too much, kaya naman kitang-kita ang pangingintab ng kanilang mga braso sa pawis.

"Hey, are you okay?" Natauhan ako nang marinig ang boses niya. His voice was still calm, like he had been talking to me earlier.

"Sorry for what happened. As I said kanina, the ball slipped in my hands. My hands are sweating, e. Did the nurse put an ointment already?" He asked.

Napaatras ako sa clinic bed na kinauupuan ko nang medyo lumalapit ang mukha niya sa'kin. He's really checking me out! Masyado itong malapit at amoy na amoy ko na pati ang pabango niya. Nakapabango pa rin ba 'to? Naglaro na't lahat-lahat amoy perfume pa rin.

"Uhm, hindi pa. Binigyan lang siya ng ice pack tapos yun lang." si Astrid ang sumagot.

Tumango siya siya at napunta ang atensyon sa kanyang bag, may kung anong kinakalkal siya sa loob nito pagkatapos ay inilabas 'yon. I was surprised when he handed me a small thing, ointment pala.

"Hmm, anyway...senior high?" He asked me while staring intently into my eyes.

"Yes, grade 12." sagot ng mga kaibigan ko.

I just nodded. Medyo nawala lang ang tensyon nang magpakilala si Riyana.

"Riyana, it's nice to see you here." She held out her hand to shake hands with him. Nagpakilala rin si Astrid at pareho silang nakipagkamay sa kanila.

"I'm Dico Owen Sebastian," he introduced himself.

Tiningnan ko siya at hindi ko inaasahan na nakatingin pala siya sa'kin. I swallowed and force a smile. Why is he staring at me like that? Parang kami lang yung nandito kung makatitig siya sa'kin. It's getting awkward to me because of his intimidating facial expression. Mukha pa naman siyang suplado.

"In short siya si Conyo boy." sabi ng kaibigan niya at biglang humagalpak ng tawa.

"By the way, I'm Levi Aden, pwede niyong tawaging keso. Single nga pala." Hirit pa nito sabay napakamot sa batok. He's the man with blue hair. Halatang madaldal at makulit, kanina ko pa siya napapansin at sa katunayan ay siya rin iyong nakita ko sa canteen. He held out his hand and immediately shook hands with my friends.

MD 1: Ways of GoodbyeWhere stories live. Discover now