Chapter 5

1.5K 77 45
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think. Please excuse foul words in my story. My writing style is not your type. Alliyah's point of view is based on her age as a senior high school student. Please be warned.

Chapter 5

Dico Sebastian sent you a friend request.

Iyon agad ang bumungad sa'kin pagbukas ko ng Facebook. I just found out na halos dalawang linggo na pala 'yon, palibhasa hindi ako mahilig magbukas ng social media accounts ko. Para saan pa kasi? Wala naman akong kausap.

I accepted his friend request at dumiretso ako sa profile niya. Parang ilegal siguro na gawin ang mang stalk ng ibang tao, pero dahil sa kuryosidad ay pinili kong tingnan ang newsfeed niya.

His profile picture looks so good. Maganda ang quality ng picture niya. He is wearing his basketball jersey na kulay white na may numerong twenty three. He was leaning against his car with his arms crossed. The chocolate eyes of him were serious. Mahaba pa rin ang buhok niya rito at nagmumukha siyang portrayer ng anime sa isang palabas.

Dico Sebastian wave at you.

Napangunot ang noo 'ko. Pinindot ko ang notification kaya dumiretso iyon sa messenger app.

Dico Sebastian: Ay, sorry napindot.

Dico Sebastian: I didn't mean to wave at you. Dico Owen nga pala, pwede ba kitang maging shota?

Natawa ako dahil sa chat niya. Umaayos ako nang pagkakaupo at pinaglapat ang aking mga labi para pigilan ang mumunting ngiti na kumakawala.

Alliyah Louise: Anong trip mo? HAHAHAHA

Dico Sebastian: Thank you for accepting my friend request.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko pabalik kaya hinayaan ko na lang. Hindi rin naman kasi ako marunong magpatuloy nang pag-uusap. When I saw three dots at the bottom, meaning he's typing.

Dico Sebastian: What's your plan this coming sembreak?

Sinagot ko agad ang tanong niya.

Alliyah Louise: I'm going to Cavite, doon ako magbabakasyon kasama si Mama. Magdedebut kase yung pinsan ko.

Dico Sebastian: I see...

Dico Sebastian: If you are not busy this coming weekend, can I invite you for a walk?

Napaisip ako. Wala naman siguro akong lakad.

Alliyah Louise: Hindi ko pa alam. Bakit? Sila Riyana, tatanungin ko kung free sila.

Dico Sebastian: Only you, Louise.

Natigilan ako sa huling nabasa, parang tanga na namang bumilis ang tibok ng puso ko. He's asking for a walk, na kaming dalawa lang? Bakit ako lang? Sa pagkakaalam ko sa sarili ko ay wala akong panahon para sa ganito, pero bakit parang naeexcite ako kung iisipin na lalabas kaming dalawa.

Alliyah Louise: I'm not sure Dos. Tayo lang bang dalawa? Or kasama natin si Levi?

Dico Sebastian: Yeah, Levi is not with us. Don't worry, I won't force you. But if you want to come with me, pwede akong magpaalam kay Tita.

MD 1: Ways of GoodbyeWhere stories live. Discover now